Chapter 556 - Chapter 21

MAGANDA ang mood ni Rei nang pumasok ng DMC Designs. Inspired siyang magtrabajo kahit na sobrang busy ang schedule. Di kasi nawawala ang presensiya ni Hayden. Pagdating tiyak niya ay may padala na itong Gatorade at chocolates pati na rin bulaklak. Tatawag din ito maya maya pa para pasayahini siya.

Her career was starting to flourish. Maliit lang ang kompanya ng DMC pero puro bigatin ang mga kliyente. At sa mga panahong di pwede si Dafhny ay siya ang pinagkakatiwalaan nito sa mga projects.

Sabi nga ni Edmarie sa kanya ay maswerte daw siya dahil nasa kanya na ang lahat. Para sa kanya ang regalo iyon na kailangang alagaan.

"Good morning," bati niya sa mga kasamahang junior designer.

Ngumiti lang ang mga ito at pagkatapos ay nagkulumpunan sabay sulyap sa kanya. Di niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito pero alam niyang siya ang topic. Nagtaka siya nang sabay-sabay magtawanan ang mga ito na nakaka-insulto.

"Girls, bumalik na kayo sa trabaho," wika ni Dafhny na kagagaling lang sa Costa Brava. Nasa kalagitnaan na kasi ang restoration project sa isla.

"Good morning, Ma'am," bati niya dito.

"Follow me to my office, Rei," anito sa seryosong tono.

Kinabahan siyang bigla. Mukhang may malaking problema. May ginawa ba siyang palpak na nagreklamo ang kliyente. So far ay maganda na ang feedback sa performance niya. Ano kaya ang problema?

"Nagkausap na ba kayo ni Hayden?" tanong nito.

"Tungkol po saan, Ma'am?"

"Mukhang wala ka pang alam. I don't think you will like this."

Inabot nito sa kanya ang diyaryo. Muntik nang mawasak ang puso niya nang makita makita ang pictures ni Hayden sa article na Happy and Gay. Naroon ang mga picture nito noong magkasama pa sila sa university. Mga larawan kasama ang gay friends nito habang naka-make up at mga picture noong nagpe-perform ito sa stage bilang Japanese geisha. And all of the pictures screamed that it was so gay.

"Alam ko ang tungkol dito, Ma'am. Pero may paliwanag si Hayden tungkol dito," aniya sa matatag na boses.

"Sigurado naman ako sa gender preference ni Hayden. Matagal ko na siyang kaibigan. I can detect a guy from a pseudo-girl. Pero sa article na ito, masisira pati ang reputasyon niya at ang estado niya sa riding club. Pati sa internert kumakalat iyan. Baka pati trabaho ni Hayden at social life niya maapektuhan."

Alam na niya kung bakit pinagtatawanan siya ng mga kasamahan niya kanina. Iniisip ng mga ito na may nobyo siyang bading. Gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo ang totoo. Na susuntukin niya kung sinuman ang magsabi na bading si Hayden. Kailangan niyang damayan si Hayden sa mga oras na iyon.

Paano kung di lang trabaho nito ang maapektuhan kundi maging pamilya rin nito? Alam niya kung gaano kasensitibo ang mga ito sa eskandalo.

Tinawagan niya ang opisina ni Hayden subalit wala ito doon. Di rin kasi nito sinasagot ang cellphone niya. "Ma'am, wala rin po siya sa condo niya. Baka po nasa Stallion Riding Club siya," anang sekretarya nito. "Marami po kasing tumatawag sa kanya ngayon. I-off na rin ninyo ang cellphone ninyo, Ma'am. Baka kulitin din po kayo ng mga reporters. Maiinis lang kayo sa kanila."

"Thank you." Lumapit siya kay Dafhny. "Ma'am, pwede po mag-off ngayon? This is an emergency."

"Sure. Huwag mo nang isipin ang trabaho mo sa ngayon. Give my regards to Hayden. Tell him that I give him my full support." Ihinagis nito ang susi ng kotse nito. "Use my car. Mas mabilis iyang imaneho. And I will call Gianpaolo to give you permission to enter the riding club."

Matapos magpasalamat ay tinahak na niya ang direksiyon papuntang riding club. Ihinahanda na niya ang loob niya. Di madali ang problemang kinakaharap ni Hayden. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang dalawa.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan, maswerte nang walang humuling pulis sa kanya. Siguro ay nauunawaan din ng langit ang dilemma niya.

Di siya tumigil sa pagdo-doorbell sa villa ni Hayden hangga't di nito binubuksan. Plano na sana niyang akyatin ang bakod kung di nito binuksan ang gate. "Rei, what are you doing here?"

Niyakap agad niya ito. "Are you okay? Alalang-alala talaga ako."

Pilit itong ngumiti. "I am okay."

Sinalubong niya ng pilit ang mga ito. "You are not. Nabasa ko ang articles laban sa iyo. Kagagawan tiyak iyon ni Renato. Naku! Gugulpihin ko talaga iyon oras na makita ko siya. Ang kapal ng mukha niya!"

Hinawakan nito ang balikat niya. "Hayden, relax!"

"Paano ako magre-relax? Ikinalat na niya di lang sa diyaryo kundi pati sa Internet ang mga pictures mo."

"Epekto siguro iyon ng paghihiganti ko. Resulta iyon ng pagpapanggap ko."

"Pero hindi ka naman masamang tao, Hayden. Gusto mo lang ihanap ng katarungan ang ginawa niya sa iyo dati. And you are not really a gay. Siya nga ang may masamang nakaraan. Manggagamit siya. Kung kaya niyang kumuha ng ilalaban sa iyo, kaya ko ring kumuha ng ebidensiya laban sa kanya."

"Ayoko nang madamay ka dito, Rei. Pabayaan mo na siya."

"Paano ka? Hindi ba mawawala ang kliyente mo dahil dito?"

"Ikaw na ang nagsabi. Hindi naman ako masamang tao. May pamilya din si Renato na nasasaktan. The issue will eventually die down. Kaya kong harapin ito. Ikaw ang inaalala ko. Paano kung hindi mo kayanin ang pressure? Hindi lang reputasyon ko ang pwede nilang I-discredit kundi ikaw din."

Kayang pigilan ng mga kaibigan ni Hayden ang pagkalat ng balita. Pero nailabas na iyon kaya di madaling apulahin ang apoy.

"Basta dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan! Kung kailangan kong harapin ang lahat ng nagsasabing federacion ka, gagawin ko. Makakatikim sila."

"Iniisip ko kasi na mag-cool off muna tayo para di ka madamay. Hayaan mo nang ako muna ang humarap sa lahat ng gulo na iyan at di ikaw ang gitgitin nila."

Inambaan niya ito ng suntok. "Anong cool off? Ayoko! Girlfriend mo ako. I will stick with you through thick and thin. Wala akong pakialam sa ibabato nilang masasamang salita sa iyo. Kaya kong harapin ang lahat ng iyon. Parte lang ito ng relasyon natin na kailangan nating harapin."

"This is serious, Rei. Ayokong pagtawanan ka ng mga tao. At pati pamilya mo maaapektuhan din. Ayokong may masabi sila sa iyo."

"Parang replay na ang usapan na ito, Hayden. Ngayon ko pa ba iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Sa university nga wala akong pakialam kung sabihin nilang mas maganda ka pa sa akin pero ikaw pa ang hinahabol-habol ko. I love you. Wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Wala akong pakialam sa opinion nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."

Akmang tututol pa ito nang yumakap siya sa leeg nito at halikan ito. Ibinuhos niya ang lahat ng nararamdaman niya sa halik na iyon nang walang kahalong takot. Ganoon din ang pagmamahal niya dito. Wala siyang dapat katakutan.

"Kokontra ka pa ba?" tanong niya dito at tinaasan ito ng kilay.

"No. I don't think makakakontra pa ako sa mataray kong girlfriend."

"Hayden, di mo ako kailangang protektahan o itaboy palayo. Gusto ko lang naman magkasama nating harapin ito."

Pinagsugpong nito ang kamay nila. "Yes. We'll face this together. We'll just keep on loving each other. To hell with the rest of the world!"

Related Books

Popular novel hashtag