Chapter 452 - Chapter 40

Naiiyak na si Tamara sa sobrang stress. Ilang araw na usap-usapan sa buong bansa ang tungkol sa secret wedding nila ni Reid. Di pinalagpas ng tiya niya ang pagkakataon para kaladkarin ang pangalan nila. Halos di siya makapagtrabaho kaya naglagi na lang siya sa lake cabin para mapag-isa.

Niyakap siya ni Reid nang dumating ito. "Huwag ka nang umiyak. Tumawag sa akin si Attorney Cabral. Wala nang hahabulin sa iyo ang auntie mo. Hanggang pag-iingay na lang sila sa press dahil alam nilang wala na silang habol."

"Sabi nila magsasampa daw sila ng kaso para patunayan na hindi legal ang kasal natin. They won't stop, Reid."

"Mag-isip-isip nga sila. Wala naman silang ibang kukunan ng pera kundi sa mga group na galit sa riding club. Until when? Wala din naman silang laban. They just want to create noise. Tingnan mo nga. Ni hindi sila makaalis sa condo mo. Alam nila na sa kalye rin sila pupulutin. They are so ungrateful. Kung hindi mo lang sila kamag-anak, baka sila pa ang ipakulong mo."

"Huwag na. Nakakaawa naman sila. Wala na silang kahit ano."

Lumalim ang kunot sa noo nito. "kaso ikaw naman ang sinasaktan nila. Inaabuso nila ang pagiging magkamag-anak ninyo. Alam kasi nila na di ka lalaban. Look at yourself. Wala ka nang ginawa kundi umiyak."

"I am just hurt. Akala ko magiging close na kami sa isa't isa dahil naa-appreciate nila ako bilang natitira nilang kamag-anak."

"Na-appreciate ka naman nila dahil may napapakinabangan pa sila sa iyo. Pero nang makita nila na may mas malaki silang mapapakinabangan sa iyo, handa naman sila na ibagsak ka. Kaya siguro minamalas sila dahil masama ang ugali nila. Tandaan mo na hindi na sila imbitado sa kasal natin."

Mahina siyang tumawa. 'You really hold grudges, do you?"

"I am more cruel to those who hurt the people who are important to me." Kinintalan nito ang noo niya. "Ayoko nang isipin mo sila sa ngayon. We will have a dinner at the grand villa tonight. Dumating na sila Mama at Papa."

THE ATMOSPHERE of the grand villa was suddenly thick when Tamara arrived. Parang di ang mga magulang ni Reid ang ikinu-kwento nito na magiliw at malalambing na mga tao. Di kasi niya maramdaman ang hospitality ng mga ito. Instead, she could feel hostility in the air. Walang sinuman sa mga ito ang nakangiti.

 "Siya na ba iyon?" tanong ni Engracio nang humarap sila ni Reid.

Halos di siya tinitingnan ng ina na Reid na si Allegria. Hindi siya sanay sa lganoong klase ng hostility lalo na't mga magulang ito ni Reid.

"Ma, Pa, I want you to meet my wife, Tamara Trinidad Alleje," pormal na pagpapakilala ni Reid sa mga ito. Walang ekspresyon sa mukha nito subalit nararamdaman niyang natetensiyon din ito.

"Good evening," bati niya na bahagya ring pormal. Inilahad niya ang kamay kay Engracio subalit tinitigan lang nito.

Ibinaba ni Reid ang kamay niya. "Do you have a problem with my wife?" galit nang tanong nito nang hindi makatiis.

"Hijo, hindi ko nagustuhan ang mga balita tungkol sa inyo," wika ni Allegria. "You've been married for nine years and you didn't tell us."

"It was my fault," pag-ako niya. "Ako po ang nagsabi kay Reid na huwag ipaalam sa iba ang kasal namin. You see, it is not a conventional wedding."

"It was a marriage of convenience," pagtatapos ni Engracio. "Yes, I got that silly contract from our family lawyer. This is crazy, Reid!"

"Ako po ang nag-obliga kay Reid para magamit niya ang lupa ko," depensa agad niya. "You see, I had no choice that time. I was also bound by my grandfather's will. And Reid needs the land very badly."

"And I thought it won't be a real marriage. What are you doing here?"

Yumuko siya. "I had to stay here for sometime so I can get an annulment."

Napasinghap si Allegria. "Engracio, she's asking for an annulment."

Ginagap ni Reid ang kamay niya nang mahigpit. "Not anymore. Hindi na kami maghihiwalay. As a matter of fact, we want to renew our vows."

"And why?" Engracio asked.

"Sinabi po ni Reid na walang Alleje ang sumisira sa kasal nila," sagot niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagluwag ng hawak ni Reid sa kamay niya. His features were rigid. Bakit parang galit ito? Iyon naman ang dahilan nito noong una.

Hinihintay niyang dugtungan ni Reid ang sinabi niya. Na importante siya dito. Subalit nanatiling nakapinid ang bibig nito.

"Give her what she wants," Engracio said after the long silence.

"What do you mean, Pa?" tanong ni Reid.

"Give her the annulment. If it's just the tradition that you are after, let her go," mariing wika ni Engracio.

"I can't do that, Pa!" tutol ni Reid.

"Kung may problema kayo sa lupa, bayaran mo siya nang malaki para di niya maramdaman na dehado siya. Sustentuhan mo pa rin siya," utos ni Engracio. "We are being too generous to her. I am sure she won't refuse that."

Humigpit ang hawak ni Reid sa kamay niya. As if he didn't want to let her go. "Tamara is my wife. Walang nag-impluwensiya sa akin na pakasalan siya. Ako angkusang gumawa niyon. Kung  maghihiwalay rin kami, ako rin ang magdedesisyon para doon. Nobody can influence me. Not even my own parents."

"Reid, you don't have to do this," mariin niyang bulong. Ayaw niyang makipagtalo pa ito sa mga magulang nito dahil sa kanya.

"I don't have a problem with her. She seems smart and decent. But I still don't like her," taas-noong wika ni Allegria. "Walang nasisirang kasal sa pamilya natin dahil sa isa pang tradisyon. Pakakasalan mo lang ang taong mahal mo. And you broke that tradition, Reid. So why stay with her?"

Hindi siya makapagsalita sa labis na pagkabigla. Gusto ng mga ito na iwan niya si Reid. Mas mahalaga nga naman ang kapakanan ni Reid kaysa sa tradisyon na pamilya. Why stay with the woman he didn't really love?

Subalit nanatiling matatag si Reid. "Hindi ko siya hihiwalayan."

"Hindi ko siya matatanggap sa pamilya ko!" matatag na sabi ni Engracio.

"Makinig ka sa Papa mo, hijo. Annul your wedding,"  malumanay nang wika ni Allegria. "After all, she's the one who wants an annulment."

"And what if I refuse?" Reid challenged.

Naging madilim ang mga mata ni Engracio. "I am afraid I have to disown you. HIndi ko alam kung bakit mas pipiliin mo ang babaeng iyan kaysa sa pamilya mo. At kung magmamatigas ka pa rin, mawawala sa iyo ang Stallion Riding Club. I can easily dissolve everything you worked hard for."

Reid's father looked dead serious. He didn't really like her to be a part of the family. Masakit ang rejection. Subalit mas nasasaktan siya sa panggigipit kay Reid. Pinaghirapan nito ang riding club. Doon nito binuo ang lahat ng pangarap nito. Pagkatapos ay mawawala lang iyon dahil sa kanya.

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Reid at tumayo. "I am really sorry for the trouble. Huwag po kayong mag-alala. Ako mismo ang lalayo kay Reid."

Hinila ni Reid ang kamay niya. "Ano ba ang sinasabi mo?"

She refused to look at him. Nanatili lang sa mga magulang nito ang paningin niya. "Wala kayong kahit anong obligasyon sa akin. May usapan kami ni Reid sa mangyayari sa lupa oras na maghiwalay kami. HIndi niya ako kailangang sustentuhan. Pasensiya na po kung  nagdala ako ng gulo sa pamilya ninyo."

Matapos magpaalam ay nagmamadali na siyang umalis. Hinabol siya ni Reid subalit pinigilan ito ng ama nito.

Saka lang niya pinakawalan ang luha niya nang makarating siya sa lake cabin. It was the worst night of his life. Hindi na siya makakatagal pa na kaharap ang magulang ni Reid. At ayaw na rin niyang hintayin pa ang sagot nito na mas pipiliin nito ang riding club kaysa sa kanya.

Stallion Riding Club was his life. Doon nito binuo ang lahat ng pangarap nito. Hindi siya parte ng pangarap nito. Kung may nararamdaman man si Reid sa kanya, it was just a passing feeling. Di nito ipagpapalit sa pangarap nito o pamilya nito.

Maybe it was the end of the line for both of them.