Chapter 329 - Chapter 4

Mabilis siyang tumalikod at hinarap ang bagong dating. Ilang beses siyang kumurap para mapagmasdan itong mabuti dahil nakatalikod ito sa liwanag. He was wearing plain white shirt and faded jeans. He looked so sexy on it. Tinanggal nito ang sunglasses at sinalubong niya ang magandang matang laging nakangiti.

It was Eiji Romero himself.

Naestatwa siya sa kinatatayuan. "Anong ginagawa mo dito?"

Isang linggo na mula nang magkita sila sa party ni Monica. Madalas lang niya itong makita sa panaginip niya na dadalawin siya. Baka nananaginip lang siya.

Naglakad ito palapit sa kanya. "Ang sabi ko dadalawin kita, di ba?"

Seryoso nga ito sa pagdalaw sa kanya. Ni hindi man lang niya napaghandaan. Natutuliro tuloy siya kung ano ang dapat gawin o sabihin dito.

"Sana nagpasabi ka man lang na dadalaw ka."

"Mabuti na ang surprise. Baka mamaya takasan mo pa ako."

"Bakit naman kita tatakasan?"

"Gut feeling. Parang ayaw mo kasi akong makita."

"S-Siyempre naman natutuwa akong dumalaw ka."

Pero kung nagpasabi ito, tataguan niya ito. Di siya sanay na tumanggap ng bisitang tulad nito. The ranch was far from the chic and cosmopolitan places he knew. And she had Monica to consider. Anong sasabihin ng pinsan niya? Pero ngayong nasa harap na niya si Eiji, maitataboy pa ba niya ito?

"Artista iyan," hula ni Tigor.

"Hindi. Basketball player iyan na may girlfriend na artista," anang si Taboy. "Sa palagay mo, anong relasyon nila ni Bosing Keira?"

"Bago nating kliyente siguro."

"Manliligaw ni Ma'am. Pustahan pa tayo," hamon ni Taboy.

"Umayos nga kayong dalawa. Di na kayo nahiya sa bisita natin," saway niya sa dalawa. "Si Eiji Romero, isa sa kaibigan ng Ma'am Monica ninyo."

"Good morning, Sir," bati ng dalawa.

"Ano nga palang ginagawa ninyo dito, Sir? Wala si Ma'am Monica dito," lakas-loob na tanong ni Taboy.

"Dinadalaw ko si Keira. Nangako kasi ako sa kanya," sagot ni Eiji.

"Nililigawan ninyo si Bosing Keira?" pabulalas na tanong ni Tigor.

"Pustahan tayo hindi manliligaw iyan. Hanga ako kapag niligawan niya si Bosing," kontra ni Taboy.

"Magtrabaho na kayong dalawa bago ko pa kayo bigyan ng disciplinary action," banta niya. "Imo-monitor ko lang ang trabaho ninyo at babalikan ko rin kayo sa horse pool." Bagong facility nila ang horse pool at ngayon pa lang nakakasanayan ng mga tauhan niya ang bagong programa.

"Mag-ingat kayo, Sir!" sigaw ni Taboy.

"Mag-ingat siya sa iyo, Ma'am," pahabol pa ni Tigor.

Nakikini-kinita na niya ang resulta ng pagdalaw ni Eiji sa kanya. Magiging tampulan siya ng usap-usapan at tuksuhan ng mga tauhan.

Pero may isang damdamin siyang hindi pwedeng ikaila. Magaan ang pakiramdam niya na naroon si Eiji.

"PASENSIYA na sa mga gunggong na iyon. Ganyan lang talaga sila kakulit," hinging-paumanhin ni Keira kay Eiji habang naglalakad sila papunta sa ranch house.

"Ganyan din kami kung magkantiyawan ng mga kaibigan ko. Mas malala pa. Pero bakit pati ikaw ganoon din kung biruin nila?"

"They treat me here as one of them. Halos lahat ng mga tauhan dito sa ranch lalaki. It was not easy to penetrate their field. Noong una, sobrang bait sila sa akin. Lagi silang nakaalalay. Pero nang sinabi kong gusto ko na tratuhin nila ako bilang isa sa kanila, bigla silang naging malupit. Sa akin nila ibinibigay ang mahihirap na trabaho.They wanted me to quit. Patunayan na di ako pwedeng pumantay sa kanila."

"I can imagine. I must admit that I am a chauvinist like them. Dahil may rule din kami sa Stallion Riding Club. There are some privileges that only men can avail."

"Alien ba ang tingin ninyo sa mga babae?"

He drew out a deep breath. "We care for our women. However, the club is exclusively for men. There are some favors exclusively for us. Para na rin sa protection namin. We pay a high price for it after all. Kung alam mo lang kung gaano karaming women's group ang nagpoprotesta sa amin. Hindi daw kami fair sa mga babae. They make us appear like monsters."

"It is your world. And besides, other women don't seem to mind. Halos ninety-nine percent yata ng mga babae sa Pilipinas gustong pumasok doon." Sa dami ng mga guwapong lalaki doon tulad ni Eiji, lahat ay magkakandarapa.

"Well, you are a part of that one percent who isn't interested."

"I am not a feminist. I am just too busy."

"Nakita ko nga kung gaano ka ka-busy. With that stubborn horse, you really just can't leave the ranch. Mukhang mas matigas pa ang ulo ng kabayong tine-train mo kaysa sa akin. Pero napasunod mo siya."

Tumigil siya sa paglalakad. "Napanood mo ako? Kanina ka pa dumating?"

"Oo. Di ko lang inilapit ang sasakyan. I might startle the horse. So I walked on my way here. Pinanood lang kita sa malayo.Ayoko rin makaabala sa trabaho mo."

"Doon na tayo sa bahay para makapag-miryenda ka."

"I am okay." Hinawakan nito ang braso niya. "Huwag ka nang masyadong mag-abala para sa akin. Ikaw nga itong mukhang pagod na pagod."

Naglabas ito ng panyo at akmang pupunasan ang pawis niya sa mukha. Pinigilan niya ang kamay nito. "Huwag na. Madudumihan ang panyo mo. Saka huwag kang masyadong lalapit sa akin. Amoy araw ako at amoy kabayo."

Sa halip na lumayo ay inilapit pa nito ang mukha sa buhok niya. "How did you manage to smell so great even after staying under the sun?"

Awtomatiko ang naging reaksiyon niya sa paglapit nito sa kanya. Hinaklit niya ang harap ng polo nito. "Niloloko mo ba ako?" pagalit niyang tanong.

Natigilan siya nang di man lang ito nagulat sa ginawa niya. Nanlaki ang mata niya nang matuklasang napakalapit ng mukha nito sa kanya. Ang kamay niyang nakakapit sa polo nito ay hinawakan pa nito. She just stared at his blue-black eyes. Daig pa niya ang nahipnotismo dahil di niya maalis ang tingin dito.

"Mukha bang niloloko lang kita?" tanong nito sa sensuwal na boses na humahagod sa buo niyang katawan.

Nanuyo ang lalamunan niya. He was so close to her, she could almost taste him. Sanay na siyang maging malapit sa mga lalaki. Walang malisya sa kanya iyon dahil parang lalaki din naman ang trato sa kanya ng mga ito. But with Eiji, it was different. For the first time, someone made her feel that she was a woman.

"Keira, may bisita ka ba?" narinig niyang tawag ni Felipe.

Bigla silang naghiwalay. Binitiwan niya ang polo nito. "S-Si Uncle. Pumasok na tayo," aniya sa nangangatal na boses.

That was close. So close. Kung di kaya dumating ang uncle niya, ano ang posibleng nangyari? Hahalikan kaya siya nito?

Disturbing thoughts, Keira. Si Eiji lang ang nagpapagulo sa utak niya nang ganito. Ano ba ang pakay nito sa pagpasok sa buhay niya?