Chapter 366 - Final Chapter

ABOT-ABOT ang dasal ni Jenevie habang hawak ang kamay ni Rolf. Nasa labas sila ng warehouse kung saan hawak ng mga kidnapper si Rhoda. Napapapitlag siya sa bawat palitan ng putok. Nangangamba siya na baka tamaan si Rhoda. Kahit na ano pang sabihin ni Rolf, tiyak na sisisihin pa rin niya ang sarili niya kapag nasaktan ito.

"Rolf, baka si Rhoda na ang tinamaan," pangamba niya.

Pumalatak ito. "Sabi ko naman sa iyo huwag ka nang sumama."

"Hindi rin naman ako matatahimik habang safe na safe ako at nasa bingit naman ang buhay ni Rhoda. I want to make sure that she's safe."

"She will be safe. Damn it! Ayoko na namang magkaroon ka ng dahilan para iwasan ako o lumayo sa akin."

Tumahimik siya. Matindi ang nararamdaman nilang tensiyon ni Rolf. Parang napakatagal ng sandali bago tumigil ang putukan. Nakalabas lang sila ng van nang sabihin ng isa sa mga pulis na nasukol na ang mga kidnappers at ligtas si Rhoda.

Inilabas ng warehouse si Rhoda na namumugto ang mata dahil sa pag-iyak. Niyakap nito si Rolf. "Salamat sa pagliligtas mo sa akin, Rolf. I was so scared. Akala ko hindi na tayo magkikita."

"Rhoda, I am sorry for involving you in this mess," wika niya.

"B-Bakit hindi mo siya ibinigay sa mga kidnappers kapalit ko?" galit na tanong ni Rhoda. "D-Dapat siya ang nasa loob ng warehouse na iyon at di ako."

"We let the police to rescue you," Rolf said in a formal voice. Lumayo ito kay Rhoda at tumayo sa tabi niya. "Na-rescue ka naman, hindi ba? Don't worry. This won't happen again. Mas mag-iingat pa kami ni Evie para di na madamay ang ibang tao sa banta sa buhay niya."

"Dapat lang," mariing sabi ni Rhoda. Bakas pa rin ang galit sa mukha hanggang isa–isang ilabas ang mga nahuling kidnappers. "Hulihin ninyo silang lahat. Dapat mabulok sila sa kulungan."  

"Bakit kami lang?" tanong ng isa sa mga kidnappers. "Hindi ba ikaw mismo ang humingi ng tulong kay Don Arnulfo para mahuli namin si Attorney Escudero?"

"Si Don Arnulfo?" Ito ang nangamkam ng lupa sa lupain ng mga Maracabe. "At paano naman sila nagkakilala?" tanong niya.

"Dating babae ni Don Arnulfo si Rhoda. Si Don Arnulfo rin ang dahilan kaya nakilala ni Rhoda ang dating asawa niya," sabing muli ng kidnapper. Mukhang isa ito sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Don Arnulfo. "Hindi ba kay Don Arnulfo ka rin humingi ng tulong para patayin ang asawa mo?"

"Hindi totoo iyan!" tili ni Rhoda. "Biktima rin ako dito. Ako ang na-kidnap."

"Sabi mo kapag na-kidnap ka namin, ikaw ang ipapalit ni Rolf Guzman kay Attorney Escudero. Para kapag namatay si Attorney Escudero makukuha mo ang simpatya ni Rolf Guzman dahil naging biktima ka rin," patuloy na kumpisal ng kidnapper. "Palpak naman pala ang plano mo."

"Ikinalulungkot po namin pero kailangan namin kayong isama sa mga suspect, Miss Leocadio," anang pulis at pinosasan si Rhoda. "At kailangan namin kayong imbestigahan maging sa pagkamatay ng asawa ninyo."

Pumalahaw ng iyak si Rhoda habang nagwawala. "Hindi totoo iyan. Hindi ako kidnapper. Hindi ako mamamatay-tao. Tanungin ninyo ang Mama ni Rolf. I give donations to charity. Pwede bang pumatay ng tao ang isang tulad mo?"

"Sumama ka na sa kanila," mariing wika ni Rolf subalit nasa mukha nito ang tinitimping galit. "Makakawala ka rin kung wala kang kinalaman sa tangkang pagpatay kay Evie. Pero oras na mapatunayan kong kasabwat ka nila, titiyakin kong  makukulong ka at walang magagawa ang kayamanan mo."

Humawak siya sa balikat ni Rolf. "Tama na." Sobra-sobra na ang nangyari sa ilang araw na nagdaan. Gusto na lang niyang matapos ang lahat.

Rolf kissed the top of her head. "It is over now, Evie. It's over."

NAKAPIKIT si Jenevie habang pinakikinggan ang lagaslas ng tubig sa waterfalls sa Forest Trail. She and Rolf went through a lot during the past few days. Ang gusto lang niya ay matulog at magpahinga sa isang tahimik na lugar.

Napaungol siya nang hipan ni Rolf ang tainga niya. "Hey! Huwag kang matulog dito. Doon ka na lang sa villa."

"Let's stay a bit longer. I love it here. Masarap mag-relax."

He sighed. "Matatahimik na rin tayo."

Masusing iniimbestigahan si Don Arnulfo pati na rin si Rhoda. Sa palagay niya ay di na ito magkakaroon pa ng lakas ng loob na guluhin ang mga Maracabe dahil mas kakailanganin nito ng malaking halaga para depensahan ang sarili. Kumanta na kasi ang mga tauhan nito na lalong nagpatibay sa kaso laban kay Don Arnulfo.

Pinabuksan muli ang kaso ni Rhoda sa pagkamatay ng dati nitong asawa. Kumakalap muli ang pulisya ng ebidensiya laban dito.

"Di ka ba nagsisisi na mahalin ako kahit na puro gulo lang ang dala ko at muntik nang mapahamak ang buhay mo dahil sa akin?" tanong niya.

"Having you in my life is the best thing that happened to me. Kahit na paulanan pa ako ng bala araw-araw, di ako natatakot. In the end of the day, I know that I will still have you with me. Makakangiti pa rin ako."

"Natatakot pa rin ako na isang araw baka mawala ako sa iyo o mawala ka sa akin. Pero kapag kasama kita, di ko na iniisip iyon." She planted a kiss on his chin. "Because of your love, I become braver. Wala na akong pakialam kung anuman ang pwedeng mangyari bukas. We'll just face it together."

Tumikhim ito at lumuhod sa harap niya. "Pwede na siguro akong mag-propose ulit." Inilabas nito ang emerald-cut na diamond ring mula sa bola. "Will you love me for the rest of your life?"

She pressed her forehead against his. "Yes. I will love you not just in this lifetime but also beyond. I love you, Mr. Rolf Guzman. And thank you for loving me and never giving up on me."

She put a ring on her finger and their lips meld eagerly. She closed her eyes and imagined a wedding that will take place in that exact place. It would be their wedding. And she knew that she would be happy to love him forever.