Chereads / My ex-fiance / Chapter 8 - MY EX-FIANCE #7

Chapter 8 - MY EX-FIANCE #7

"May pupuntahan tayo"

Nang sinabi niya yan sa akin, napatigil ako sa pag tayo. Kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Saan naman tayo pupunta Andy?  Baka magalit sa akin ang girlfriend  mo. Ayaw ko ng gulo. Nakakapagtaka dahil bigla biglang magyaya. Talagang pinag diinan ko ang salitang girlfriend.  Totoo naman baka magalit. 

Tiningnan niya ako ng masama. May masama ba sa sinabi ko?

"P-pero A-----" hindi na natapos ang sasbahin ng magsalita siya ulit.

"Walang  pero-pero sumama ka sa akin. " maowtoridad niyang sabi. Akala mo pagmamay-ari ako ehh.

Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Sasama naman talaga ako, nagpakipot lang.

"Okay! "   wika ko sa kanya.

------

Lumabas kami ng hotel, at pumunta sa parking lot.

Nasa likuran niya lang ako, kaya kitang kita ko ang buong kabuuan ng pangangatawan niya. Kahit nakatalikod siya sa akin..

Ang daming nagbago sa kanya kung noon patpatin siya ngayon ang ganda na ng hubog ng katawan niya, yung braso niya gusto kong hawakan , mukhang ang tigas tigas ehh.  Yung tindig niya tindig ng isang prinsipe.

Maraming nagbago sa kanya ,yung nararamdaman ko lang naman ang hindi nagbago para sa kanya.

Alam mo yung moment na parang lumulutang ka sa alapaap dahil kasama mo yung taong minahal mo noon kahit hanggang ngayon. Sana ganoon nalang kami habang buhay, pero alam kong pagkatapos nito babalik na naman kami sa dati. Yung katutuhanan na sekretary nya nalang ako at siya ang boss ko.

" Tapos ka na bang pag nasaan ang buong katawan ko." wika nito.

"Ay ang gwapo mo Andy!" napatakip ako ng aking bibig. Dala ng gulat ko kaya nasabi ko yun. Ikaw ba naman nasa gitna ka ng pag dedreaming ng maskulado niyang katawan tapos bigla kang gugulatin.

Nasa harapan niya na pala ako hindi ko namalayan, nag gagala kasi ang isip ko.

"Alam kong gwapo ako, kaya nga mahal mo pa eh!" wika nito,  habang may ngiti sa labi.

Ay ang kapal niya!! alam kongbgwapo siya pero kailangn pa bang ipamukha na mahal ko parin siya...

"Akala mo lang yun,  nakamove-on na ako! " Ano ba itong sinasabi ng bunganga ko. Iba ang nasabi ko pwera sa sinasabi ng puso ko.  Hindi ko naman pwedeng sabing oo kasi magmumukha akong tanga .

"Okay!" Iyon na lamang ang sinabi niya.

"Tara na nga!  Dami mo bang sinasabi!" Pag-iiba ko ng usapan.  Ako na nag yaya na umalis na. Kasi kong hindi nako malulunod na ako sa hiya. Naramdaman ko kasing namumula na ang pisnge ko.. Kaya nagtara ako,  para hindi mahalata.

Pumasok na siya sa driver sit,  papasok na rin sana ako sa likuran.

"Dito ka sa harapan! Gagawin mo pa talaga akong driver! " sinunod ko naman ang sinabi niya. Kaya punta ako sa harapan.

Nang makapasok na rin ako , inistart na niya ang engine.

"Ang cute mo talaga kapag nag bablush! " nang asar pa bago kami tuluyang umalis sa hotel.

Hindi ko nalang siya sinagot at tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng kotse..

At siya naman ay naka fucos lang sa daan habang ngmamaneho.

Habang nilalakbay namin ang isang napakahabang hi-way may napansin akong dalawang matatandang magkahawak kamay. Si lola nakahawak sa mga kamay ni lolo, habang si lolo naman hinagalikan ang mga kamay ni lola,  sabay yakap.

Kaya bumalik sa ala-ala ko ang pangako niya sa akin.

* FLASHBACK *

Nasa bahay kami nung araw na yun....

"Hon! Saan mo gustong ikasal tayo!? "wika nito habang magkahawak ang aming dalawang kamay.

"Kahit saan hon,  basta ikaw ang groom ko! " ningitian ko lamang si Andy.

"Sige ko iyan ang gusto mo hon! " mahigoit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya. Hon kahit anong mangyari, huwag mo ako ipagpapalit huh! " dagdag pa nito habang kayakap ako. I love you so much hon! " bulong nito sa akin, at hinalikan ang noo ko.

"I love you more hon! " wika ko rito at hinalikan siya sa pesnge.

"Hon! Ilang anak naman ang gusto mo? " biglang tanong ko sa kanya.

"Basketball team! " walang gatol niyang sagot sa akin.

"Wow!  Hon naman ang dami,  baka malusyang na ako niyan at ipagpapalit mo na ako! " para akong baby na nagmamaktol.

"Nagbibiro laang hon!  Okay na sa aki. Ang dalawa. Isang prinsesa at isang prinsipe. Basta ikaw ang maging ina ng mga anak ko. " wika nito sa akin"I wanna grow old with you hon!  Dagdag nito sa sinasabi.

END OF FLASHBACK..

Masaya kami ng mga araw na iyon. Puno ng mga pangarap at plano. Ngunit sa isang idlap nawala ang lahat sa akin.

Habang naalala ko iyong mga nangyari noon, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko .. Kaya dali dali kong pinunasan ito.

"Nic!  Are you okay! Are you crying?tumango lamng ako.

"Yah!  I'm fine.  Hindi ako umiiyak,  may naalala lamang ako.. " sabay tingin sa kanya at nag smile.

"Okay! "sabi niya at tinuon na ang pagmamaneho..

----

"Andito na tayo Nic! Gising!na! "hindi ko alam nakatulog pala ako sa haba ng byahe.

"Asan tayo? "kaya tiningnan ko ang palagid..

Nagulat ako dahil andito kami sa beach sa lugar kong saan siya ng proposed sa akin. sa lugar na napakaraming magagandang memories na pinasamahan naming dalawa..

Tiningnan ko siya "Bakit tayo andito? "Kinunutan ko siya ng noo,  dahil wala akong idea kong bakit kami na rito sa lugar na ito.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at diretsong pumasok sa loob.

KUNG TINATANONG NIYO NASAAM KAMI.. NANDITO LANG NAMAN KAMI SA ISANG BEACH NA PAGMAMAY ARI NILA ANG AF BEACH..

SA BEACH NA ITO KUNG SAAN SIYA NG PROPOSE SA AKIN KASAMA ANG PAMILYA NIYA AT PAMILYA KO.. LAHAT NG MAGAGANDANG MEMORIES NAMIN AY NANDITO LAHAT NG PINAGSAMAHAN NAMIN DALAWA AY NANDITO.. PERO ANG MASAKLAP ANG MASAKIT DITO RIN NAMIN SANA PLANONG IKASAL .. NGUNIT SA ISANG IGLAP NAGBAGO ANG LAHAT AT NAGLAHO NA PARANG BULA..

Nang makapasok ako sa loob, nalanghap ko agad ang sariwang simoy ng hangin. Na parang nag iidyok sa akin na lumapit sa tabing dagat.. At ginawa ko naman..

Pinagmasdan ko ang araw papalubog na pala..

Parang kailan lanh lumubog din ang pagmamahal niya sa akin. .

"Andito kalang pala! Kanina pa kita hinahanap!" may biglang nagsalita sa aking giliran.

"Ang ganda ng araw no?" sabi niya habang nka tingin sa araw na papalubog na..

Tiningnan ko naman siya at ngumiti..sabay sabing "Oo nga ehh". At sabay naming pinagmasdan ang papalubog na araw habang hawak niya ang aking kamay.