Chapter 385 - Chapter 18

Ngumisi si Khamya. "Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang kasal mo?" Alam ba ng prinsesa nito na hinahabol-habol lang siya nito. Kung siya si Fatimah, ikakadena niya si Beiron. Bakit ito pumayag na mahumaling ito sa ibang babae kahit pa sabihin na wala iyong problema sa tradisyon ng Al-Ishaq.

"Hindi na natuloy ang engagement party dahil bigla kang umalis."

Naguluhan siya. "Ano ang kinalaman ko sa engagement party mo?"

"Natural. Di matutuloy ang engagement party at kasalan kung wala ka."

Pambihira! Noon lang siya nakakita ng royal engagement party at royal wedding na kasama ang royal concubine. It was so absurd. Ganoon ba katindi ang pagkagusto sa kanya ni Beiron? Hiningi ba nitong kondisyon kay Fatimah na kailangang naroon siya para matuloy ang kasal?

Walang kangiti-ngiti niya itong tiningnan sa mga mata. "I am sorry, Beiron but I won't be your mistress."

Maang itong tumingin sa kanya. "Sino ang may sabi sa iyo na gagawin kitang mistress? Khamya, ikaw ang pakakasalan ko."

Siya naman ang natigilan. "Para sa akin ang engagement party."

"Natural. Para kanino pa ba iyon? Hindi naman kita yayayain sa engagement party kung hindi rin lang ikaw ang pakakasalan ko." Naihilamos nito ang palad sa mukha. "God, Khamya! Kaya ka ba umalis dahil akala mo gagawin kitang mistress?"

Ngayon niya naintindihan ang galit ni Beiron. Nang tanggihan niya ito, di rin natuloy ang engagement party na pinaghandaan nito.

Hinawakan niya ang braso nito. "Sabi sa akin ni Fatimah, siya daw ang pakakasalan mo. Iyon daw kasi ang makakabuti sa political standing ng pamilya ninyo. At naroon ako bilang royal mistress mo."

Huminga nang malalim si Beiron. "Yes. I must admit that the king asked me to marry the princess. Pero tumanggi ako. Kung hindi pasiguro kita nakikilala papayag ako. Hindi ko naisip na mai-in love ako noon. Pero nandito ka. Ikaw na ang pinili ko, Khamya. Ikaw lang ang importante sa akin."

Naluluha siyang yumakap dito. "I am sorry. Nainsulto kasi ako nang sabihin ni Fatimah na gagawin mo lang akong royal concubine. K-Kahit na mahal kita, hindi ko iyon kaya. I couldn't bear the idea of sharing you with another. At kahit iba ang kultura sa Al Ishaq, importante sa akin ang kasal."

Pinahid nito ang luha niya. "Sa palagay mo ba ganoon kababa ang pagkatao ko para ilagay ka sa isang alanganing sitwasyon. Kung kailangan ko siyang pakasalan, di kita gagawing concubine o mistress. I have so much respect for you. You deserve more than that. Isa lang naman ang lugar na naiisip ko para sa iyo. I want you to become my wife."

"Sorry kung hindi ko na itinanong sa iyo kung totoo. Natatakot kasi ako na marinig mismo sa bibig mo. Wala akong magagawa kung iyon ang kultura ninyo."

"Oo. May ganoong kultura ang Al Ishaq. But we Rafiqs are monogamous. Sa simula pa lang, isang babae lang ang pinakasalan ng bawat miyembro ng pamilya namin. At di rin kami nagpapakasal para lang magkaroon ng kapangyarihan o kayamanan. We marry for love. Kahit na I-criticize pa ang pamilya namin na nag-aasawa ng outsider, di nila pwedeng I-criticize ang pagmamahal namin."

Humilig siya dito. That was the sweetest thing she had ever heard in her life. "I am sorry if I was tactless to you then. Sinabi ko na imposibleng mag-asawa ka dahil mahal mo ang isang tao. I thought you weren't capable of loving."

"Tama ka naman. I thought I would never feel something as precious as love. Kahit naman siguro playboy pwedeng magbago. Pwedeng mangarap. Now all I want is your trust. Trust me that I will love you and I won't hurt you."

She clutched his hand and looked into his eyes. She could feel so much emotion flowing from her heart. "Do you know that asking for my trust is way too much? Mahirap para sa akin ang magmahal. Mahirap din na magtiwala."

"Naiintindihan ko. Di ka kinilala ng ama mo at iniwan niya kayo ng nanay mo. Kaya nga ayaw mo sa akin, hindi ba?"

"Sa palagay ko hindi ka katulad ng tatay ko. Natatakot pa rin ako. But I am willing to take the chance. I will give you my trust this time."

He drew her closer and rested the chin at the top of her head. "It is so weird. Kaya galit na galit ka sa akin dahil akala mo gagawin kitang mistress. Habang akala ko naman, nagalit ka dahil bibiglain kita sa pagpapakasal."

Sumimangot siya. "Pa-secret-secret ka pa kasi."

Tinanggal nito ang pagkakapusod ng buhok niya at sinuklay sa pamamagitan ng daliri nito. It was so sensual. "I am trying to be romantic."

"Anong sabi ng mga tao nang I-cancel mo ang engagement party?"

"Kasalanan mo kung bakit usap-usapan ako ng lahat. Nabawasan yata ako ng admirer sa halip na dumami. They thought that there was something wrong with me. Siyempre, babae na mismo ang tumanggi sa akin."

She touched his face. "Poor, Beiron. Nobody consoled you?"

"Sabi ni Fatimah, ituloy ko pa rin ang engagement party. She is willing to take your place. Matutuwa pa daw ang daddy niya."

"And you turned her down flat?"

Tumango ito. "Hindi naman niya ako gusto dahil mahal niya ako. Gusto lang niya ang stability na maibibigay ko sa kanya. Fatimah is so eager to prove her worth as a daughter. Nakasentro kasi kay Prince Rostam ang atensiyon ng hari. Siya kasi ang susunod na trono bilang prinsipe at legal na anak."

"She can be a worthy daughter without involving a man in her life."

Mariin siya nitong kinintalan ng halik sa labi. "Huwag na nating pag-usapan iyan. Mas gusto ko pang magmukhang talunan sa mata ng mga tao kaysa naman maging miserable sa babaeng di ko mahal. Mas loser ako kapag ginawa ko iyon."

"I won't run away from you anymore. Promise!"

She clung to him tightly as they kiss. Handa na siyang harapin ang nararamdaman niya. At mas magaan ang pakiramdam niya kaysa noong tumatakas siya dito.  Ngayon ay handa na rin niyang harapin ang mga pagsubok na darating sa kanila. Kay Beiron niya huhugutin ang lakas ng loob niya.

Related Books

Popular novel hashtag