Chereads / My ex-fiance / Chapter 10 - MY EX-FIANCE #9

Chapter 10 - MY EX-FIANCE #9

Mabilis lumipas ang araw habang magkasama kami ng boss ko. Limang araw na rin kami magkasama.

Sa loob ng limang araw na iyon , parang tinututure ako ng sarili kong pagmamahal.. Habang nakakasama ko siya mas lalo lang akong nasasaktan.

Dahil kahapon dumating sa hotel ang babaeng higad na iyon.

Buhay pag ibig nga naman, nasasaktan na pilit paring magpakasaya.

Nag aayos na ako ng mga gamit ko dahil bukas raw eh babalik na kami ng manila.

Habang nag aayos ako ng gamit , may biglang tumawag sa akin.

Nang tingnan ko ang caller si mama pala.

Bigla tuloy akong kinabahan, hindi naman kasi basta basta tatawag si mama kong hindi importante ang sasabihin.

After 5 rings sinagot ko rin ito..

"Hello ma! Bakit ka po napatawag? Kumusta kayo diyan?" Kinakabahang tanong ko pero hindi ko pinahalata kay mama. Bagkus ay alam kong umiiyak siya. "Ma may nangyari ba? " narinig kong singhot ng singhot si mama. Mas lalong kumislot ang malakas na kaba sa aking dibdib. "Mama! "

"Anak ang papa mo! Umiiyak si mama habang kinakausap ako " isinugod namin sa hospital, inatake na naman kasi! N-nasa ICU siya ngayon. A-anak na stoke si papa mo! " mas lalo pang lumakas ang iyak ni mama. Yung huling sinabi niya hindi ko na maintndihan.

Nanginginig ang buong katawan ko sa narinig ko hindi ko alam ang sasabihin ko..

"Anak! Naririnig mo pa ba ak0? Nariyan ka pa ba anak?? " hindi ko alam kong naririnig ko ba si mama o ewan..

"Uuwi na ako ma! Hintayin mo na lamang ako! " bago ko ibinaba ang tawag ni mama.

---------

Hindi alam ni Nicole kong ano ang gagawin niya hindi niya alam na nag uunahan na ang mga luha sa aking mga mata.

"Nic?! Are you okay? Nic! Nic! " natauhan lamang siya ng maramdaman niyang may yumuyogyog sa balikat niya.

Bigla niyang niyakap si Andy. Wala siyang paki kong nariyan o wala ito kasama. Ang mahalaga ako ay kailngan niya ng kausap at nasasandalan. Dahil parang bibigay ang kanyang buong katawan dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina.

Hinayaan lamang siya ni Andy sa pagyakap, habang umiiyak.

Mag sasalita pa sana si Angelica ng sawayin ito ni Andy.

Nang mahimasmasan na si Nicole ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Andy.

"A-andy si Papa!" panimula ni Nicole habng sumisinghot. "Si papa Andy! Si papa! " paulit-ulit niyang sambit. Hindi parin ito tumigil sa pag iyak.

"Halika muna rito, maupo ka at kumalma. Babalik na tayo ng manila ngayon din. Kumalma ka muna at kukunin ko na ang susi ng kotse." wika ni Andy.

Sinunod naman niya ang sinabi ng binata. Ngunit hindi parin maiaalis sa kanya ang pag aalala , parang gusto na niyang liparin mula sa kinaroroonan nila pabalik ng manila.

Ilang minuto lamang ay nakabalik na si Andy bitbit ang mga gamit nila. Mabuti at natapos ni Nicole ang pagliligpit.

"Halika na Nic! " inalalayan ni Andy ang dalaga dahil parang wala parin ito sa kanyang sarili. Tumutulo parin ang kanyang mga luha.

---

Ilang oras din ang tinagal ng kanilang b'yahe, dahil masyadong trapik sa daan.

Hindi marahil naramdaman ng dalaga na nakatulogan niya ang kanyang pag iyak..

"Nic! Wake up! Andito na tayo sa hospital! " mabuti at nasa niya kong saang hospital dinala ang kanyang Papa, bago nakatulog.

Nagising naman ang dalaga at pinupunasan ang mga mata.

"Salamat Andy! "

"Samahan na kita sa loob! " tumango lamang si Nicole.

Hindi na nag inarte pa si Nicole pumasok na sila, dahil alam n'yang kailangan niya ng katuwang ngayon.

Saka ko nalang eexplain sa pamilya ko kung bakit ko sya kasama.

Pagpasok nila Nicole diri diretso lamang sila hindi na sila nag atubiling lumingon sa magtanong sa nurse station. Sapagkat alam niya na kung saan ang mama niya.

Ng marating nila ang 2nd floor nakita nila ang ina ni Nicole na tulala at umiiyak.

"MA! Niyakap ni Nicole ang ina, ayaw niyang ipakita na pati s'ya ay umiiyak kailangn niyang maging matatag para sa knyang pamilya.

"Ma! Tama na! Pinunasan ni Nicole ang mga luha ng kanyang ina. "Kumain kana ba? Magiging maayos rin si Papa Ma, malalagpasan niya iyan!Malakas si Papa! " niyakap lamang ni Nicole ang kanyang ina.

Lumapit na si Andy sa mag iina.

"Hello tita! " sabay mano sa ina ni Nicole..

Sinilip ni Nicole ang kwarto kung nasaan ang kanya ama. Nanlumo siya sa kanyang nakita. Maraming aparatus ang nakakabit sa katawan ng kanyang ama.

Pumasok si Nicole sa loob ng kwarto. Bago siya pumasok ngsuot muna siya ng damit pang hospital at mask.

Dahan dahan siyang lumapit rito.

" Pa! 'Wag po kayong susuko, huwag mo po kaming iwan! " habang tumutulo ang mga luha ni Nicile. "Alam ko po na malakas kayo. Kayang-kaya niyo pang labanan yan Oa. Andito lang kami lagi nila mama. Magpapagaling kayo Papa huh. Mamamasyal pa tayo Papa. Marami pa tayong pupuntahang lugar. Kaya bumangon na kayo Papa. H'wag ka masyadong matulog ng matagal huh. Pa gagawa ako ng paraan maipagamot kayo hanggang gumaling." Hinalikan ni Nicole anv noo ng kanyang ama bago tuluyang lumabas na ng kwarto.

Bago lumabas si Nicole pinunasan niya muna ang kanyang mga luha.

------

Ang hindi alam ni Nicole nag usap ang kanyang ina at si Andy about sa sitwasyon ng kanyang ama.

Kung bakit niya pinasok ang trabaho na ito.

"Salamat iho, alagaan mo ang anak ko huh!"

" Walang anuman po tita! Gagawin ko po ang lahat tita, gumaling lang si tito! Salamat din po! "Sabay yakap sa ina ng dalaga.

Naabutan ni Nicole na niyayakap ni Andy ang kanyang ina.

Hinayaan niya muna bago siya lumapit sa dalawa..

Parang biglang naglaho ang lahat ng sakit na naramdaman niya sa mga ginawa ni Andy noon. Sa nakita niya after all this year ganito parin siya kalapit sa pamilya ko. Ganito niya parin kamahal ang pamilya ko.. hindi ako nagsisi na siya ang minahaL ko ng ganito.

" mama! Andy! " tawag niya sa dalawa.

Naghiwalay ng yakap ang dalawa at lumingon sa dalaga at sabay ngumiti.

Tumingin siya kay Andy at ningitian ito..

"Salamat! "

Maiwan ko muna kayo huh mag usap muna kayo.

Pupuntahan ko lang si papa niyo.