"NICOLA, ikaw na ang bahalang magbigay kay Crawford niyan," wika ni Chef Gino ng Rider's Verandah nang dumaan sa villa ni Crawford. "Nagpaalam naman ako kay Kester kung anong pwede niyang kainin. May go signal na ako."
Natutuwa siya sa suporta ng mga kaibigang club members ni Crawford. Napansin lang niya na puro pagkain ang ipinadadala ng mga ito. Sa mga ito niya natutunan kung anong mga pagkain ang gusto ni Crawford. Kahit siya ay sinusuportahan ng mga ito sa pag –aalaga kay Crawford.
"Thanks. Dinalaw siya ni Doc Kester. Papalitan ang bandage niya. Pumasok muna kayo," yaya niya. Kasama kasi nito ang nobyang si Miles.
"Dumaan lang kami dito dahil pupunta pa kami sa Manila. Birthday ng isa sa kaibigan ni Miles," paliwanag ni Gino. "Next time na lang."
"Alagaan mong mabuti si Crawford, ha?" pahabol ni Miles.
Nang silipin niya ang luto ni Gino para kay Crawford, pati siya ay natakam sa laman. "Wow! It is beef broccoli this time." It was almost dinner time. Siguro ay doon na rin niya yayayaing mag-dinner si Doc Kester.
Matapos ihanda ang table ay kakatukin sana niya ang dalawa sa kuwarto ni Crawford. Nang di sinasadyang marinig niya ang may kataasang boses ni Doc Kester. "This is enough, Crawford. Sayang lang ang pagiging doktor ko at expertise ko pagdating sa iyo. Pati ang bendang ginagamit ko sa balikat mo. Samantalang madaming may sakit na walang magamit na benda. Ginawa mo lang laruan."
"Oo na. Magdo-donate ako ng benda para sa foundation mo. Basta huwag ka lang kumontra. Ilang araw lang naman ito. Gaano pa ba katagal para pwede nang tanggalin ang benda ko nang hindi mahahalata ni Nicola na walang damage sa balikat ko?" tanong ni Crawford.
"Nicola is not that stupid!" Kester stressed. "Mapapansin din niya."
"So far, wala naman siyang napapansin," kampanteng wika ni Crawford. "And I don't think she would get mad. She loves me."
Nanlamig ang buo niyang katawan. Di totoong dislocated ang balikat ni Crawford.
It was all a game to him. Inalagaan niya itong mabuti. She even felt guilty for him. Pagkatapos ay pinagkakatuwaan lang pala siya nito.
Nagmamadali siyang lumayo sa kuwarto ni Crawford at bumalik sa kusina. Manhid ang pakiramdam niya. It was like being stabbed twice. But this time, the wound was deeper. How could you do this to me, Crawford? Ibig bang sabihin hindi totoong mahal mo ako?
"Nicola," untag sa kanya ni Doc Kester. "Aalis na ako."
Gusto rin niyang komprontahin ang doktor dahil kasapakat ito ni Crawford sa panloloko sa kanya. Pero di niya magawang magalit dito. Naka-concentrate kasi ang galit niya kay Crawford. Ito ang may pakana ng lahat. "Ihahatid ko na kayo…"
Umiling ito. "Si Crawford na lang ang puntahan mo. I will be fine."
Mabibigat ang hakbang na pinuntahan niya sa kuwarto si Crawford. Nagpapatugtog ito ng jazz music nang pumasok siya. "Hi! Dinner na ba?" nakangiti nitong tanong. "Gusto mong tulungan kitang mag-set ng table? Sabi naman ni Doc Kester pwede na akong maggagalaw basta huwag ko lang pupwersahin ang sarili ko. Nakaka-bore kasi dito sa kuwarto."
"Sige. Bahala ka," matabang niyang sabi. Under normal circumstances, she would refuse his request. Pero nang mga oras na iyon, wala na siyang pakialam kung anuman ang gusto nitong gawin.
Ipinaliwanag nito kung kailan tatanggalin ang benda nito at normal na ulit itong makakakilos. Obviously, he thought them all up.
"Nicola, what's wrong?" tanong nito nang di siya kumikibo.
Nilingon siya nito, walang emosyon sa mata niya. "I want to go home now."
"Bakit? May nangyari bang hindi maganda sa inyo? May problema sa trabaho?" Umiling siya. "Then what's wrong? Kung walang emergency, dito na muna tayo. May two days pa tayong bakasyon."
She gave him a tired look. "Stop the pretense, Crawford."
"Ha? Anong…."
"I don't want to be a part of your game anymore. Hindi mo na ako pwedeng paikutin katulad nang dati."
Itinaas nito ang kamay. "Nicola, wait…"
Itinulak niya ang balikat nito. He didn't budge a bit. Nagulat ito at di agad nakapag-react dahil di inaasahan ang gagawin niya. Wala na itong oras para umarteng nasasaktan. Ngumisi siya nang makita ang takot sa mga mata nito. "See? I already see right through your deceit."
Napalunok ito. "It is not what you think."
Tumiim ang anyo niya. "Tanga pa rin ba ang tingin mo sa akin, Crawford? Na maniniwala ako sa kahit anong sabihin mo. You brought me here because you are bored with your life and you want someone to toy with. Yes, I was a fool. But you can't fool me forever."
"Hindi kita niloko. Hindi sa dahilang alam mo!"
Ngumisi siya. "You will never change, Crawford. You were rotten then but you are more rotten now." Then she turned her back on him.
"S-Sandali!" Mabilis siya nitong hinarangan. "Oo. Aaminin ko na gumamit ako ng kung anu-anong taktika para dalhin ka dito. I even have to pretend that I am unwell so that you'll admit that you love me. I fell down the horse and exaggerated it a bit. Pero ano pang kasalanan ko sa iyo?"
Nanginginig ang labi niya sa pinipigil na pagluha at labis na galit. Parang dam na bumigay ang emosyong nararamdaman niya. "Mababaw ka. Naa-appreciate mo lang ang mga tao na maganda ayon sa standard mo ng kagandahan. You only go for the physical. Pero basura na sa iyo kapag pangit ang isang tao."
"Ganoon ba akong klaseng tao sa iyo? Ginawa ko ba iyon sa iyo?"
"Yes. Di ba sinabi mo ngang pangit ako?"
Nanlaki ang mata nito. Na parang di makapaniwala sa naririnig sa kanya. "Bakit ko naman sasabihing pangit ka? Kailan nangyari iyan?"
"Noong high school tayo, gusto mo sa babae mahaba ang buhok. Gusto na kita noon pa. Kaya na nang sabihin mo na bagay sa akin na mahaba ang buhok ko, hindi ko na pinaputulan. Nang umikli ang buhok ko, nilait mo na ako sa harapan pa ng mga kaibigan mo. Sabi mo iyon ang totoong ako. At pangit nga ako."
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa kanya ang mga salitang binitiwan nito. It was painful as if it was only yesterday.
"Narinig mong sinabi kong ikaw ang pangit?" naghahamon nitong tanong.
"HIndi mo mismong binanggit ang pangalan ko pero alam kong ako iyon. Sinabi pa nga ng isa sa barkada mo na kawawa ako dahil nilait-lait mo na ako at wala ka nang balak na yayain ako sa JS Prom."
"You are wrong. Niyaya kita sa JS Prom noon, hindi ba?"
"Maybe just to make fun of me. Para paasahin ako tulad ngayon. Sasabihin mong mahal mo ako pero pinapaikot mo lang ako."
Hinawakan nito sa magkabilang balikat at direkta siyang tiningnan sa mata. "No. Sinabi nilang kawawa ka dahil nasira ang buhok mo. Pero wala akong sinabi na pangit ka. Si Belle ang tinutukoy ko."
"Bakit mo naman nasabing pangit si Belle?"
"Kagagawan niya ang pagkakadikit ng bubblegum sa buhok mo. Inamin iyon ng mga lalaking inutusan niya."
She was shocked. "Bakit naman niya gagawin iyon? She's so beautiful."
"She wants to be the prettiest. Na-threaten siya nang malaman ninyang ako mismo ang nag-nominate sa iyo para lumaban sa Miss JS Prom."
"Wala naman siyang dapat ika-insecure sa akin."
"Nicola, you are a wonderful person. Nagustuhan kita kahit na di ka namamansin at mukha kang masungit. Nakita ko kung paano ka mag-alala sa mga kaklase natin. Kung paano mo sila alalayan kapag may problema sila. And you didn't ask anything in return. That's the Nicola that I know. HIndi iyong laging nagsusuplada. Liligawan sana kita noon pa kung di ka lang mailap."
"Pero naging girlfriend mo si Belle."
"Yes. Siguro na-attract ako dahil matalino siya. As if we have the same wavelength. And yes, she's very pretty at boto sa kanya ang mga magulang ko. Unfortunately, she's a spoiled brat. Anak siya ng mayor kaya nakukuha niya anumang gustuhin niya. Wala siyang pakialam kahit makasagasa siya ng ibang tao. Matapos kong malaman ang ginawa niya sa iyo, nakipag-break ako sa kanya."
Nakadama siya ng guilt. Hinusgahan agad niya si Crawford. "Sinabi ko ng ayoko sa iyo dahil galit na galit ako. Akala ko katulad ka ng iniisip ko."
"Nasaktan ako doon. Hindi ko tuloy alam kung bakit ayaw mo sa akin. Then I told myself that I would try to be a better person. Para nagkita tayo ulit, baka magustuhan mo na ako. Pero di ka uma-attend ng mga reunion natin."
"Kasi ayokong makita ka. Gusto kong labanan ang nararamdaman ko. Baka manghina lang ako kapag nakita kita. Iyon din ang nangyari nang magkita tayo sa supermarket. I was too eager to prove to my self that I am immune to your charm." Hinaplos niya ang pisngi nito. "I am sorry kung sinampal kita. Nagkaroon tuloy ng eskandalo dahil sa ginawa ko."
He pulled her waist. "I didn't mind. Kahit pa sa siguro ano pang klaseng eskandalo ang gawin mo. I brought us closer together. At wala ka nang nagawa para iwasan pa ako. How ironic. You thought that one action could protect you but it only make things worse… or better."
Pinaglaruan niya ang butones ng polo nito. "Crawford, mahal mo pa ba ako kahit na masasakit ang salitang sinabi ko sa iyo?"
"With all the planning and trouble I put through just to bring you here, I really, really love you. At hindi naman kita masisisi kung bakit galit ka sa akin. Di madali sa iyo ang magtiwala sa mga lalaki. Maaring paghinalaan mo pa rin ako nang maganda minsan. But I want you to know that I will only do certain things because I love you. And I won't do anything to hurt you."
Nang gabing iyon, nakahimlay siya sa balikat nito habang naghihintay ng falling star. "Kung may shooting star na babagsak, ano ang wish mo?"
"What every normal guy would wish for. Na sana pakasalan mo na ako at magkaroon tayo ng isang batalyong mga anak and we'd be happy together."
"May wish din ako. Ayoko yata ng isang batalyong anak. Tatanda agad ako."
"Sa iyo na lang ako magwi-wish."
Tiningala niya ito. "Anong wish mo?"
"I want one kiss from you."
"I would love to grant that one." She pulled his nape so that their lips would meet. And she suddenly wished that she'd have that kiss forever.