Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Khamya. Late na siyang umalis ng laboratory. Dumating na ang ibang mga equipment para sa laboratory at inayos na iyon. She and the rest of her team had a meeting as well. Nagsisimula na ang project at kailangan niyang ibigay ang lahat ng atensiyon niya doon. Kinabukasan ay sisimulan na nila ang pagko-clone kay Nasir, ang Arabian horse ni Beiron, para sa pilot experiment nila.
Naalimpungatan siya sa ring ng cellphone niya. Tinatamad man ay napilitan siyang sagutin iyon dahil ayaw tumigil sa pagri-ring. "Hello!"
"Khamya, naabala ko ba ang pagtulog mo?"
Napadilat siya nang marinig ang boses ni Beiron. "H-Hindi!" Madalas itong tumawag sa kanya nang dumating ito sa Al Ishaq. Pero sa nagdaang dalawang araw ay minsan na lang ito kung tumawag. "How are you? How's the prince?"
"Kritikal pa rin si Rostam. Hindi maganda ang pagkakahulog niya sa kabayo. Comatose pa rin siya. We don't know until when."
Nasa isang royal horse ceremony si Rostam nang magwala ang kabayo nito habang nag-e-exhibition. He had a bad fall. Ulo nito ang tumama.
"Hindi ka makakaalis diyan hangga't di siya gumagaling?"
"Hindi ko rin alam," anito sa malungkot na boses.
"Alam ko naman na kailangan ka diyan. Okay na sa akin na tumawag ka lang." Malaman lang niya na safe ito at marinig ang boses nito ay ayos na sa kanya.
"Khamya, may aasikasuhin ako sa mga darating na araw. Importante lang kaya hindi kita hindi kita matatawagan sa loob ng ilang araw."
"O-Okay." Di man niya maintindihan kung bakit ay di na siya nagtanong pa. "Tawagan mo agad ako kapag natapos mo na iyan."
"Khamya, I just need your full trust."
"Para ba saan?"
"Just tell me that I have your absolute trust. Na kahit anong mangyari, pagkakatiwalaan mo pa rin ako. Just believe that I will always love you."
He sounded so desperate. As if all he needed was to hear those words to live. "I believe you, Beiron. And I love you."
"Thank you, Khamya," anito sa masayang boses.
Subalit nag-iwan ng palaisipan sa kanya ang naging pag-uusap nila. Bakit kailangan nito ang pangako ng tiwala niya? Ano ang importante nitong aasikasuhin? Isa ba iyong bagay na dapat niyang ipangamba?
"BAKIT nandito ka? Hindi ba dapat nagkukulong ka pa sa laboratory?" tanong ni Tamara nang maabutan si Khamya na nanonood ng Discovery Channel. Pero wala naman sa pinapanood ang atensiyon niya. Lumilipad pa rin ang isip niya.
"Masakit ang ulo ko. Iniwan ko muna sa assistant ko ang pagsusupervise. Madali na lang naman ang trabaho ngayon."
"Ang sabihin mo nawawala ka sa sarili mo dahil ilang araw ka nang di tinatawagan ni Beiron."
"Nag-aalala na nga ako." Apat na araw na mula nang tawagan siya nito. Di tuloy niya alam kung ano na ang kalagayan nito. Sana pala ay nagtanong siya kung ano ang importanteng aasikasuhin nito para alam niya ang ie-expect. Di katulad ngayon na nangangapa siya sa dilim.
"Sa palagay ko nambababae lang iyon."
Parang binundol ang dibdib niya. "Huwag ka namang ganyan." Nagtiwala siya kay Beiron. At alam niyang di siya nito lolokohin.
"You can't blame me. Kung si Emrei ang boyfriend mo, sigurado ako na di titingin sa ibang babae iyon. Wala iyong record ng pagka-playboy. But with Beiron…" She grimaced. "Mahirap nang magsalita."
"Kung may makakausap lang sana ako tungkol kay Beiron."
Bitbit ang baso ng juice ay tumabi ito sa kanya sa harap ng telebisyon. "I think I saw the chopper with the Rafiq logo. Dumating na siguro si Emrei galing sa Al Ishaq. Bakit hindi mo siya puntahan? Sa kanya ka magtanong."
Nahihiya man ay lakas-looh niyang pinuntahan si Emrei sa villa nito. Sakto na palabas ang kotse nito. Bumaba ito ng sasakyan nang makita siya. "Khamya!"
"Emrei, pwede ba kitang makausap?Gusto ko lang kumustahin ang kuya mo."
"He is okay," nakangiti nitong sagot ngunit parang di totoo ang ngiti nito. Parang tensiyonado kasi ito.
Mataman niya itong tinitigan. "If he is okay, bakit di niya ako tinatawagan?"
Hinaplos ng daliri nito ang sariling pisngi. "Di ba may misyon siya? Si King Mosoku mismo ang nagbigay noon. Di siya pwedeng makipag-usap kahit sa amin."
"Paano mo natiyak na okay siya kung di mo nakakausap?"
"Basta alam ko," giit nito. "Huwag ka na lang mag-alala."
Naningkit ang mata niya. "You're hiding something. Ano ba talaga ang nagyari sa kuya mo? Please! Para tuluyan nang mawala ang pag-aalala ko," mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Sa loob na tayo ng bahay mag-usap," anito at pinapasok siya. Habang magkaharap sila sa sala ay mas matindi ang tensiyon nito. "I know that my brother will kill me if I tell you about it. Pero gusto ng hari na ipakasal siya kay Fatimah?"
"Hindi ba tinanggihan na iyon ni Beiron noon?"
"Pero mas matindi ang pressure sa hari ngayon. Anumang oras, posibleng mamatay si Prince Rostam. Ang asawa ng isa sa mga prinsesa ang hahalili sa trono dahil nag-iisa lang na anak na lalaki si Rostam. Walang tiwala ang hari sa asawa ng iba niyang anak. At si Beiron lang ang napipisil niya na may magandang leadership quality sa mga eligible royalties. Si Beiron lang ang mapagakakatiwalaan niya. The future of Al Ishaq lies in his hands."
"Kung ganoon, ang kuya mo ang napipisil para maging susunod na hari. Nasaan na siya ngayon?"
"Binigyan siya ng pagsubok ng hari. Pinagsama sila ni Fatimah sa isang bubong sa loob ng sampung araw. At kung walang mangyayari sa kanila sa loob ng sampung araw, hindi na sila pipilitin ng hari na magpakasal."
Nakaramdam siya ng panginginig ng buong katawan. Sina Beiron at Fatimah lang ang magkasama sa loob ng sampung araw. Lalaki lang si Beiron. Kahit naman sino ay di tatagal sa loob ng sampung araw kasama ang isang magandang babae nang walang nangyayari. Parang mababaliw siya maisip lang iyon.
"Bakit hindi niya sinabi sa akin?" naluluha niyang tanong. She felt betrayed. Iyon ang tinatakasan niya noon. Ang pag-aakalang sa ibang babae ito ikakasal. Bakit kailangan pa nitong itago sa kanya ngayon?
"Dahil mag-aalala ka. Do you love my brother, Khamya?"
Tumango siya. "Siya lang ang lalaking minahal ko. Siya lang din ang pinagkatiwalaan ko." Di siya natakot magmahal dahil dito. Nangako ito na di siya nito sasaktan kahit na kailan.
"Ikaw na mismo ang nagsabi na pinagkakatiwalaan mo siya. Cling on that trust. Naniniwala ako na mahal ka ng kapatid ko. Di ibibigay ng hari ang pagsubok na iyon kundi ka mahal ni Kuya Beiron."
He was right. Maari namang basta na lang pumayag si Beiron na pakasalan si Fatimah. Subalit ipinaglaban siya nito. And all he was asking was her trust. Maaring imposible na malusutan nito ang pagsubok na ibinigay dito. Pero kung mananatili ang tiwala niya dito, maari pa itong bumalik sa kanya.
Pinahid niya ang luha at taas-noong tumayo. "Pupunta ako sa Al Ishaq."
"Ha?" bulalas nito. "Pero hindi pwede. Malalaman ni Kuya Beiron na sinabi ko sa iyo ang…"
"Pupunta pa rin ako," aniya sa matatag na boses. "Hindi ako pwedeng basta na lang maghintay dito. Di rin ako matatahimik."
Bumagsak ang balikat nito. "Sasamahan kita."