Chapter 374 - Chapter 7

"I hope you like it. That lobster sautéed with mushroom is Chef Sauvignon's special dish," wika ni Beiron habang naghahapunan sila ni Khamya.

"Yes. It tastes great." Subalit parang may bikig siya sa lalamunan habang kumakain. Humahanap pa siya ng pagkakataon kung paano siya magpapaalam dito. Mukha pa manding maganda ang mood nito.

"Nakita mo na ba ang mga in-order ko na gown at cocktail dress para sa iyo? It has accessories to match. It will be delivered tomorrow." Kung mamigay ito mga damit at alahas ay parang namimigay lang ito ng candy sa mga bata.

"Salamat pero hindi na kailangan."

Maang itong tumingin sa kanya. "Pardon?"

Huminga siya nang malalim. "Hindi ko naman kailangan ang mga iyon."

"You will. Believe me. Marami akong naka-schedule na party. I want you to join me. Nagtataka nga ako kung bakit di mo isinuot ang isa sa mga cocktail dress para sa dinner natin ngayong gabi." She was wearing a plain red silk blouse and slacks that she owned.

Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. "Lilipat na ako sa quarters sa research center bukas."

"Aalis ka na dito?" tanong nito sa mataas na tono.

"Noong una pa lang naman dapat doon na talaga ako tumuloy."

Naging seryoso ang anyo nito. "What is wrong, sweetie? May hindi ka ba nagustuhan sa serbisyo nila dito? Don't you like your room?"

"Beiron, it is just too much! Sobra-sobra ang atensiyon sa akin ng mga tao. Pati ang kuwarto ko parang sa prinsesa. And now you are even showering me with things that I don't need. I am not used to it. It makes me uncomfortable. Hindi ko alam kung bakit mo ako dinala dito una pa lang."

Ginagap nito ang kamay niya. "Because you are special. I want you to be a part of my life if you will have me."

"As your what? As your paramour? Kung mananatili ako dito sa guesthouse mo, ano naman ang magiging role ko sa buhay mo? At hanggang kailan? Ginamit mo lang ba ang research study ko para makuha ako dito?"

"Of course not. Inalok ka talaga ng research center para magtrabaho kasama sila. Pero wala namang masama kung magkakaroon tayo ng espesyal na relasyon."

Mariing nagdikit ang labi niya habang pinipigilan ang iritasyon. "Sana tinanong mo muna ako kung gusto kong magkaroon ng espesyal na relasyon sa iyo."

"Ayaw mo ba?" gulat nitong tanong.

A sarcastic smile formed in her lips. "Lahat siguro ng babaeng nakikilala mo nagpapakamatay para sa iyo, ibahin mo ako. Wala akong tiwala sa mga katulad mo na gusto lang paglaruan ang mga babae. I am not stupid."

"I am not saying that you are stupid."

"At ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa akin? I don't trust you a bit. Kahit ikaw pa ang pinakamayaman at guwapong lalaki sa mundo, di ako interesado."

"Maybe you are afraid that I neglect my women. Well, I don't."

Tumayo siya. "By lavishing them with gift and attention? Sa palagay mo ba kung wala kang kayamanan at di ka guwapo lalapitan ka ng mga babae? Sa klase ng mind set mo, walang tatagal sa iyo. Sabagay, iyon lang naman ang gusto mo di ba? Mga babae na mamahalin ka dahil sa kaya mong ibigay sa kanila. But you will never find a woman who love you for who you are."

Madilim ang anyo nito nang tumayo. "You have the nerve…"

She lifted her chin. "Yes, I do! Di ako natatakot sa iyo." Kung gusto nito ay ipatapon pa siya nito sa bansa nito. Wala siyang pakialam.

Lumambot ang anyo nito at tinalikuran siya. "Take a rest. Maari kang umalis kung gusto mo. Hindi na kita pipigilan."

Nakahinga siya ng maluwag nang di siya nito labanan. Sarili rin naman nitong ego ang masasanggi oras na pigilan siya nito. Marami namang babae na nagkakandarapa dito at pwede nitong isama sa harem nito.

Napasimangot siya nang maisip iyon. Bakit parang di niya gusto na may ibang babae na papalit sa pwesto niya?

KHAMYA was observing the thirty pregnant Arabian mares at the pasture of the research institute. Di na bago sa kanya na makakita ng kabayong buntis. Ang bago sa kanya ay buntis ang mga ito sa pamamagitan ng cloned embryo na ginawa ng research center. Sa ngayon ay ang mga ito ang pinakamatagumpay na breakthrough ng research center. They were expected to produce the best cloned performance horses. Bagamat cloned ang naturang mga hayop, sinunod pa rin ng mga scientist ang natural na panahon ng pagbubuntis at panganganak ng mga kabayo.

Pabalik siya sa laboratory niya nang marinig niya ang malakas na halakhak ng isang babae sa hallway. It was their super blonde guest scientist from Australia. She must be flirting with one of the men in the center. Di na sana niya papansinin nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya ang kausap nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Beiron ang kausap nito.

Mabilis niyang iniwas ang tingin at binilisan ang paglalakad nang madaanan ang mga ito. Di niya maiwasang magngitngit. Tatlong araw pa lang mula nang umalis siya sa guesthouse nito pero may ipapalit na pala ito sa harem nito.

"Dr. Licerio…" tawag sa kanya ni Beiron.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito saka bahagya yumukod. "Emir Beiron, it is good to see you again. And have a nice day!"

Tinilikuran niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. "Khamya, wait! Kanina ka pa kita hinihintay."

"Talaga? Akala ko nandito ka para kay Dr. Nicole." Must be his new conquest.

"No. Kinausap lang niya ako habang hinihintay kita."

"And she kept you well entertained."

"You are jealous!"

Matalim ang mata niya itong nilingon. "I am not!" Padarag niyang ini-insert ang electronic identification card niya sa slot ng laboratory niya at pumasok. "Hindi naman kita boyfriend. Wala kang privilege para pagselosan ko."

"I thought I saw a glint of jealousy in your eyes."

Kinalma muna niya ang sarili. Malaya na siya dito. Hindi siya pwedeng magpadala sa anumang emosyon na pwede nitong matinag sa kanya. "What can I do for you, Your Highness?"

He leaned against the counter and stared at her. "I just want to see you again. I haven't seen you for three days now. I just want to know if you are okay. Nakakakain ka ba nang maayos? Nakakatulog ka ba nang mahimbing?" nag-aalala  nitong tanong. Parang nanay ito na may anak na piniling maging independent na.

"Never felt better. Mas nakakain ako nang maayos at nakatulog ako nang mahimbing mula nang lumipat ako dito sa institute. Nakahinga na rin ako nang maluwag." Thinking that she nearly became his mistress freaked her out. Baka bumangon bigla ang nanay niya sa libingan kung nangyari iyon.

"Naisip ko na baka gusto mong bumalik sa guesthouse para mas maalagaan ka. Hindi rin ako mag-aalala kung nandoon ka."

"Thanks for the concern. Pero nababantayan naman nila ako dito sa center. Saka hindi na ako bata. Matagal ko nang kayang alagaan ang sarili ko. So you don't have to worry about me. Wala ka nang responsibilidad sa akin."

"Hindi mo ba ako nami-miss?"

Ibinulsa niya ang mga kamay sa bulsa ng coat niya. Okay. She lied about sleeping peacefully at night. Naiisip kasi niya ito. At naiinis siya sa sarili niya

"But…" Bumagsak ang balikat nito. "I won't bother you for now. I know how busy you are."

"O-Okay." Nagtaka siya. She was ready to fight him nail and tooth to keep him at bay. Wala sa character nito na basta na lang aalis at maggi-give way. May sakit yata si Beiron. O tanggap na nitong di siya nito mapapaamo.