Chapter 533 - Final Chapter

NANGANGALUMATA na si Liyah subalit di niya inaalis ang tingin niya kay Thyago. Di rin siya halos umaalis sa tabi nito mula nang dumating siya ilang oras na ang nakaraan. It was not easy to leave Bangkok. Pero mas loob ang buo niya na umuwi ng Pilipinas at makasama si Thyago.

"Wala na siya sa critical condition," wika ni Doctor Mondragon. "Biglang bumuti ang kondisyon niya nang dumating ka."

"Salamat sa pag-aalalaga sa kanya, Doc."

"Basta huwag kang magsasawa sa pagbibilin sa kanya. Kung pababayaan niya nag sarili niya, baka maulit ito."

Tumango siya at hinaplos ang noo ni Thyago. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa mukha nito at nagiging normal ang paghinga. Ayon sa doctor, maswerte nang nakaligtas si Thyago. Di biro-biro ang pinagdaanan nito.

Dahan-dahan nitong idinilat ang mata. Tumayo siya at hinaplos ang pisngi nito. "Thyago, how are you feeling? Anong masakit sa iyo?"

Umungol ito at pilit na itinuon ang mga mata sa kanya. "Liyah? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa Bangkok ka."

"Paano ako mag-I-stay sa Bangkok kung may sakit ka dito?" Nakuyom niya ang palad. "Bakit hindi mo sinabi noong tumawag ka na may sakit ka?"

Iniwas nito ang tingin sa kanya. "It doesn't matter."

"It doesn't matter? Halos mamatay-matay ako sa pag-aalala sa iyo nang hindi ka tumawag. Ano bang sumasaksak sa kukote mo, Thyago Palacios? Kung nalaman ko agad na may sakit ka, sana di na lumala iyon dahil sa katigasan ng ulo mo."

May sakit na ito nang mabasa ang ulan ay binantayan pa nito ang mga kabayo habang bumabagyo. Kung tutuusin ay di na nito trabaho iyon pero di daw nito matiis ang mga bagong kabayong inaalagaan nito na matatakutin.

"Nandito ka lang ba para sermunan ako?"

Nagulat siya dahil parang may bahid ng iritasyon sa boses nito. "Bakit parang hindi ka masaya na makita ako?"

"Akala ko kasi hindi ka na babalik."

"Bakit hindi ako babalik. Nandito ka. Nandito rin ang trabaho ko."

"Sabi ng Kuya Elvin mo hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. Hindi ka na daw babalik dito. You decided to stay with him. Mas masaya ka daw doon."

"What? Sinabi iyon sa iyo ni Kuya?"

"Kaya nga ayoko nang abalahin kayo. Alam ko naman na kailangan ninyo ang isa't isa. Mahalaga naman talaga sa iyo ang kapatid mo, di ba?"

"But it doesn't mean I care for you less. I love you, Thyago. O hindi ka ba naniniwalang mahal mo ako?"

"Ayoko lang marinig mula sa bibig mo na ayaw mo nang bumalik sa akin. Hindi naman kita masisisi kung mas gusto mong makasama ang kapatid mo. Malay ko ba kung mas masaya ka talagang kasama siya."

Ginagap niya ang kamay nito. "Thyago, ito na ang bago kong buhay. I found a new meaning in my life when I came here with you. Hindi na ako babalik sa nakaraan ko. I want to have a future here with you."

"Paano na ang kapatid mo? Kailangan ka rin ni Elvin."

Bumakas ang lungkot sa mga mata niya. "Hindi ko na siya maintindihan. Naging unreasonable na siya. Normal na ulit siyang kung mag-isip. Bumalik na rin ang performance niya sa paglalaro. Pero naroon pa rin ang trauma niya na iiwan siya ng mga taong mahal niya mula nang iwan siya ni Eyna."

"Natatakot na siguro siyang mag-isa. He didn't want to feel unloved."

"Pero di naman pwedeng bumalik kami sa dati. Iyong buhay na kaming dalawa lang. I can't imagine my life without you, Thyago. Hindi ko na kayang tumawa at maging masaya tulad ng dati kung wala ka."

Kinabig siya nito at kinintalan ng halik sa noo. "Pinili kong magtrabaho na lang kaysa isiping mawawala ka sa akin. It was not easy. Parang may malaking butas sa puso ko. Sanay naman akong mag-isa. Pero mula nang mahalin kita, ilang sandali na lang na di kita makasama, parang impyerno na sa akin."

"No. Hindi na tayo maghihiwalay mula ngayon."

"Pero ayoko naman na magkaroon kayo ng problema ng Kuya Elvin mo. Kailangan ka rin ng kapatid mo, Liyah."

"Yes, I need her. Pero mas kailangan ka niya, Thyago," sabi ni Elvin nang pumasok sa kuwarto ni Thyago.

Yumakap agad siya kay Thyago. "Kuya, hindi ako aalis. Hindi ko iwan si Thyago. Masaya na ako dito sa Pilipinas. Di na ako babalik sa Bangkok."

Malungkot na ngumiti si Elvin. "Alam ko. At di na kita pipilitin na sumama sa akin. Na-realize ko ang pagkakamali ko. Naging selfish ako. Nang maging girlfriend ko si Eyna at nang pakasalan ko siya, itinago ko sa iyo dahil natakot akong mawala ag kaligayahan ko sa kanya. Nang ipaalam ninyo sa akin na niloloko niya ako, naniwala ako sa kasinungalingan niya. Masyado ko siyang minahal kaya nakalimutan kong pahalagahan ang mga taong nagmamahal din sa akin."

"Hindi mo na babawiin sa akin si Liyah?" tanong ni Thyago.

"Ngayon ko na-realize ang mga pagkakamali ko. Pati kaligayahan ng kapatid ko pinipigilan ko. Naging miserable ako at gusto ko rin na maging miserable siya. Para wala na siyang ibang tatakbuhan kundi sa akin lang. Para maisip niya na ako lang ang nagmamahal sa kanya."

"Pasensiya ka na kung kailangan kitang iwan para kay Thyago, Kuya. Pero ayokong isipin mo na hindi kita mahal."

Itinaas nito ang kamay. "Hindi na ninyo kailangang magpaliwanag. I am enlightened, alright! Hindi ko kayo dapat idinamay sa mga kapalpakan ko. Sarili ko lang ang niloko ko nang mahalin ko si Eyna. I was so crazy over that I decided to ignore all the signs that she didn't love me. Tama ka, Liyah. Nabulag ako sa pagmamahal sa kanya at tinalikuran ko ang mga taong nagmamalasakit sa akin nang totoo. Kayo."

Nilingon niya si Thyago at ngumiti. Tama ito. Mare-realize din ng kapatid niya ang lahat ng pagkakamali nito sa takdang panahon.

"Kuya, masaya na ako dito. Marami akong kaibigan dito. And marami pa kaming plano ni Thyago di lang para sa isa't isa kundi sa mga bago naming career."

Tumango ito. "I can see that. Nakita ko rin na maganda dito sa riding club. At naging responsible din kayong dalawa mula nang lumipat dito."

"Ikaw, Kuya? Ano ang plano mo?"

"I am filing a divorce. Walang mangyayari sa akin kung hihintayin ko na lang si Eyna. Hindi na siya babalik. Tanggap ko na iyon. Sana lang maging masaya na siya at wala na siyang masaktan na ibang tao."

Niyakap niya ang kapatid niya. "Don't worry. Matatagpuan mo rin ang tao na totoong magmamahal sa iyo."

Nagkibit-balikat ito. "Maybe yes. Maybe not. Pero kapag may dumating na ibang babae sa buhay ko, titiyakin ko na mas matalino na ako at di na ako basta-basta nagpapadala sa emosyon ko." Lumapit ito kay Thyago at ipinasa ang kamay niya dito. "Take care of my sister. Kapag pinaiyak mo siya, masasaktan ka sa akin."

"Tanungin mo ang kapatid mo. Siya pa ang nagpapaiyak sa akin."

"She's a handful, Thyago. In a way, I am glad she's out of my way." Saka humahalakhak na nagpaalam si Elvin.

"Kung magsalita si Kuya, parang sakit ng ulo lang ang dala ko."

"Sa lahat naman ng sakit ng ulo, ikaw ang pinakamaganda."

Hinampas niya ito sa balikat. "Akala mo ba tapos na ang panenermon ko sa iyo? Di pa rin kita mapapatawad dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo."

"Huwag ka nang magalit. Papagaling na nga ako."

Humilig siya sa balikat nito. "I don't want to lose you, Thyago."

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. "Hindi ako mawawala sa iyo, Liyah.  I promise that I will take care of you. Ipatalaktak mo ako sa kabayo kapag sinaktan kita."

Tiningala niya ito. "Sinabi mo iyan, ha?"

Subalit alam niya na di na niya ito kailangan pang parusahan. Naniniwala siya sa pangako ni Thyago na palagi siya nitong mamahalin. At iyon din ang pangako niya dito.

Related Books

Popular novel hashtag