Umiling siya at niyakap ang sarili. "Hindi ko alam. Nalilito na ako. Natatakot ako. Paano kung bukas wala na ako? Anong gagawin ko?"
Pinigilan nito ang labi niya. "Huwag mong sasabihin iyan."
"Pakiramdam ko bawat araw na dumadaan sa akin, posibleng huling araw ko na sa mundo," aniya sa nanginginig na boses kasabay ng pagpatak ng luha niya. "I am so scared. I had never been this scared in my life."
Parang sa bawat hakbang niya ay kasunod na niya si Kamatayan. Ano bang ginawa niyang masama para naising mawala siya sa mundo?
Niyakap siya nito at kinintalan ng halik ang noo niya. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Huwag kang matatakot. Babalik tayo sa Manila bukas na bukas din. Hindi kita pwedeng pabayaan lang dito habang di natin nahuhuli ang nagtatangka sa buhay mo. Kailangan mo ring magpahinga."
"Pero baka malaman nila Mommy ang nangyari. DI na nila ako pababalikin dito. Patitigilin na rin nila ang project. Paano ang pinaghirapan ko?"
Pinahid nito ang luha niya. "Hindi ako papayag na mawala lahat iyon. Nandito ang mga pangarap mo. Ang future mo. Hindi natin sasabihin sa kanila ang nangyari. Kahit sa mga kasamahan natin dito. Sasabihin natin kapag may nagtanong na nadulas ka. Babalik ka lang dito kapag nahuli na natin ang nagtatangka sa iyo. Pero itutuloy pa rin nila ang project. Tanging ang security agent na kukunin natin ang makakaalam ng lahat. We'll pin the criminal down and make him pay for it."
"I just wish that it will end."
Hinaplos nito ang buhok niya. "It will. Sa ngayon magpahinga ka."
"I don't think I could sleep tonight." Inangat niya ang mukha. "Kiss me."
Walang alinlangan nitong inangkin ang labi niya. It was a slow kiss. Naroon ang mas matindi nitong pag-iingat sa kanya. She opened her lips and caressed his bare chest. She wanted more than just a kiss. She wanted more of him.
She wanted to feel alive. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng panganib na nakaamba sa kanya. She needed his warmth. Tanging si Gianpaolo lang ang makakapagparamdam sa kanya na buhay pa nga siya at humihinga.
Inilayo nito ang labi sa kanya at pinigilan ang kamay niya. "Dafhny, we have to stop now. Kailangan mong magpahinga."
"Yes," mahiya niyang usal at humiga. Naroon pa rin ang takot na nararamdaman niya subalit unti-unti iyong nawala nang yakapin siya ni Gianpaolo.
Idinikit nito ang noo sa kanya. "I won't give you up. Remember that. Kaya matulog ka na. Babantayan kita."
"I love you, Gianpaolo," usal niya bago tuluyang makatulog.
She didn't know why she said that. Pero di niya basta-basta nasasabing mahal niya ang isang tao. Kahit noong nobyo pa niya si Roland ay di niya agad nasabi iyon.
But with Gianpaolo it was easy and natural. Nakapasok ito sa puso niya nang di niya napapansin.
Di niya alam kung ano ang sagot nito. Maybe he won't tell her that he loved her as well. Wala siyang pakialam kung di siya nito magagawang mahalin. Pero parang ang importante sa kanya ay nasabi na niyang mahal niya ito.
HINDI maipinta ang mukha ni Dafhny habang mag-isa sa Moroccan style villa ni Gianpaolo. It was an eyesore. Isang insulto sa pagiging interior designer niya na di maganda ang design ng bahay ng lalaking mahal niya.
Isang linggo na siyang nananatili sa Manila para magpagaling. Ang alam ng mga tao sa paligid niya ay naaksidente lang siya. Hinayaan lang niya si Gianpaolo na humanap ng ebidensiya sa nagbabanta sa buhay niya. Mas mabuti na rin daw na nasa Stallion Riding Club siya dahil mas mababantayan siya doon. Round the clock ang security ng riding club. Madaling masawata ang mga banta sa buhay niya.
Sinamantala niya ang pagkakataon na wala sa villa si Gianpaolo at inilista niya ang mga recommendation para sa villa nito. Alam niyang girlfriend lang nito ang hinahayaan nitong makialam dito. Di siya nito girlfriend. Pero di siya matatahimik hangga't di siya makakapagbigay ng suggestion dito.
Nasa pavilion room siya nang dumating ito. "Bakit nagpapagod ka?" tanong nito nang makita ang Palm Pilot na gamit niya.
"N-Naglilibang lang naman ako, ah!"
"No. You are working." Inagaw nito ang Palm Pilot sa kanya at binasa ang nakasulat. "What? My master's bedroom sucks? Mas mukha siyang room ng isang kindergarten kaysa isang adult man?"
Kinuha niya ulit ang Palm Pilot. "You are not supposed to read it." Baka mamaya ay masamain pa nito ang ginawa niya.
"We will discuss this some other time. Paparating na si Myco. May importante daw siyang sasabihin sa atin."
Si Myco Gosiaco ang head ng security ng Stallion Riding Club. Ito rin ang pinagka-katiwalaan ni Gianpaolo na mag-imbistiga sa nangyari sa kanya. Kadarating lang nito mula sa Costa Brava at tiyak niyang may resulta na ang imbestigasyon nito.
"Good afternoon," bati nito sa kanya. "Your shoulder still hurts?"
"Nagwala na ang swelling. And I feel better. Naiinip lang ako dito. Gusto ko na sanang bumalik sa Costa Brava para makapagtrabaho ulit," wika niya.
"Did you find out anything?" tanong ni Gianpaolo.
"Yes." Ibinigay ni Myco kay Gianpaolo ang report. "Ayon sa fingerprints na nakuha namin sa sulat at sa mga fingerprints ng mga kasama ninyo sa mansion, nalaman din namin kung sino ang suspect sa nangyari."
Kumunot ang noo ni Gianpaolo. "Si Amor?"
"Si Amor na pamangkin ni Manang Suling? Bakit?"