Chapter 531 - Chapter 22

AWANG-AWA si Liyah habang pinagmamasdan ang halos bugbog na katawan ng kapatid niya. Sumalpok ang sinasayan nito sa isang island habang nagmamaneho ng lasing. Walang internal damage sa katawan nito. May sugat ito sa noo at ilang pasa sa katawan dahil sa pagkakabangga. Maswerte daw ito na nabuhay ito nang walang ibang matinding pinsalang tinamo.

"Ilang linggo na pala silang hiwalay ni Eyna. Nahuli niyang nakikipag-relasyon kay Florence," kwento ni Thyago sa kanya habang nagbabantay sila.

Nagpa-reserve agad ito ng ticket papuntang Bangkok. Wala silang inaksayang oras at lumipad agad sila para puntahan ang kapatid niya.

"Ipinagtabuyan ba niya si Eyna? Pinaalis ng bahay?"

"On the contrary, your brother begged that she stays. Iyak daw ng iyak ang kuya mo nang umalis si Eyna at sumama kay Florence."

"That's crazy. Bakit pa niya gustong manatili sa piling niya taksil na iyon?" mahina subalit pagalit niyang usal. Sobrang sakit na ang ibinigay dito ni Eyna. Hindi pa ba sapat iyon?

"Mahal na mahal niya si Eyna. Nagsimula na siyang maglasing nang dahil doon. Hindi na siya makapunta sa training dahil kahit umaga lasing siya. At nitong nakaraang araw, tumawag ang isang kaibigan ni Eyna para ituro kung saan ito nagtatago at si Florence. Sinubukan niyang sumunod at magneho kahit pa nga lasing siya. Kaso hindi pa siya nakakalayo, nabangga na siya."

Malungkot niyang hinaplos ang buhok ng kapatid niya. "Ni wala man lang akong nagawa para sa kanya."

"May nagawa ka na para sa kanya, Liyah. Nasabi na natin sa kanya ang totoo pero ayaw niyang maniwala. You don't have to feel guilty about it."

"Sana sinabi agad ni Kuya sa akin kung anong nangyari. Sana nadamayan natin siya para hindi na umabot sa ganito."

Pinisil nito ang balikat niya. "Ang importante nandito ka pa rin para sa kanya. Hindi mo siya pinababayaan bilang kapatid. He needs to start anew. Kaya kailangang manatili ka sa tabi niya."

Ngumiti siya at pinisil ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya. "Thanks, Thyago. Alam ko naman na may tampo ka rin kay Kuya dahil sa ginawa niya sa iyo."

"Kinalimutan ko na iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas kawawa at nangangailangan ng tulong. Hindi ito ang oras para pairalin ko ang tampo ko."

Hinalikan niya ang likod ng palad nito. "Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung wala ka dito. Ikaw lang ang dahilan kung bakit nananatili akong malakas."

Ngumiti ito. "Tatawag lang ako sa riding club para I-check kung ano ang nangyayari doon. Babalik din ako agad," anito at  iniwan siya sa silid.

Umungol si Elvin. "E-Eyna! E-Eyna!"

Hinawakan niya ang kamay nito. "Kuya!"

Dahan-dahan nitong iminulat ang mata. "Nasaan si Eyna?" tanong nito.

Umiling siya. "Wala na siya, Kuya. Di na siya babalik."

Humagulgol ito ng iyak na parang bata. "Iniwan niya ako? Bakit? Kulang ba ang pagmamahal ko sa kanya? Mahal na mahal ko siya, di ba? Lahat ibinigay ko sa kanya. Tulungan mo akong ibalik siya, Liyah. Ayokong mawala siya."

Niyakap niya ito at hinaplos ang likod nito. "Tama na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wala ka nang maaasahan pa kay Eyna. Nandito naman ako."

"Liyah, hindi mo ba ako iiwan? Hindi ba galit ka sa akin."

"Kalimutan na natin iyon, Kuya. Magsimula tayo ulit."

Gagawin niya ang lahat para ibangong muli ang kapatid niya. Hindi siya papayag na may iba pang tao na mananakit dito.

"KUMUSTA KA NA, pare?" tanong ni Thyago kay Elvin at inabot ang kamay dito

 Nag-aalangang nakipagkamay si Elvin dito. "I am okay now. Unti-unti nang gumagaling at nahihimasmasan sa kahibangan ko. Medyo masakit lang ng kaunti ang katawan ko. Parang naglaro ako ng straight ng polo. Or I feel like a polo horse playing seven chukkers without rest."

"Huwag mo na ulit gagawin iyon. Nag-alala kami ni Liyah dahil sa iyo," anang si Thyago sa seryosong tono.

"Alam ko naman na marami akong kasalanan sa inyo. Pero salamat pa rin sa pagdadala mo sa kapatid ko sa akin at di mo ako tuluyang inilayo sa kanya."

Natawa si Thyago. Halatang naiilang pa rin ang Kuya Elvin niya dito. "Bakit ko naman siya ilalayo sa iyo? I still have high respects for you, pare. At kapatid ka pa rin ni Liyah. Alam ko naman sa huli na matutuklasan mo rin kung ano ang totoo."

"Ayoko nang isipin mo ang nangyari dati, Kuya. It is all in the past. Hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa iyo ni Thyago."

Nakabuti nga para sa kanya ang paglayo sa kapatid. Natuklasan niya na kaya pala niyang mabuhay nang mag-isa. Mas lumawak din ang pananaw niya sa buhay. Mas naging considerate din siya sa ibang tao sa paligid niya at mas natutong makisama. Higit sa lahat, natuto rin siyang magmahal di lang ang sarili niya at ang kapatid niya. Hinayaan din niyang makapasok sa puso niya si Thyago.

"Basta magpahinga ka na ngayon, pare," wika ni Thyago. "Nami-miss ko na ang mga polo matches natin."

"Gusto mo bang bumalik ka ulit sa King Power? Alam ko naman na ayaw kang pakawalan ng manager natin. Napilitan ka lang umalis dahil sa akin."

"Maganda na ang trabaho ko sa Stallion Riding Club. Kahit si Liyah nag-e-enjoy din sa trabaho niya bilang instructor," kwento ni Thyago.

"What? Instructor ka na lang ngayon? Hindi ba gustong-gusto mo ang maglaro ng polo?" tanong ng kuya niya.

"Nakakapagod pala ang laging lumaban," angal niya. "Isa pa, nakakapaglaro pa ako ng polo. Mas magagaling pa ang nakakalaban ko. Saka magkakaroon na rin ng polo lesson sa Artemis Equestrian Center next year."

Maraming kababaihan ang nagka-interes maglaro ng polo nang minsang sumali siya sa polo practice match ng mga members ng riding club. Dahil di naman nag-o-offer ng polo lessons ang Stallion Riding Club sa mga babae at sa mga bata ay ang Artemis Equestrian Center ang mag-o-offer ng lesson.

"Mukhang masaya ka na sa buhay mo sa Pilipinas," malungkot na usal ng kapatid niya. "Masaya ka yata kahit na wala ako."

"It's not like that, Kuya. Maganda naman talaga ang lugar na napuntahan namin ni Thyago." There were lots of possibilities. Marami siyang pangarap na nabubuo di lang para sa sarili niya kundi maging sa mga tao sa paligid niya. Di tulad sa Bangkok na parang nakahawla lang ang isipan niya.

"Maganda siguro kung dalawin mo kami ni Liyah minsan," sabi ni Thyago. "I am sure mag-e-enjoy ka sa Stallion Riding Club."

Bumakas ang takot sa mga mata ni Elvin. "Babalik ka na ba sa Pilipinas, Liyah? Iiwan mo na ako?"