Marahang kumatok si Khamya sa pinto ng opisina ni Dr. Jawalra bago pumasok. "Yes, Sir?" tanong niya. Nasa gitna siya ng pag-aaral sa isang specimen kasama ang isa pang scientist nang ipatawag siya nito.
Kumaway ito. "Come in, Dr. Licerio." Pagpasok ay saka niya napansin ang isang lalaking payat ngunit matangkad na nakaupo sa harap nito. "This is Mr. Karachi, Jihan Fatimah's steward."
"Ainesh," bati niya at kinamayan ito.
"Jihan Fatimah wants to see you now, Dr. Licerio," magalang nitong wika.
"Now? You mean I have to see her now?"
"Yes. I will take you to her palace."
"What for?" tanong niya. Di naman siguro tungkol sa project proposal ni Anicia para sa mga kababaihan ng Bakhrat. Si Anicia mismo at Beiron ang umaasikaso sa problemang iyon. Naka-concentrate na siya sa trabaho niya.
"You have to ask her yourself, Madam."
Puno man ng pagtataka ay sumama siya. Isang oras ang biyahe mula sa siyudad ng Al Ishaq patungo sa palasyo ng prinsesa. Ang pelikulang Arabian Nights agad ang pumasok sa isip niya nang makarating sa palasyo. It was a real palace. Kung ilang dosenang kawaksi yata ang kailangang magsilbi para I-maintain iyon.
"This way, Madam," magalang na sabi ni Karachi at idinala siya sa indoor pool ng palasyo. Naglulunoy sa pool si Fatimah at umahon nang makita siya.
"Ainesh!" bati niya at yumukod bilang paggalang.
Tumango ito. Mabilis itong dinaluhan ng mga nakaantabay na kawaksi at sinuutan ng roba. "Take a seat," anito isinenyas ang eleganteng carpet na may throw pillow na nakalatag sa kabilang bahagi ng pool. "Make your self comfortable."
"It is an honor to be invited here, Your Highness."
Isinenyas nito ang kamay at ihinain ang maraming pagkain sa harap nila. Saka ito umupo sa lounging chair na naroon. "I was informed that you are invited to the royal party of the Rafiqs a couple of weeks from now."
"Yes, Your Highness."
"Do you know what it is for?"
Bahagya siyang yumuko. "I am afraid I have no idea, Your Highness." Di na daw niya kailangan pa ng imbitasyon dahil mismong si Beiron ang magpapasundo sa kanya. Basta ang gusto lang daw nito ang ibigay niya ang sagot dito.
"Emir Rafiq is of age. As the successor to the sheikhdom, he has to announce his future bride."
Nanginig ang kamay niyang may hawak na juice."Like an engagement party?"
"Exactly. And I will be his bride."
Humigpit ang hawak niya sa baso. Gusto niya iyong basagin sa sobrang galit. Ikakasal na si Beiron sa babaeng ito. Bakit pa siya nito pinapunta sa party? At bakit kailangan pa niya itong sagutin? Ano ba ang gusto nitong palabasin? Sadya bang pinaglalaruan lang siya ni Beiron para ma-appease ang ego nito?
"Congratulations, Your Highness," aniyang parang may bikig sa lalamunan.
"I know that you have a special relationship with him. I am sorry."
Gusto niyang sampalin ang sarili. Kailangan bang ang babae pang pakakasalan ni Beiron ang magsabi sa kanya? At gusto ba ni Beiron na magmukha siyang tanga sa party? Baka pinagtatawanan na siya nito.
"I won't attend the party then. And I won't bother him from now on." Hindi siya papayag na maging laruan lamang ni Beiron.
"Perhaps you don't understand. He will marry me to strengthen the bond of our families and to give him more political power."
"You don't love each other?"
Humalakhak ito. "Love is only for silly people. I am a princess. Ever since the day I was born, I know that I am married to this country. I am just a decoration here and men ask for my hand for their personal gain."
"And that is okay with you?" Parang di yata niya kayang pakasalan ang isang lalaki na gagamitin lang siya para sa sarili nitong kapakanan. Mas malala nga lamang si Beiron dahil pati siya ay isinali nito sa laro nito.
Bumangon ito at pinagmasdan ang swimming pool. "The Rafiqs lost their grip when Sheikh Ahmadi married a foreigner. Yes, they have power in the international arena. But they don't have much voice here. He has very promising plans for Al Ishaq but nobody would listen to him. If Emir Beiron will marry me, that will make him more powerful. The tribunal will listen to every law that he wants to propose. He can help more people here. He will be a great leader."
"Then I won't ruin his plans. I will stay away from him. I am willing to leave Al Ishaq if you want to." Di na niya tatapusin ang research niya doon. Ayaw na niyang makasagabal pa sa anumang plano ni Beiron.
Umiling ito. "No. I don't want you to leave. I invited you here so we can be friends. I guess that's what a wife and a royal concubine should be."
Napanganga siya. "I beg your pardon, Your Highness."
"You are invited to the party as his royal mistress."
Parang may bombang sumabog sa tainga niya. Gagawin siyang pangalawang asawa ni Beiron. That was worse. Magpapakasal ito sa ibang babae pero inaasahan niyang manatili siya sa tabi nito? Ibang klase rin naman pala ito.
"I don't understand. How can you make friends with your future husband's mistress?" Kung siya ang nasa kalagayan nito, baka masakal pa niya ang babae.
Ngumiti lamang ito. "It is a part of our tradition. He can even have this whole harem and I don't really care. You see I am the king's daughter to a royal concubine. So I understand the scenario perfectly."
Parang umiikot ang ulo niya. Inaasahan ba ang prinsesang ito na papayag siyang maging pangalawa lamang sa buhay ni Beiron? Hindi! Di nga katulad ni Beiron ang ama niya na iniwan silang mag-ina. As his mistress, she knew that she would be well provided for. Pero di siya tulad ni Prinsesa Fatimah. Di niya kailanman maiintindihan na di siya ang mauuna sa buhay nito.
"If he will marry you then I'll leave. I grew up with the idea of monogamy. I respect your tradition but I also respect the sanctity of a marriage. I won't be anybody's mistress," mariin niyang wika.
"Even if you love him?"
"Love has nothing to do with it. Your marriage will be legal and binding. Call me selfish but I don't want to share my man. He is all yours, Your Highness."
Taas-noo siyang umalis sa harap nito. Sa palagay niya ay di na siya makakatagal pa sa lugar na iyon. Ayaw na niyang makita si Beiron.
Maaring may espesyal nga itong nararamdaman para sa kanya. Pero maaatim ba nito na gawin lamang siyang royal concubine? May pagpapahalaga naman siya sa sarili niya. At kung totoong espesyal siya kay Beiron, igagalang siya nito at di na siya nito guguluhin pa kahit na kailan.