Chapter 340 - Chapter 15

Magaan ang loob ni Keira nang pumasok sa trabaho kinabukasan. Kahit di na niya makikita si Eiji sa training center, magkasama silang nag-jogging noong umaga. Matapos din ang trabaho niya ay lagi na silang sabay magdi-dinner ni Eiji.

The other day was quite a revelation. Nalaman niyang nagseselos ito sa kanya at importante siya dito. Di niya alam kung ano ang susunod na mangyayari. Ang alam lang niya ay masaya siya kapag kasama ito.

Nilalagyan niya ng halter si Serenity para sa review ng training niya dito nang pumasok si Eiji sa stable. "Good morning!" bati nito.

Nanlaki ang mata niya. "Eiji, anong ginagawa mo dito?"

"Dumadalaw lang," kaswal nitong sagot.

"Wala ka talagang kadala-dala. Kasasabi lang sa iyo ni Sir Reid na bawal ka dito. Paano kung makita ka niya? Sususpindihin ka niya dito sa riding club." Malulungkot siya kapag di sila nagkita. Mami-miss niya ito.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Relax. Di nila ako pwedeng paalisin. Saka hindi naman ikaw ang dinadalaw ko kundi si Serenity."

Napanganga siya. "Si Serenity?"

Tumango ito. "Kung ikaw ang dadalawin ko, magagalit si Kuya Reid. Pero kung si Serenity, di naman niya ako babawalan bilang bagong may-ari niya."

"B-Binili mo si Serenity? Akala ko di ka pwedeng mag-purchase ng kabayo hangga't di pa actual bidding." At sa isang buwan pa ang auction.

Humalakhak si Eiji. "Di naman importante ang bidding. Ang importante kay Kuya Reid pera. Ngayon di na siya makakatanggi na magkita tayo kahit na oras ng training mo. Si Serenity naman ang dadalawin ko at hindi ikaw," anito at kumindat.

Binili nito ang kabayo para makita lang siya? It was outrageous!

"Hindi mo naman kailangang gawin ito. Magkikita pa rin naman tayo pagkatapos ng training ko. Saka ilang minuto mo lang naman akong makikita kahit na dalawin mo pa si Serenity."

Pinisil nito ang pisngi niya. "Gusto kong bawasan ang pagka-miss ko sa iyo."

Di pa ito nasiyahan at inilapit pa ang mukha sa kanya. Nanginig ang tuhod niya. Di pa man niya nasisimulan ang trabaho ay hinihigop na nito ang enerhiya niya. Paano maaayos ang trabaho niya? Araw-araw ba silang ganoon?

Tumikhim siya habang nilalabanan ang panlalambot. "Mr. Romero, hindi mo ako ang kabayo ninyo. Kung gusto ninyong maglambing, kay Serenity at hindi sa akin. Hindi naman ako mukhang kabayo, di ba?"

Bigla siya nitong binitawan. "Sorry."

"Kapag oras ng trabaho, ayokong naabala," aniya sa magaang boses. "Pwede kang mag-observe sa training, magbigay ng suggestions o comment pero di mo ako pwedeng kausapin sa ibang bagay maliban tungkol kay Serenity."

Tumango ito. "You really mean business, do you?"

"Yes. Kasi kapag pumapalpak ako, ikaw rin ang masisira."

He stepped back. "Okay. Hindi na ako manggugulo sa trabaho mo. Mag-o-observe na lang ako sa labas ng corral fence." At lumabas na ito ng stable.

Dumungaw siya. "Eiji, basta sunduin mo ako mamaya, ha?"

Tumango ito. "Be careful, okay? I love you."

Pareho silang natigilan sa sinabi nito. Maging ito ay nagulat. Mukhang di naman ito sanay na sabihin ang salita at di rin siya sanay na may magsabi ng 'I love you' sa kanya. Alien sa kanila ang salitang iyon.

Akmang magsasalita pa ito nang tumalikod siya at binalikan si Serenity. Kung alam lang nito, malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya.

Kung totoo man sa loob nito ang salitang iyon o hindi, masarap ang pakiramdam niya nang marinig iyon. She felt vibrant and alive.

Mauulit pa kaya niyang marinig ang salitang iyon mula kay Eiji?

NAKASALAMPAK sa wooden dock sina Eiji at Keira. Katatapos lang nilang mag-dinner at nagpapahinga sila habang nakatingala sa langit. "Naalala ko tuloy ang rancho. Ganito rin kadami ang bituin doon kapag gabi," sabi niya habang nakahilig sa likod nito. Magkatalikuran sila at ginawang sandalan ang likod ng isa't isa.

"Noong nagkita rin tayo sa party ni Monica, nag-I-stargazing ka rin."

"Bakit nga pala sinundan mo ako noon?" tanong niya at pilit itong nilingon.

"Dahil sa party na iyon, ikaw lang ang di ko kilala. Tapos sa halip na ibigay mo sa akin ang pangalan mo, umalis ka pa."

"Masyado ka namang friendly. Lahat ng babaeng makita mo kailangan mong makuha ang pangalan," aniya at bahagyang natawa. "Ano naman sa iyo ngayon kung di mo makukuha ang pangalan ko?"

"Hindi ko rin alam. There is a nagging voice inside my head that tells me that I should get to know you more. Basta gumawa ako ng paraan para tumakas sa party at masundan ka. Tapos nang makita kitang mag-isa habang nakatingin sa langit, gusto na lang kitang samahan at ayoko nang umalis sa tabi mo."

"Hindi kaya lunatic side mo ang nagdikta sa iyo na sundan ako? Isipin mo, isang babaeng walang ka-taste-taste sa fashion, gusto mong makilalang mabuti?" Lumabi siya. "Kahit ako nagtataka kung bakit kinausap mo ako noon. Hindi naman ako sanay ng tinatapunan ng lalaking kasing guwapo mo. Ang totoo, wala ngang lalaking pumapansin sa akin. Ikaw lang."

Pumalakpak ito. "Narinig ko iyon! Sinabi mong guwapo ako!"

"Guwapo ka nga. Di ba sinasabi naman sa iyo ng ibang babae?" Kung umakto ito ay parang siya ang unang babaeng nagsabing guwapo ito.

"Ngayon ko lang narinig sa iyo. Nare-recognize mo pala ang kaguwapuhan ko." Tumayo ito at nagsisigaw. "Yes! Sabi ni Keira guwapo ako."

Hinila niya ito paupo. "Umayos ka nga. Baka isipin nila may topak ka."

"Anong magagawa nila kung masaya ako?" Ginagap nito ang kamay niya. "Sabihin mo ulit na guwapo ako."

Itinulak niya ang noo nito. "Namimihasa ka naman. Alam mo namang guwapo ka na. Di ko na kailangang ulit-ulitin. Kung gusto mo ulit na marinig na guwapo ka, tanungin mo iyong ibang babae. Magtitili pa sila para sa iyo."

"Sa iyo ko nga gustong marinig."

"Ano naman ang espesyal kung sa akin mo naririnig?"

Nawala ang ngiti sa labi nito at naging seryoso. Hinaplos nito ang buhok niya. "Hindi ko rin alam kung bakit sa iyo ko lang narinig. Di ko rin alam kung bakit espesyal ka. Basta ang alam ko, gusto ko lang sumunod nang sumunod sa iyo. And I even do things that I am not used to."

"Like what?"

"Like what?"

"Doing favor for a girl without being asked to. Mas sanay ako na babae ang gumagawa ng maraming bagay para I-please ko. At kung gusto kong makuha ang atensiyon at affection ng isang babae,madali para sa akin. Only to find out that what they have isn't enough to keep me by their side.Napapagod ako sa kanila. Hanggang napagod na rin ako dahil mabilis mawala ang atensiyon ko sa isang babae."

"Ikaw? Hindi ka ba napapagod sa akin?"

Umiling ito. "Napu-frustrate lang ako minsan lalo na kapag di mo ako pinapansin o kaya di mo pinahahalagahan ang mga ginagawa ko para sa iyo. Sabi ko sa sarili ko, mas maganda yata kung ibaling ko na lang ang atensiyon ko sa iba. Kaso hindi ka naman nawawala sa isip ko. Maisip ko nga lang na ibaling ang atensiyon ko sa iba, parang malaking kasalanan na."

"Gusto mo ba na sundan-sundan din kita tulad ng ginagawa ng ibang babae at ibuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa iyo?" tanong niya.

"No!" Hinawakan nito ang kamay niya. "Gusto ko lang nalaman kung ano ang pagkakakilala mo sa akin at kung ano ang nakikita mo sa akin."

"Guwapo ka, magaling kang tennis player, halos lahat ng babae pinagkakaguluhan ka kahit saan saka mabait at considerate ka rin…"

She stopped talking when he cupped her face. "Look at me, Keira. Do you see me as a man?"

Related Books

Popular novel hashtag