Chapter 459 - Chapter 4

Nang lumingon siya ay papasok ng library si Johann. Nakasunod siya sa bawat detalye ng kilos nito. Ang paghawi nito sa buhok na natural nang maayos, Ang paraan ng pagdadala nito ng aklat sa isang kamay at ang pagmumulsa nito ng isa. It was so weird. Napaka-keen niya sa detalye ng bawat galaw nito. As if she was watching him for the first time in his life.

Guwapo na si Johann pero mas gumuwapo pa ito sa paningin niya. Unti-unting lumakas ang tibok ng puso niya. At kahit na malakas ang aircon ay pinagpapawisan siyang di niya maintindihan. Di siya magkandatuto sa dapat gawin at isinubsob na lang ang mukha sa binabasang libro. Naroon lang ang paningin niya kahit na nararamdaman pa rin niya ito kahit di niya nakikita.

Siniko siya ni Ara. "Hoy! Di mo ba papansinin si Johann?"

"Shhh! Nagbabasa ako!" saway niya kay Ara. Pasimple niyang sinapo ang kinalalagyan ng puso niya. Ang lakas-lakas ng tibok.

Pilit nitong hinawi ang librong nakatabing sa mukha niya. "CJ! CJ Cristobal! Nandito si Fridah Mae, o!" anang si Ara at itinuro pa siya.

Lumingon si Johann sa direksiyon niya at nagsalubong sila ng matalim nitong mga mata. Bakit ba ang guwapo ni Mr. Sungit sa kanya? She wanted to take her eyes off him but she simply couldn't pull away.

Naglakad ito palapit sa kanya nang may isang babaeng humarang dito. "Hi, CJ! Pwede ba tayong mag-date?"

"May klase pa ako," anang si Johann sa malamig na boses.

"Ay!" nanghihinayang na sabi ng babae. "Eh, di mamaya."

Malamig ang matang tiningnan nito ang babae. Tipong kahit sino ay nagyeyelo kapag tiningnan. "Sabi ko mag-aaral pa ako. Excuse me."

Nilagpasan ni Johann ang babae at may isa pang babaeng lumapit. "CJ! Nabasa mo na ba ang love letter na bigay ko?"

"Hindi ko binasa. Unahan pa lang na-bore na ako," sabi ni Johann.

"Hindi mo nabasa nang sabihin kong "I love you"?" malungkot na tanong ng babae. "Hirap na hirap pa mandin ako na gawin iyong sulat na iyon para lang maibigay ko sa iyo."

"Bakit hindi ka na lang mag-aral?" tanong ni Johann.

Napanganga ang babae. "Ha?"

"Mag-aral ka nang maging fruitful ang pag-I-stay mo dito sa university. Babasahin ko ang love letter mo kapag kasama na iyan sa curriculum."

Nakagat niya ang labi at ibinalik na lang ang atensiyon sa pagbabasa ng libro.. Sanay na siya sa kasupladuhan nito. Pero nakakapanlamig ngayong nakita niya kung paano ito makipag-usap sa ibang babae. Naalala niya ang sinabi ni Ara na baka may gusto ito sa kanya. Ito yata ang tipo ng lalaki na di magkakagusto basta-basta sa babae. Baka sabihan pa siya nitong ambisyosa kapag tinanong niya kung may gusto ito sa kanya.

"Fridah Mae!" tawag ni Johann sa kanya.

Nanginginig siya nang iangat ang tingin dito. "B-Bakit?"

Napapitlag siya nang ibaba nito sa harap niya ang isang libro. "Basahin mo."

"World literature? Next semester pa namin pag-aaralan iyan."

Inilapit pa nito ang libro sa kanya. "Magbasa ka nang di ka gumaya sa ibang babae na walang inisip kundi maghanap ng boyfriend," sabi nito at umalis na.

Iyon lang? Di siya nito sasabihang ambisyosa o ilusyunada?

"Wow! Super sweet naman niya," hangang-hangang sabi ni Ara. "Talagang iniisip pa niya ang future ninyo. Samantalang iyong dalawang babae pinagalitan niya. He really likes you, Fridah Mae."

Abot-tainga ang ngiti niya nang isama sa salansan ng libro niya ang librong ipinahiram ni Johann. "Bagay ba ang mala-anghel na tulad ko sa isang nuknukan nang sungit na tulad niya?"

"Bagay kayo. Sana ako rin may boyfriend na ganyan."

ISA-ISANG binubuklat ni Fridah Mae ang mga pahina ng librong binabasa niya habang nasa botanical garden. "I love him. I love him not."

Hindi niya matiyak sa sarili kung mahal nga ba niya si Johann o hindi. It was entirely different from what she felt for Jed. Isang celebrity si Jed. Kahit sino ay kaya itong mahalin. Pero iba si Johann. Sa halip na ma-turn off sa kasungitan nito ay lalo pa siyang na-attract dito. Di na niya ito maalis sa isip niya. It must be love.

Nilingon niya si Johann na nasa kabilang bench ng botanical garden at tahimik na nagbabasa. She was sure that she was in love with him. At di siya matatahimik hangga't di niya nasasabi dito ang nararamdaman.

"Johann!" tawag niya dito at tumayo sa gilid nito.

"Bakit? May problema ba?" tanong nito at inangat ang tingin sa binabasa.

"Ah…Pwede bang manligaw?"

Kumunot ang noo nito. "Ano bang kalokohan iyah, Fridah Mae?"

Hinawakan niya ang balikat nito. "Johann, I think I am in love with you."

"Paano mo naman nasabing in love ka sa akin?"

Umupo siya sa tabi nito. "Basta malakas ang kaba ng dibdib ko kapag nakikita kita. Saka di ka rin maalis sa isip ko."

Isinara nito ang binabasang libro. "That is not love. I can assure you. It must be that time of the month."

"What time of the month?" tanong niya.

"Fertile period mo siguro. Ganyan daw ka-intense ang emotion ng mga babae sa ganyang panahon. Parang mating season sa mga hayop."

Napatigagal siya dito. Kung ipaliwanag nito ang nararamdaman niya ay parang isang biology lesson lang. Walang damdamin. "Huwag mo namang pababain ang nararamdaman ko. Sa palagay mo ba basta-basta na lang ako nagkakagusto sa isang lalaki. Iyong huli kong nagustuhan si Jason Erwin Dean. Aba! Sikat iyon! Dapat ipagparangalan mo na ikaw ang gusto ko ngayon."

Ibinaba na nga niya ang pride niya at nanliligaw dito. Tapos animal nature lang ang paliwanag nito sa nararamdaman niya? Insulto naman iyon! Di pa naman niya ito pinagnanasaan ng todo. Inosenteng pag-ibig ang nararamdaman niya.

He patted her head. "Sabihin mo ulit sa akin iyan kapag lumipas na ang ilang taon. Iyong mas matured ka nang mag-isip. Dahil kung ngayon, di ako maniniwala na in love ka nga sa akin."

"Patutunayan ko sa iyo na mai-in love pa rin ako sa iyo mula ngayon hanggang sa maging matured ako. Kahit pa siguro tumanda ako."

Hindi na niya kailangang hintayin na mag-mature siya. Kilala niya ang sarili at kilala niya ang nararamdaman niya. At dadating ang panahon na di na siya matatanggihan pa ni Johann. She'd make sure of that.

Related Books

Popular novel hashtag