Nakatitig si andrea sa salamin habang sinusuklay niya ang kanyang basang buhok. Ang kanyang mga mata ay mugto pa dahil sa pag-iyak niya. Mayamayay itinigil na nito ang pagsusuklay. Ang kanyang mga mata na nakatitig sa salamin ay tumalim. Punong-puno ng galit.
"Ronald, magsisisi ka sa ginawa mo sa akin. Ibinigay ko ang lahat sayo pero nagawa mo akong pagtaksilan. Namatay ako dahil sayo. Hindi naging sapat sayo na niloko mo ako puwes hindi rin magiging sapat sa akin ang kamatayan niyo ni kristal. Unti-unti kong sisirain ang buhay niyo hanggang sa naisin niyo nalang mamatay. Lahat ay gagawin ko para lang mabuhay para iparamdam sayo ang galit ko. Ang mukhang ito ang maniningil sayo. Ang poot at sakit na nararamdaman ko ay isang daan libo ang balik sa inyong dalawa."
Bumukas ang pinto ng kinaroroonan niyang kuwarto ng makita niya mula sa salamin na nasa kanyang harap kung sino ang pumasok ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ito. Iniyoko niya ang kanyang ulo tanda ng paggalang rito. tanging tuwalya lang ang takip ng kanyang katawan ngunit hindi niya inalintana ang kanyang suot.
Pumasok ito sa kwarto at umupo sa kamang naroroon saka minasdan si andrea na nananatiling nakatayo sa harap niya.
"Nagustuhan mo ba ang kuwartong ito?" Tanong ng lalaki kay andrea.
Agad na tumango si andrea bilang sagot rito. Ang buhay niya bago siya mamatay ay marangya, mayroon siyang napakalaking kuwarto pero ang kwartong kinaroonan niya ngayon ay masasabi niyang doble ang laki kaysa dati niyang kuwarto.
"Lumapit ka rito." Utos nito kay andrea. Agad namang lumapit si andrea rito ng walang pag-aalinlangan.
"Huwag mong iyuko ang ulo mo pag kinakausap kita." Naiirita si Condrad na hindi niya makita ang mukha ng kaharap niya. Sanay naman siyang ang mga nakakausap niya ay palaging nakayuko sa kanya pero ang babae na nasa harap niya ay ayaw niyang yukuan siya nito. Gusto niya ay makita ang mga mata nito habang kinakausap niya ito.
Agad namang iniangat ni Andrea ang kanyang paningin.
Kung may biglang pumasok sa loob ng kwarto ay siguradong iba ang iisipin ng mga ito.
Isang guwapong lalaki na nakaupo sa kama at sa harap nito ay isang Napakagandang babae na nakatayo sa harap nito na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa hubad nitong katawan.
"May iba pa bang nakakaalam ng kakayahan mong marinig ang iniisip ng mga tao."
"Wala po Master. Tanging ikaw lang ang nakakaalam." Marami ang pinagsabihan ng dating may-ari ng katawan pero walang naniniwala rito sinasabihan pa itong baliw. Laging gustong tumulong ng dating may-ari ng katawan sa mga tao pero sa tuwing tutulong ito ay mga matang humuhusga sa kanya ang kanyang natatanggap.
"Mabuti. Ang gusto ko walang makakaalam sa kakayahan mo. Maliwanag ba."
"Yes master."
"Lagi mong tatandaan na ikaw ay pagmamay-ari ko. Wala kang ibang susundin kundi ako lang."
isang tango ang isinagot ni Andrea.
Tumayo si Condrad at lumapit kay Andrea. isang hakbang lang ang pagitan nila. Kahit na gustong Umatras palayo ni Andrea kay Conrad dahil hindi siya komportable na masyado itong malapit sa kanya ay hindi niya ginawa. Ayaw niyang magalit ito sa kanya.
"Sinong nagmamay-ari sayo?"
"Ikaw master." Mabilis na wika ni Andrea. Of course yon talaga ang sasabihin ni andrea sapagkat yon ang Nais marinig ni Conrad mula sa kanya.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Condrad. Kakaiba ang tuwa na nararamdaman ni Condrad sa naririnig.
"Ipahahatid ko rito sa silid ang pagkain mo. Dito ka lang sa loob ng silid na ito. Magpahinga ka at magpalakas." wika ni Condrad bago lumabas.
Nang makalabas si Condrad sa kuwarto ay pagod na inihiga ni Andrea ang kanyang katawan sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Kung pagmamasdan ay para itong payapang natutulog pero ang totoo ay bumubuo ito ng plano sa isipan nito. Isang madugong plano.