Chapter 441 - Chapter 29

 "I don't know. Masaya ako kahit na sinisigawan mo ako. Nag-e-enjoy ako kapag nagtatalo tayo. I want to hear your voice even if you are mad." Nilingon ni Tamara si Reid. "Makikipag-date ka ba sa akin kapag tapos na ang kasal natin?"

Kumunot ang noo nito. "Ano bang klaseng tanong iyan? Bakit pa kita hihiwalayan kung makikipag-date din ako sa iyo sa huli?"

Bumagsak ang balikat. Ibig sabihin ay di na siya nito nanaisin pang makasama oras na maghiwalay sila. Iyon naman ang gusto niya. Ang magpakalayo-layo dito. Pero maisip lang niya na magkakalayo sila, nami-miss na niya ito.

"Halimbawa, hiwalay na tayo. Tapos nagkita tayo sa isang party o nagkasalubong tayo sa mall, babatiin mo kaya ako? Ipapakilala mo kaya ako sa ka-date mo o sa girlfriend mo bilang kaibigan mo."

Itinigil nito sa harap ng worker's lodge ang sasakyan nito. "Bakit ba puro ka tanong? Gusto mo na bang maghiwalay na tayo ngayon?"

Iniwas niya ang tingin dito. "Gusto ko maging magkaibigan pa rin tayo kahit na hindi na tayo mag-asawa," aniya at dali-daling lumabas ng sasakyan nito.

Nagkulong siya sa kuwarto niya saka niya natuklasang umiiyak siya. Di niya alam kung bakit siya umiiyak. Kahit anong pigil niya sa luha niya, patuloy iyon sa pagbalong. Nasasaktan siya tuwing naiisip niya na dadating ang panahon na kailangan niyang umalis ng riding club at iwan si Reid.

Bakit nasasaktan siyang iiwan na niya si Reid? Hindi sila totoong asawa. Di rin sila nagpakasal dahil nagmamahalan sila.

Kung ganoon, para saan ang mga luha niya?

TAMARA was reading Khamya's report on horse cloning proposal. Tina-target ni Reid na manguna ang Pilipinas sa cloning technology sa Southeast Asia. It was an ambitious project. Kahit siya ay kinukwestiyon ang medical ethics kung sakali man. Subalit walang makakapigil kay Reid. He wanted the project so badly. Para dito, nasa horse cloning na ang future ng horse industry.

"May kasabay ka bang mag-dinner mamaya?" tanong nito.

Umiling siya. "Wala kasi may date kayo ni Beiron." Kasama rin niya ito sa worker's lodge. "Si Keira rin may date kay Eiji. Hay! Ako lang yata walang ka-date."

"Sa tingin ko magkakaroon ka ng ka-date."

"Sino? Ang mga multo sa lodging house?"

"Tawag ka ni Sir Reid sa labas."

Dali-dali siyang lumabas. Kapag may pagkakataon na magkita at magkausap sila ni Reid ay sinasamantala niya. Naisip niya na kapag wala na siya sa riding club ay di na niya ito basta basta malalapitan. She would be an outsider once more.

Sa labas ng vet clinic ay kausap nito ang stable manager. Nagpaalam na si Reid at nilapitan siya. "Anong plano natin mamayang gabi?"

"Natin?" Napaisip siya. "May usapan ba tayo mamayang gabi? Wala di ba?"

Umasim ang mukha nito. "Wala kang plano para sa atin mamayang gabi?"

"Ako may plano. Matutulog ako mamaya."

Pumalatak ito. "Tutulugan mo lang pala ako."

"Ano ba ang gusto mo?" Di niya maintindihan kung ano ang gusto nito.

"Mag-dinner tayo mamayang gabi. Meet me at the lake cabin. Huwag mo akong paghintayin, ha?" matigas nitong bilin bago siya talikuran.

Nakatulala siya nang iwan nito. "Date ba iyon?" tanong niya sa sarili. Dinner mamayang gabi sa romantic na lugar tulad ng lake cabin. Malamang nga ay date iyon. Sa wakas ay niyaya siyang mag-date ni Reid!

Nagmamadali siyang pumasok ng clinic. "Tamara, mukhang masaya ka," puna ni Khamya sa kanya.

"Anong ginagawa mo kapag naghahanda ka sa date?"

"Nagpapa-salon at nagpapa-spa kung may oras."

"Gagawin ko iyan!" aniya at tumuloy sa salon.

"Kumusta naman ang pinakamagandang veterinarian ng Stallion Riding Club?" maarteng tanong ng salon manager na si Eyra at nakipagbeso-beso sa kanya. "Ngayon ka lang napadalaw dito. Nami-miss na kita."

"Gusto kong maging maganda para mamayang gabi."

"Bakit? Bibitayin ka na ba?"

Ngiti lang ang isinagot niya habang sina-shampoo ang buhok niya ng Stallion Shampoo and Conditioner. Pwede na siguro siyang bitayin matapos ang date nila ni Reid. Ano kaya ang nakain nito at niyaya siyang mag-date?

Pasado alas siyete na siya nakalabas ng salon. Nagpa-spa pa kasi siya. Nagmamadali siyang bumalik sa lodge para magbihis. Kaya naman halos umusok na ang cellphone niya habang papunta sa lake cabin.

"Where the hell are you? Kanina pa ako naghihintay dito!" sigaw nito nang sagutin niya ang tawag nito.

"I am on my way."

Madilim na madilim ang mukha nito nang dumating siya sa lake cabin. Sa gate pa lang ay nakaabang na ito. "You are late!"

"May dinaanan lang ako."

Pinagala nito ang mga mata sa katawan niya. Saka siguro nito na-realize na dumaan siya sa salon para magpaganda. "Women!" Inalalayan siya nito sa siko. "Hindi ko alam kung mainit pa ang pagkain sa tagal mo."

"I am sorry."

First date pa lang nila, sira na agad. Yayayain pa kaya siya nitong mag-date sa susunod? Baka iyon na ang una at huli.

Nawala sa isip niya ang alalahanin nang makita ang naka-set na table na nakaharap sa lake. May mga lantern na nagsilbing liwanag ng lugar. The lapping waves of the lake was their music. And with the lake as their background, she found it really romantic.

"Here!" anito at inabot ang bouquet ng tulip sa kanya.

Nagulat siya. "Sa akin ito?"

"Sa iyo ko inabot, di ba?"

"Thanks!" At nakangiti niyang inabot ang bulaklak. "Bakit mo nga pala ako niyaya dito ngayon?" Napaka-sweet naman nito para I-surprise pa siya. Di niya alam na may sweetness naman itong naitatago.

"Hindi mo alam?" iritado nitong tanong.

"Nagkaroon ka ng isang bagong member na ubod ng yaman. O kaya isa sa mga members mo ang bumili ng mga… limang mamahaling kabayo nang sabay-sabay?" Kapag may maganda itong development sa negosyo ay nagbo-blow out ito. Baka siya ang mapalad na napili nitong I-treat.

"Hindi!" pagalit nitong sagot.

"Birthday mo," hula niya.

"Alam mo na matagal pa ang birthday ko."

Itinuro niya ang sarili. "Baka ikaw ang nagkamali. Akala mo birthday ko."

"Every year pinadadalhan kita ng regalo tuwing birthday mo. Makakalimutan mo ang sarili mong birthday pero hindi ako."

Hinaplos-haplos niya ang petal ng bulaklak. "Di ko alam, eh!"

"Wedding anniversary natin."

Umawang ang labi niya. "Oo nga." Siyam na taon na silang kasal. "May wedding anniversary tayo? Isine-celebrate ba iyon?"

"Oo. Ikaw lang naman ang hindi pumupunta tuwing ini-invite. So I always end up celebrating it alone."

"Sentimental ka pala. I don't usually celebrate special occasions. Hinahayaan ko lang dumaan. Kahit Pasko o birthday ko, di ko na lang pinapansin. Paano ipinaparamdam lang sa akin nila Lolo at Tita na di ako importante. Kahit na birthday ko, pinsan ko ang sentro ng atensiyon at hindi ako."

Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. "Wala akong pakialam sa kanila. Basta magse-celebrate tayo ng wedding anniversary natin. At wala dito ang tita mo o ang lolo mo para iparamdam sa iyo na inferior ka."

Ngumiti siya at kinuha ang flute. "Champagne please!"