Chapter 351 - Chapter 5

"Tahimik po kaming namumuhay, Attorney. Masaya na po kaming magsaka sa lupain namin kahit na maliit lang ang kita. Sapat na ito para buhayin namin ang mga anak namin. Pero mula nang mabili ni Don Ramon ang hacienda malapit sa amin, gusto niya pati ang lupa namin kamkamin niya."

Matamang nakikinig si Jenevie sa hinaing ni Mang Antonio, ang pinuno ng mga maralitang magsasaka sa isang bayan sa Batangas. Maliit man ang lupain ng mga ito pero pag-aari ng mga ito ang lupa na minana pa nito mula sa mga magulang

"Ano pong ginagawa sa inyo ni Don Ramon?" tanong niya.

"Kapag nagtatrabaho kami sa bukid, pinapuputukan kami ng mga tauhan niya. Umalis na daw kami dahil kay Don Ramon na ang lupang iyon. Gusto niyang basta na lang po naming isuko ang lupa."

Mabigat ang ginagawa ni Don Ramon dahil buhay na ng mga tao ang pinagbabantaan nito. Wala nga namang laban ang mga magsasaka sa baril.

"Anong ginagawa ng mga pulis? Di ba kayo nagsumbong?" tanong naman ni Attorney Agustin na siyang katulong niya sa kaso.

"Hawak po sila sa leeg ni Don Ramon pati na rin ang mga opisyales dito. Wala kaming magagawa dahil simpleng tao lang kami. Kaya po iyong anak kong nag-aaral sa Maynila, itinawag agad sa inyo. Kailangan po namin ng tulong. Kung susuko kami, paano na ang kabuhayan namin? Paano namin bubuhayin ang mga anak namin? Pagsasaka lang ang alam namin. Di naman po kami nakapag-aral."

She despised Don Ramon right away. Naiinis siya sa mga taong tulad nito na naghahari-harian at ang binibiktima ay ang mahihina at mahihirap. Di na masiyahan sa kayamanang mayroon ito.

Ginagap niya ang kamay ng matanda. "Huwag po kayong mag-alala, Mang Antonio. Kami po ang bahala sa kaso ninyo. Tiyakin ninyong nasa ligtas na lugar ang mga importanteng dokumentong hawak ninyo tulad ng titulo ng lupa. Makikita ng Don Ramon na iyan na di niya kayo basta basta matatakot."

"Paano po naman ang kaligtasan namin?" tanong ni Mang Antonio.

"Kakilala ko po ang Regional Director ng Philippine National Police dito sa CALABARZON area. Hihihing po ako ng tulong sa problema niya. Bibigyan po niya kayo ng proteksiyon para makabalik sa ayos ang pamumuhay ninyo," sabi naman ni Attorney Agustin. "Hindi na makakalapit sa inyo ang tauhan ni Don Ramon."

Kumislap ang pag-asa sa mga mata ni Mang Antonio. "Talaga po?"

"Kapag po may nangyaring masama sa inyo, ang mga pulis na iyon na ang mananagot dahil pinili nilang magpa-impluwensiya kay Don Ramon," wika niya.

"Marami pong salamat," maluha-luhang sabi ni Mang Antonio. "Akala ko po wala nang tutulong sa mahihirap tulad namin."

"Basta kaya po namin, tutulong po kami," sabi naman niya.

Alas siyete na ng gabi nang umalis sila ni Attorney Agustin sa kubo ni Mang Antonio. "Convoy na tayo?" tanong nito.

Umiling siya. "May pupuntahan pa ako. Pa-Tagaytay ang way ko."

"Sa birthday party ba iyan ni Rolf Guzman?"

Namutla siya. "P-Paano mo nalaman?"

Nanunukso itong ngumiti. "Kasi tuwing dadaan ako sa opisina mo, naririnig kong kausap ni Reihina para lang I-confirm na pupunta ka sa birthday niya. Are you involved with him or something?"

"Or something," she answered lamely. Walang itong alam sa dati nilang relasyon ni Rolf dahil isang taon pa lang ito sa organization. Di rin niya ugaling ikwento dito ang istorya ng buhay niya.

"Playboy iyon kaya mag-ingat ka. Balita ko maraming babae na siyang pinaiyak. Baka ikaw ang isunod niya."

Natawa lang siya. "Hindi ako papayag na paiyakin ng isang lalaki."

Sa kanilang dalawa, si Rolf ang mas maraming isinakripisyo sa relasyon nila. He used to love her to the point of marrying her. Siya ang nag-back out. At kahit na mahal pa siya ni Rolf, wala na siyang karapatan na angkinin pa ang pagmamahal na iyon. Sa ibang bagay na niya inilaan ang buhay niya.

Maya maya pa ay binabagtas na niya ang highway. Mangilan-ngilan lang ang sasakyang nakakasalubong niya. Halos walang bahayan at madawag ang gilid ng daan. Napansin niya na may pulang Toyota Corolla na sumusunod sa likuran niya. Noong una ay di niya pinansin subalit sumama ang kutob niya nang bilisan ng mga ito ang pagpapatakbo nang pabilisan din niya ang andar niya.

Saka niya naisip na parang kanina pa niya nakita ang sasakyang iyon ilang sandali matapos siya umalis kina Mang Antonio. Ibig sabihin ay siya nga ang pakay ng sasakyan. At nasisiguro niyang masama ang pakay ng mga ito.

Tinawagan niya ang police hotline. "All the operators are busy now. Please try again later," anang voice prompt.

"Walang silbi." Baka mamaya ay patay na siya ay wala pa rin siyang nakakausap. They were starting to gain their speed. Ang cellphone ni Attorney Agustin ang tinawagan niya. "I need help. May mga lalaking sumusunod sa akin at…"

Di pa niya natatapos ang sinasabi niya ay binunggo ng mga ito ang bumper sa likura ng sasakyan niya. Halos humampas ang ulo niya sa manibela.

"Evie, nasaan ka?"

Ibinigay niya ang location niya dito. "Ikaw na ang humingi ng tulong. Kung may malapit na police outpost o checkpoint diyan."

Kinuha niya ang baril niya sa dashboard. Lagi iyong nakahanda para sa proteksiyon niya. Ang inaalala lang niya ay di niya alam kung magagamit niya iyon habang nagmamaneho siya. Dalawa lang naman ang kamay niya.

Binilisan pa niyang lalo ang pagpapatakbo. She had to get out of that hell. Ayaw niyang doon matapos ang buhay niya.

Dali dali niyang sinagot ang cellphone niya nang mag-ring iyon. "Hello!"

"Evie, where are you?" pagalit na tanong ni Rolf. "Wala ka sa office mo. Pinagtataguan mo ba ako? Di ka pupunta sa birthday ko."

What a nice time to receive a call from Rolf. Kung kailan nanganganib ang buhay niya ay saka pa siya nito uuriratin tungkol sa birthday nito.

"Rolf, I…"

"Get your pretty ass in here or you will regret it!"

"Damn!" usal niya nang maglabas ng baril ang isang lalaki at iumang sa kanya. Yumuko siya nang magpaputok ito. Nabasag ang windshield sa likod ng sasakyan niya.

"Evie, what is that?"

"I am afraid I can't attend your birthday, Rolf. I am sorry."

Naisin man niyang pumunta sa birthday nito ay mukhang imposible. Baka nga iyon na rin ang huling pagkakataon na magkakausap sila.

"Tell me where you are, Evie." He was panicky now. "Damn it! What the hell are you doing and where the hell you are when you are supposed to be here?"

Muling nagpakawala ng putok ang nasa kabilang kotse. Napaigik siya nang maramdaman niya ang pagtama ng bala sa balikat niya. "Ah!" sigaw niya.

"Evie! Evie! Sabihin mo kung anong nangyari sa iyo."

Pilit niyang pinamamanhid ang sarili sa sakit. Subalit di iyon sapat dahil lalo pang binilisan ng kabilang kotse ang pagpapatakbo. Pakiramdam niya ay palapit na nang palapit ang oras niya. She could feel her blood seeping from her shoulder. She could even smell death coming her way.

"I am sorry, Rolf," she said in a sad voice. "Nangako na naman ako pero di ko tinupad."

"Damn it! I don't care about your promise. Just hang in there."

Pumantay na ang mga ito sa kanya. Inilabas ng lalaki sa tapat niyang ang kuwarenta y singko na baril at iniumang sa kanya. Yumuko siya kasabay ng pagkabasag ng salamin ng side winshield niya.

Kinabig niya ang manibela at tuloy-tuloy siyang bumulusok sa bangin na nasa gilid ng daan. Sinagasa ng sasakyan niya ang damuhan.

"Evie, please tell me that you are safe. Come back to me. Please!"

Napapikit siya. It must be her end. Pero masaya siya dahil kung sakali mang mamamatay siya, boses ni Rolf ang huli niyang narinig.