Chapter 398 - Chapter 9

"Shut up! Tatawag ako ng doctor!" aniya at nagtatakbo pabalik sa party.

Di niya alam kung saan o paano hahawak ng doctor. Di niya makita si Paz Dominique at di niya kilala ang mga taong nakikita niya.

Lumapit siya sa sound system at humingi ng microphone. Kasalanan niya kapag lumala ang kondisyon ni Reichen. "I help! I need a doctor!" she screamed at the top of her lungs. Natahimik ang lahat at nagtinginan sa kanya. Akala yata ng iba ay baliw na siya pero wala siyang pakialam.

Isang lalaki ang lumapit sa kanya. "I am Dr. Kester Mondragon, the resident doctor of the riding club."

"Reichen needs help," hinihingal niyang sabi. "Nasa wooden bridge siya. His nose is bleeding profusely."

Dali-dali itong umalis dala ang medicine bag nito. Umugong ang bulung-bulungan sa paligid niya. "Reichen! Reichen is hurt!" sigaw ng ilang kababaihan at nagtatakbo kasunod ni Doctor Mondragon. Ang iba ay nag-iyakan pa.

Nanlalambot na lang siyang napaupo sa isa sa mga bakanteng mesa doon. She was sure that he was safe. Mabuti nang malayo siya ditto. Tiyak na galit na galit si Reichen sa kanya at ayaw siyang makita.

Nilapitan siya ni Paz Dominique na alalang-alala. "Anong nangyari?"

"Huwag ka nang magtanong. Umalis na lang tayo," aniya at hinila ito.

"Hindi mo ba iche-check si Reichen?"

"Marami namang mag-aalaga sa kanya. Andoon na si Doctor Mondragon. Saka gusto ko nang magpahinga. Pagod na ako," aniya sa malamig na boses.

"S-Sige," anang si Paz Dominique. Di na siya nito makontra kapag ganoon na ang tono ng boses niya.

Di niya maiwasang lingunin ang pinanggalingan bago sumakay ng kotse. Kumusta na kaya si Reichen? Sana ay wala siyang nagawang damage sa ilong nito.

Ayaw niya itong iwan kanina. Pero natatakot siyang harapin pa ito di dahil nasaktan niya ito. Kundi napatunayan niya kung gaano siya kahina pagdating dito. Nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya sa isang titig lang. Sa isang halik lang.

Mariin siyang pumikit. She must be really out of her mind.

MATAAS NA ang sikat ng araw ay nakakulong pa rin sa kuwarto niya si Saskia. Wala naman siyang sakit. Tinatamad lang siyang lumabas ng kuwarto. O mas tamang sabihin na ayaw na niyang magpakita pa sa mga tao.

She had a bad night. Dalawang bagay ang di nagpatulog sa kanya. Una ay ang pag-aalala sa kay Reichen. Bagamat tumawag si Paz Dominique para sabihin na wala namang naging damage dito, di pa rin niya maiwasang mag-alala. Gusto niyang personal na matiyak na ligtas na nga ito.

Pero di naman siya pwedeng magpakita dito. Lalo lang niyang maiisip ang halik na pinagsaluhan nila. Marahil ay pagtatawanan siya nito dahil naging mahina siya. Iwas siya nang iwas pero isang tanong lang nito ay papayag na siyang pahalik.

"I must be cheap. So cheap!" bulalas niya at isinubsob ang mukha sa unan.

Inangat niya ang ulo nang may kumatok. "Ma'am Saskia, nandito po sila Ma'am Jaerellin," anang si Manang Isay.

"Pakisabi po masakit ang ulo ko."

"Saskia, you have to come out. Di na namin alam ang gagawin namin. Sa palagay namin ikaw lang ang makaka-solve sa problemang ito," anang si Jaerrelin. "Labasin mo naman kami, o!"

Her friends handled the riding school while she was gone before. Wala namang naging problema. Kung kinakailangan na nito ang tulong niya, ibig sabihin ay malaki talaga ang problema.

Lumabas siya matapos ayusin ang sarili. "What's the problem?"

"Ibino-boycott tayo ng mga estudyante natin," wika ni Chrisnelle. "Baka daw di na sila um-attend ng klase. Ikaw ang sinisisi nila kung bakit nasaktan si Reichen kagabi. May nakakita daw nang paduguin mo ang ilong niya."

"Ito pa. May mga nagkakalat ng balita na di iba-ban daw sa Stallion Riding Club ang mga estudyante natin," namomoroblemang sabi ni Jaerrelin. "Kaya nga inabala ka na namin kahit na may sakit ka. Anong gagawin natin?"

Sinapo niya ang ulo niya. "Bakit naman ngayon pa?"

Kung kailan kung gulong-gulo na ang isip niya, dadagdag pa ang mga estudyante niya. Miyembro pala ng kulto ng Stallion boys ang mga karamihan sa mga ito.

"Bakit mo ba sinaktan si Reichen? Anong ginawa sa iyo?"

"Siya kasi! Hinalikan niya ako!" bulalas niya.

Nanlaki ang mata ng mga ito. It was too late to take it back. "You kissed? Anong pakiramdam?" kinikilig na tanong ni Jazzie.

Matalim niya itong tiningnan. "Kita mo ngang malaki na ang problema natin, naisipan mo pang kiligin diyan."

"Sorry," nakalabing sabi ni Jazzie. "Nagtatanong lang naman ako."

"Black propaganda ang ginagawa sa kanila. Si Reichen ba ang nagpakalat niyon? Hindi. Maaring ang mga babaeng naghahabol dito. She knew how vicious women could be. Di lang niya alam kung paano pipigilan ang pagkalat ng masamang balita. Baka mamaya ay makarating pa iyon sa Tita Artemis niya. Ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin nito lalo na't nagpapagamot ito.

Lumapit sa kanila si Aling Isay. "Ma'am, tumawag po ang security. May mga babae daw po sa labas. Galit na galit daw po at gusting sumugod dito."

Napasugod sila sa gate ng riding school. Naroon ang may kung ilang daang kababaihan na may dalang plackards at panga-pangalan pa ng banners ng fan's club. Lahat ng mga ito ay babaeng nahuhumaling sa Stallion Boys. Kahit si Reichen nga ay may sariling fan's club. Nakakordon ang security kaya di sila malapitan.

"Amazona! Old maid! Wala kang karapatang saktan si Reichen!" sigaw ng isa.

"Lumabas ka diyan, bruha! Harapin mo kami! Ipaghihiganti namin ang pananakit mo kay Reichen. Di ka siguro niya pinapansin kaya galit na galit ka!"

"Hoy! Hindi totoo iyan! Ayaw niya kay Reichen!" di mapigilag sigaw ni Jazzie. "Di papansin si Saskia na tulad ninyo."

Hinila niya ang braso nito. "Hayaan mo na sila. Di sila makikinig."

"Totoo naman, ah! Ayaw mo sa kay Reichen," depensa nito. Di niya masisisi ang mga ito kung magalit man sa kanya. Nasaktan naman niya si Reichen. Kahit nga ang sarili niya ay sinisisi rin niya.

"Magpatawag na kaya tayo ng pulis?" tanong ni Jaerrelin. "Pati ibang estudyante natin madadamay sa ginagawa nila. Nakakagulo na sila."

Isang sasakyan ang humimpil sa di kalayuan. Sumikdo ang dibdib niya nang bumaba si Reichen. "Si Reichen!" tilian ng mga babae. "We love you, Reichen. Hindi kami papayag na saktan ka pa ng amazona na iyan."

Humalukipkip siya. Ano ang ginagawa nito doon? Hindi kaya lalong magalit sa kanya ang mga fans nito sa pagpapakita nito? Mapapasama pa siya.

"Girls, thank you for the support," anang si Reichen. "Pero walang kasalanan si Saskia. It was an accident."

"Pero sinaktan ka pa rin niya," katwiran ng isa.

"Ako pa rin ang may kasalanan." Ngumiti si Reichen. "I am okay. My nose bleeded. Pero tiniyak ng doctor ko na walang na-damage sa akin. So all of you can ease your minds. Magsiuwi na tayong lahat."

Nagsiuwian na ang iba pero ang iba ay nagpa-picture at nagpa-autograph pa kay Reichen. Mukha ngang di naman ito nasaktan. Bakit pa siya nag-aalala dito?

Lumapit si Reichen sa kanya nang makaalis na ang mga nagpoprotesta. "I am sorry for the bother. Di ko ine-expect na ganito ang mangyayari. Di ko naman gusto na kumalat ang balita. It was a word of mouth."

"Hindi kita sinisisi. I hurt you. Natural na ang violent reaction."

He smiled a little. "Di naman nila kailangang mag-alala. I am okay."

Pinisil niya ang ilong nito at napaigik ito sa sakit. "Iyan ba ang okay?"

Hinawakan nito ang nasaktang ilong. "It will heal soon. Basta huwag mong hahawakan. M-Masakit pa nga iyan."

"I am sorry," aniya sa malungkot na boses. "I didn't mean to hurt you. Nabigla lang talaga ako."

"That's okay." Namulsa ito. "Dapat lang sa akin ang ginawa mo. I just realized that you don't really like me. So I will stay away from you from now on. Hindi ka na mapapagod na tumakbo palayo sa akin."

Nakatigagal siya habang pinagmamasdan ito palayo. Di na siya guguluhin ni Reichen. Di na ito lalapit pa sa kanya. Kung magkikita man sila marahil ay magiging civil na lang ito sa kanya. She should be happy. She wanted to get rid of him. She wanted to gain back the sanity that he took away from her. Bakit di siya masaya? And why did she have a feeling that something so vital was walking away from her life?