Natawa si Saskia. "Wala kaming love team," kaila niya. Ayaw niyang makisali sa mga kalokohan ni Reichen.
"Ako na lang ang president ng love team ninyo. Kung sino ang mahal ni Reichen, doon na rin kami," sigaw ng isa na inayunan ng iba pa.
"Sandali!" sigaw ni Wencie. "Akala ko ba gusto ninyo ako para kay Reichen. Bakit bigla na lang kayong lilipat sa babaeng iyan?"
"Sabi namin gusto namin si Reichen. Di namin sinabi na gusto ka namin para sa kanya. Ilusyunada!" mataray na sabi ng nagprisinta na presidente ng love team nila. "Aalis na kami, Reichen. Sa ibang araw na lang kami dadalaw sa iyo. Pasensiya na kung nakagulo kami."
"Welcome kayong dumalaw sa riding school anytime," sabi ni Reichen at hinalikan siya sa sentido. "Basta huwag na kayong magalit kay Saskia, ha?"
Pagsarang-pagsara ng gate ng riding school ay siniko niya si Reichen. "Love team? Sino ang may sabi na gusto kitang maging ka-love team?"
"Narinig mo ang sinabi nila. Bagay tayong dalawa."
"Ano ba ang nakita sa iyo ng mga babaeng iyan at nagpapakamatay sila sa iyo? Kung ako ang tatanungin, di ka naman ganoon kaguwapo."
Isinandal siya nito sa isang puno sa tabi ng daan at inilapat ang mga palad sa tabi ng ulo niya. "Then why did you enjoy my kiss?"
"You are a good kisser. Pero di ibig sabihin guwapo ka."
"Sige nga! Ano ang guwapo para sa iyo?"
"Si…" Itinuro niya ang kabayo na nasa pasture. "Ayun! Si Castor."
"Nasaan?" tanong ni Reichen at luminga.
Itinulak niya ito at nagtatakbo siya palayo. "Kapag kasing guwapo mo na si Castor saka ka magmalaki sa akin, ha?"
"Ano? Mas guwapo pa ang kabayo mo kaysa sa akin?"
Humalakhak lang siya. "Mas guwapo ang mga kabayo kaysa sa inyong mga Stallion boys. Mas masarap din silang maka-date kaysa sa inyo."
"Magbabago rin ang isip mo oras na mag-date na tayo."
"Hindi ako makikipag-date sa iyo," aniya at namaywang.
Tumango ito. "I just want to remind you that you are my slave. And you will do whatever I ask."
She lost her haughty smile. Saka niya naalala ang estado niya. Hindi siya pwedeng basta-basta tumutol dito. Or else he would kiss her. A kiss that could make her lose her mind. And it was so close to losing her heart to him.
"MAY GAGAWIN ka mamayang gabi?" tanong ni Reichen nang dumaan ito sa opisina niya matapos ang dressage lesson nito para sa araw na iyon. Dalawang linggo na ito na nagtatrabaho sa kanya.
"Manonood lang ako ng DVD sa room ko. Bakit?"
"May pupuntahan tayong party mamaya. Someone will deliver the gown later. Iyon ang isusuot mo sa party," walang kangiti-ngiting sabi nito. "I will fetch you later. At kapag di ka sumunod, alam mo na ang mangyayari."
Di maipinta ang mukha niya hanggang dumating ang gabi. She didn't like that domineering tone in his voice. Di siya sanay nang inuutusan siya. Pero slave siya ni Reichen. Wala siyang magagawa kundi ang sumunod dito.
He had choosen a simple yet elegant midnight blue halter gown. Bumagay iyon sa simpleng panlasa niya. Di niya sinabi sa mga kaibigan na lalabas sila ni Reichen dahil tiyak na magkakagulo na naman ang mga ito sa pag-aayos sa kanya.
"You look stunning," wika ni Reichen nang bumaba siya sa sala.
"Para saan ba ang party na pupuntahan natin?"
"Birthday ng pinsan kong si Emrei."
Sa eleganteng villa ni Emrei Rafiq sa Woodridge Mansions ginanap ang party. His house was Mediterranean in style. Pinagkulumpunan agad sila ni Reichen ng iba pang mga bisita. Nakilala niya ang mga ito bilang malalapit na kaibigan ni Reichen.
"Akala ko ba hindi ka mai-in love? Akala ko rin hindi ka magpapa-under. Tinutukso mo pa ako na under sa amazona ko na girlfriend. Sino ngayon ang nagugulpi?" pabirong tanong ni Rolf.
"Shut up, Rolf! Hindi ako ginugulpi ni Saskia. It was an accident," depensa ni Reichen. "Saka huwag nga ninyong ipagkalat na battered ako. I am not!"
"Saskia, sana huwag mong ituro sa girlfriend namin ang mga martial arts technique mo," wika ni Crawford Oreña na isang sikat na TV host. "Baka kasi gamitin sa amin. Di kami tulad ni Reichen na nag-aral ng self defense."
"Guys, mas matindi pa sa martial arts ang alam ng mga girlfriend ninyo. They can make me melt and kneel without using any force," nakangiti niyang sabi. "You shouldn't underestimate the power of the girls."
"Finally, Reichen finds a very sensible girl to date," komento ni Reid. "Kailan mo siya ipapakilala kina Mama at Papa?"
"Excuse me!" aniya at tangkang magpoprotesta. Kung magsalita kasi ang mga ito ay parang magpapakasal na sila ni Reichen. Ni hindi niya ito boyfriend. She was just a slave. Sinusulit lang nito ang privilege na maging master niya. Kaya di niya alam kung bakit hinahayaan nitong isipin ng mga kaibigan nito na may seryosong relasyon na nga silang dalawa.
Ginagap ni Reichen ang kamay niya. "Hindi kami nagmamadali. Kasi dapat ikaw muna ang magpakilala ng babae sa kanila bago ako."
Tumikhim si Reid. "Excuse me. I forgot that I need to discuss business with Beiron. Just enjoy the party."
"Napikon yata siya sa sinabi mo," bulong niya kay Reichen.
"Hindi pikon si Kuya. Umiiwas lang siya kapag love life niya ang pinag-uusapan. Nag-away na naman siguro sila ni Tamara."
"Girlfriend ba niya si Tamara?"
"Hindi ko alam sa kanila. Pakiramdam ko may sekreto ang dalawang iyon," sabi nito at idinala siya sa aquarium room.
"You are the exact opposite of your brother, Reichen. He looked so cold. While you are outgoing and you have a sunny personality."
"Sino ang mas gusto mo sa aming dalawa?"
"Pareho lang naman kayong nakakatakot."
"Ako? Nakakatakot ako?" Hinawi ito ang buhok niya at inilagay sa likuran ng tainga niya. "Anong nakakatakot sa akin?"
Napipilan siya habang nakatitig sa mga mata nito. He made her reveal the weaknesses she didn't know she possessed. Di niya nakilala ang sarili niya kapag kasama ito. But at the same time, he made her feel insanely good.
Bigla silang naglayo nang bumukas ang pinto. "Reichen, I am glad that you bring your goddess with you," wika ni Neiji Villaranza, ang manufacturer ng Stallion Shampoo and Conditioner.
"We are on a date. If you want to discuss business with her, go to her riding school." Mahigpit na kumapit sa braso niya si Reichen. Animo'y aagawin siya ni Neiji dito. O baka naiirita ito dahil di na nila solo ang lugar.
"Hindi ako magtatagal. I have a proposal, Miss Kristofides. Work with me for a Stallion Shampoo and Conditioner commercial. In return, we will sponsor the projects of your riding school. Libreng exposure iyon para sa inyo."
"I have another thing in mind. I want you to sponsor underprivileged yet talented children. Gawin mo silang scholar sa riding school at maging sponsor sa mga international competitions na sasalihan nila."
"Ako rin. Para naman ako sa male scholars," dagdag ni Reichen.
"Hindi mo ba sila pwedeng turuan sa riding club?" tanong niya dito.
"The Stallion Riding Club is not an ideal place for boys to learn riding. Di tulad mo na riding school mismo. After all, I became one of its students before I entered the Spanish Riding School. You can produce another excellent horse master."
"I believe in your ideals, Saskia. Pero ang demands lang ni Saskia ang kaya kong ibigay," protesta ni Neiji.
"Hindi na ako maniningil ng talent fee para sa commercial mo," sabi ni Reichen.
"Wala ka naman talagang talent fee," bulong ni Neiji.
"Huwag ka namang kuripot sa mga bata. Yayaman ka kapag mas marami kang taong natutulungan," sabi ni Reichen.
Huminga nang malalim si Neiji. Pagdating kasi sa pagpaparami ng pera ay hindi ito makakontra. "Okay. It is a deal."