Kumunot ang noo ni Johann nang sulyapan si Fridah Mae. "And who gave you the right to call me that name?"
Napatili siya nang matiyak niyang si Johann nga iyon. "Johann, ano ba? Si Fridah Mae ako. Fridah Mae Narcisso, ang pinakamagandang babae sa buong Zamboanga! Don't tell me you don't remember me anymore?"
"Fridah Mae!" Bumakas ang rekognisyon sa mga mata nito. He patted her head. "You are all grown up!"
"All grown up? Mukha lang iyang matanda pero isip-bata pa rin," sabi ni Richard Don. "Ikaw pala ang Johann na tinutukoy niya."
"Nobody calls me Johann. Siya lang ang tumatawag ng Johann sa akin. Hindi natatakot tuwing tinitingnan ko nang masama," kwento ni Johann.
Pinanggilan niya ang pisngi nito. "Lalo ka kayang gumuguwapo kapag sinusungitan mo ako," kinikilig niyang sabi. "Sabi na nga ba't ikaw ang nakita ko sa Lakeside Café kahapon. Hinabol pa nga kita."
Di niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang nasa cloud nine siya habang kausap si Johann. Samantalang kanina lang ay nangako siya sa sarili na di na niya ito papansinin o kakausapin man lang. Pero heto at excited pa siyang magkwento tungkol dito. Di rin niya maalis ang tingin dito. There was something about Johann that made her feel so young. Parang gusto niyang laging ngumiti kahit pa nga di ito marunong ngumiti man lang.
"Hindi ba sinabi ni Jeffrey na dito na ako nagtatrabaho?" tanong nito.
"Hindi. Siguro sobrang busy niya sa trabaho at sa bagong baby niya." Nasa Africa pa nga siya nang biglaang ikasal ang kapatid niya.
"Two weeks pa lang dito si Doc CJ," paliwanag ni Richard Don. "Nag-hire si Reid ng dagdag na veterinarian dahil sa dami ng mga bagong kabayong dumating. Saka di na rin pwedeng magpagod si Doc Tamara. Mas active na siya ngayon bilang Mrs. Reid Alleje."
"Di ka pa naman mag-aasawa, di ba?" tanong niya kay Johann.
"Wala rin iyang girlfriend," sabi ni Richard Don.
Humagikgik siya at umabrisyete kay Johann. "It must be destiny. Wala rin akong boyfriend. Parang ikaw lang ang hinihintay ko. Ibig palang sabihin pwede akong mag-apply na Mrs. Cedric Johannson Cristobal?"
Lalong kumunot ang noo ni Johann. "Hanggang ngayon palabiro ka pa rin."
Umulo siya sa braso nito. "Hindi kaya joke iyon."
Parang sinapian na naman siya ng espiritu mula sa kanyang nakaraan. Ngayong nakita ulit niya si Johann, gusto na naman niyang ituloy ang kabaliwan niya dito. Di niya alam kung may virus na pumasok sa katawan niya. Nagka-amnesia na rin siya sa sakit ng pambabasted nito sa kanya dati. Wala naman itong girlfriend ngayon kaya wala itong dahilan para ipagtabuyan siya.
Siniko ni Richard Don si Mark Ashley. "Tingnan mo nga iyang pinsan mo. Kasasabi lang ng rules natin kahapon, di na humiwalay kay Doc CJ. Nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Wala naman akong ginagawang masama," inosente niyang sabi. "Miss na ko lang si Johann. Six years din kaming di nagkita."
Pinisil ni Johann ang baba niya. "Okay lang. Mukhang harmless naman itong si Fridah Mae. Wala siyang gagawing masama sa akin."
Tiningala niya si Johann. When everybody thought the worst about her, he was there to defend her. "Ang sweet-sweet mo talaga." Nanghaba ang nguso niya. "Johann, pa-kiss naman, o!"
"Oy! Oy! Bawal iyan!" protesta nina Richard Don at Mark Ashley at pilit siyang inilayo kay Johann.
"Huwag mo ngang hina-harass si Doc CJ," mariing wika ni Mark Ashley na mahigpit ang hawak sa braso niya.
Lalo lang siyang yumakap sa baywang ni Johann. Kahit pa siguro sumabog ang bulkan ay di siya mapapalayo sa piling nito. Sa isang iglap ay nagbago ang ihip ng hangin. Walang sinuman ang pwedeng maglayo sa kanya kay Johann.
"Huwag nga kayong killjoy. Walang malisya sa amin ni Johann iyan. Hindi ba, Johann?" malambing niyang sabi.
Pero ang totoo ay gusto na niya itong gahasain… nang walang malisya. Kung bakit sa halip na pumangit si Johann ay lalo pa itong naging guwapo? Bagay na bagay dito ang suot nitong white coat. He was now a full-pledge equine veterinarian. Bagay din ito sa riding club, ang lupain ang mga guwapo. At bagay din sila para sa isa't isa. Si Johann lang ang gumising sa kanyang nahihimbing na puso.
She pressed her nose against his crisp uniform. Hmmm… he smelled as good as the fresh morning air. Hindi pa ito amoy-kabayo. At kahit pa siguro amoy-kabayo o amoy-lupa, okay lang na yakap-yakapin niya.
"Wala daw malisya. Halatang may pagnanasa," mahinang usal ni Mark Ashley. "Pinsan ba talaga natin iyan?"
"Fridah Mae, magho-horseback riding pa tayo," untag ni Richard Don.
"Mamaya na. Ngayon ko lang ulit nakita si Johann, eh!" sabi niya habang nakayakap pa rin sa baywang nito.
"May trabaho pa si Doc CJ," paalala ni Mark Ashley. "Alam mo naman kung gaano kasungit si Reid. Gusto mo bang mapagalitan siya?"
"Bakit di muna tayo mag-breakfast?" suhestiyon ni Johann.
Lumapad ang ngiti niya. "I like that."
"Okay lang sa iyo?" paniniyak ni Richard Don.
"Hindi pa naman ako nagbe-breakfast. Saka mamaya pa naman ang schedule ng rounds ko," sabi ni Johann. Alam din nito na di na siya aalis pa sa tabi nito.
Pinara nito ang golf cart na dumaan at nagpahatid sa Lakeside Café and Restaurant. Gaya ng dati ay tahimik pa rin si Johann. Matipid magsalita. But she didn't mind. Ayaw naman niya sa lalaki ang sobrang daldal.
"Gusto ko ng beef tapa and longganisa," order agad niya pag-upo. "Choco baterol saka leche plan for desert."
"Para sa ating dalawa na ba ang in-order mo?" tanong ni Johann.
"Sa akin pa lang iyan."
"Bakit parang payat ka pa rin sa lakas mong kumain?"
"Akyat kasi nang akyat sa kung saan-saang bundok," sabi ni Mark Ashley. "Kaya pagpasensiyahan mo na dahil ngayon lang iyan nakabalik sa sibilisasyon."
"Akala ko ayaw ng mga kapatid mo na ituloy mo ang trabaho mo sa Amnesty International?" tanong ni Johann. "Delikado daw ang mga lugar na pinupuntahan mo sabi ni Jeffrey. Minsan may mga rebelde o kaya hostile na katutubo."
"May mga guide naman kami. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. How about you? Akala ko sa Texas ka lang magtatrabaho. Bakit hindi ka nag-asawa ng Amerikana doon?"
"Mas gusto ko pa rin dito sa Pilipinas. Nang makita ko ang advertisement sa internet na naghahanap ng equine veterinarian ang Stallion Riding Club, nag-apply ako." Maganda kasi ang work background nito. Mga mamahaling kabayo talaga ang inaalagaan nito sa Texas at malaki ang maitutulong nito sa riding club.
"Dalawang linggo pa lang si Doc CJ pero marami nang admirers iyan," sabi ni Richard Don. "Dito lang sa staff ko, halos lahat sila may crush sa kanya."
"Sorry na lang sila dahil nandito na ako. Di ba, Johann?" tanong niya.
Katahimikan lang ang sagot ni Johann sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Lalong natensiyon sina Mark Ashley at Richard Don.
Tumawa si Mark Ashley. "Joke lang iyon, Doc CJ!"
"Alam mo naman itong pinsan namin. Palabiro," sabi ni Richard Don.
Sumimsim si Johann ng choco baterol o native chocolate drink. "Masarap ang choco baterol dito, Richard Don. Every morning ito na ang iinumin ko."
Alanganing ngumiti si Richard Don. "O-O sige."
"Fridah Mae, pumili ka na lang ng ibang kabayo. Naka-quarantine pa si Wind Chaser. Posibleng ma-transmit sa tao ang virus kaya huwag ka nang magpilit na makita siya. Maje-jeopardize ang operation ng riding club," paliwanag ni Johann.
"HIndi na muna ako magho-horseback riding. Sasama na lang ako sa iyo," lambing niya at humawak sa braso ni Johann.
"Ay! Hindi na pwede iyan!" protesta ni Richard Don.