Chapter 517 - Chapter 8

MARIING ipinadyak ni Liyah ang paa. It was divot stomping time. Iyon ang half time nila para sa larong iyon. It was long standing tradition at half-time.

 Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga spectators na tumapak sa field para tapak-tapakan ang playing field at alisin alisin ang bakas ng mga marka ng mga kabayo o ng nakaraang laro.

Pagkakataon na rin iyon ng mga manglalaro para makipag-usap sa mga fans habang nagpapahinga. Ipinapahinga rin kasi ang mga polo ponies nila.

Subalit lumilipad ang utak niya sa laro niya. Lamang sa kanila ang kalaban. Magagaling ang mga ito pagdating sa depensa. She was the third player. Siya ang pinakamaraming ginagawa sa lahat dahil responsibilidad niya na atakihin ang opensa ng kalaban. Kung gusto nilang manalo, kailangan nilang maging mas agresibo pa. And it was just a game away from the championship.

"Baka mag-crack sa lupa sa tindi ng pagkakatapak mo."

Inangat niya ang tingin mula sa lupa at nagulat nang makita si Thyago. "Hoy! Anong ginagawa mo dito?"

"Humabol ako sa laro mo. Don't I get a warm welcome?" tanong nito ang ibinuka ang mga bisig.

Sa halip na yumakap dito ay kinurot niya ang pisngi nito. "Jeez! I can't believe that you are here." Ang alam kasi niya ay nasa Barbados ito para magbakasyon at dalawin ang kaibigan nitong may-ari  ng resort doon.

Ibinaba nito ang mga kamay. "I thought that traveling half around the globe to watch your game would earn me some credit. I cancelled my vacation to come here. Kita mo naman kung gaano ka ka-espesyal sa akin."

Nag-init ang pisngi niya nang titigan siya nito. Parang tutunawin kasi siya nito. Mas mainit pa ang titig nito sa kanya kaysa sa araw. "Stop it! You are making me feel uncomfortable."

"Lamang ang kalaban?"

"A point. They have home court advantage. Kung nandito lang si Kuya, I am sure he will cheer for me." Pero kasalukuyang nagsasaya ang kapatid niya kasama ang nobya nito. She just wished he was there.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Of course I will cheer for you. Kahit na wala si Elvin, nandito naman ako. And I promise that you will have more people cheering for you because of me."

Parte iyon ng karisma ni Thyago. Napapabaligtad nito kahit ang mga kampi sa kalaban. Soon girls would be cheering for her in no time because of him.

Hinampas niya ito sa balikat. "Hindi ka naman yata pumunta dito para I-cheer ako. Maghahanap ka lang yata ng girlfriend."

"Huwag mong sabihin na nagseselos ka?"

Iningusan niya ito. "Malapit nang matapos ang breaktime."

Dapat ay nagpapahinga siya para sa susunod na bahagi ng laro at hindi nakikipag-flirt dito. At kung hindi ay lalo siyang mawawala sa laro.

"Liyah!"

Nahigit niya ang hininga nang pigilan siya nito sa balikat. He was standing at her back; his lips were poised against her ear. He had never been so close to her. Ngayon lang siya naging aware sa matipuno nitong katawan. Huwag lang siya nitong yayakapin at tiyak na bibigay ang tuhod niya. "Huh! Bakit?"

Pinisil nito ang balikat niya. "Relax. You are so tense. Just wait a while. Be patient. Makakakita ka rin ng chance mo. At kapag nakita mo na, grab it."

"Right! Thanks, Thyago." Di na siya nag-abalang lumingon kundi ay lalo lang siyang magiging aware kung gaano ito kalapit sa kanya.

"At kapag nanalo ka, I'll give you a ride to Cerro Rico."

Nanlaki ang mata niya at tiningala ito. "Your polo pony?"

Tumango ito. "So you'd better win."

"I will."

Related Books

Popular novel hashtag