"NICOLA, magpahinga muna tayo!" wika ni Crawford. Tanghali na kasi noon at umaga pa sila namamasyal sa riding club nang naka-horse back. Pangalawang araw niya iyon sa riding club. Dahil di sanay sa pagsakay sa kabayo, umangkas na lang siya sa kabayo nito.
"Ha? Magpapahinga agad tayo?" usal niya. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa Lakeside Café kung saan sila magla-lunch.
Ang totoo ay nag-enjoy siya sa horseback riding nila. Silang dalawa lang ni Crawford sa kabayo. Their bodies were almost touching for some time now. And with his arms around her, she felt protected. Parang masarap na lang sumandal sa katawan nito, ipikit ang mga mata at mangarap.
"Magpapahinga agad? It is past twelve. Mag-lunch naman tayo. Saka kanina pa pagod si Crimson Dust." Si Crimson Dust ang gelding nito na red chestnut ang kulay.
"Akala ko kasi maaga pa. Di pa kasi ako gutom."
Nauna itong bumaba ng kabayo. "Kaninang umaga, ni hindi kita mapasakay sa kabayo. Ngayon naman ayaw mo nang bumaba." Inabot nito ang kamay sa kanya. "Come! Ayokong magutom ka."
Tiningnan niya ang lupang babagsakan niya. "T-Tatalon lang ako basta?" nanginginig niyang tanong. "B-Baka mabasag ang mukha ko at…"
"No problem!" He held her by the waist. Saka siya nito binuhat pababa. She was astonished by his sheer power. Samantalang mas mabigat pa yata siya sa isang kabang bigat. Pero parang daig pa niya ang bulak sa gaan.
Then his body slowly brushed against her. The contact was astounding. Nahigit niya ang hininga. She didn't know if it was deliberate. Pero nang ibaba siya nito, nanatili pa rin nitong hawak ang baywang niya habang nakatitig sa kanya. He was giving her the look that made her want to melt.
Nanuyo ang lalamunan niya at binasa ng dila niya ang labi niya. "C-Crawford…"
Hinaplos nito ang buhok niya. "Yes?" At inilapit pa ang mukha sa kanya. In a just a breath, two things could happen. Kung di siya nito hahalikan, hihimatayin siya.
No. She couldn't give in. naroon siya para magbakasyon. Romance was out of the question. Di niya maaring hayaan ang sarili na manghina dahil kay Crawford. HIndi siya maaring magpaapekto dito.
"G-Gutom na ako," wika na lang niya.
Kusa nitong binitiwan ang baywang niya subalit hinawakan naman ang kamay niya. "Yeah! Me too."
Kinilabutan siya. Parang kakaiba kasi ang pagkakasabi nito. As if he wasn't hungry for food. As if he was hungry for her instead. And she was not ready to appease his hunger. She would leave the riding club with her honor intact. Hinding-hindi na siya mai-in love pa ulit dito.
ALAS ONSE na nang gabi pero di pa rin makatulog si Nicola. Pabiling-biling lang siya sa higaan at hindi makatulog. Sino ba ang makakatulog kung katabi lang ng kuwarto niya ang kuwarto ni Crawford? Pangatlong gabi na niya iyon sa riding club. Sa unang dalawang gabi, bumabagsak agad siya sa sobrang pagod. Sa palagay niya ay bumabawi pa ang katawan niya sa pagod. Bukod pa sa nanakit ang katawan niya sa paglalakad nang unang araw at pagsakay sa kabayo ng pangalawang araw. Nang araw kasi na iyon, pinanood lang niya si Crawford sa pagpa-practice nito ng polo. May informal match kasi ito kasama ang mga kaibigan kinabukasan.
"Parang nasasanay na akong kasama siya. As if I am anticipating spending each day with him. I don't think this is right. Kahit na sabihin pa niyang gusto niya ako at gusto niyang mapalapit sa akin, di ko pwedeng paasahin ang sarili ko tulad nang dati. I might be in love with him…" She sighed, as if admitting defeat that her love for him would be a hopeless one. "Pansamantala ko lang siyang makakasama."
Di pa rin niya alam kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ni Crawford. Sweet na sweet ito sa kanya sa harap ng ibang tao. Hinahawakan nito ang kamay niya at tinititigan siya na parang girlfriend na siya nito. Pero mas doble ito sa pagka-sweet kapag silang dalawa lang. She didn't know how to handle him at all.
Remembering those eyes that wanted to melt her, her mouth suddenly felt so dry. Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig nang mapansin niya na bukas pa ang mga lantern sa porch. Nakalimutan marahil ni Crawford na isara pero naging pang-akit iyon sa kanya. "Doon na lang siguro ako magpapaantok." The idea of the lapping waves of the lake was appealing.
Pagdating sa porch ay natagpuan niya si Crawford na nakatayo sa porch at nakatingala. She had never seen him in such a serene state. Parang lahat kasi ng kilos nito ay may importanteng purpose. Kahit sa riding club ay busy ito.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" untag niya dito.
Nilingon siya nito. "I should be the one asking that."
I am thinking about you. "Di ako makatulog kaya kumuha ako ng tubig. Gusto mo ba na ikuha din kita."
"Hindi na kailangan," anito at tumingala ulit.
Nilapitan niya ito at tumingala din. "Ano naman ang tinitingnan mo diyan?"
"Nag-aabang ng shooting star. Magwi-wish."
Di niya mapigilan ang sariling tumawa. "Sa tanda mong iyan?"
Sinulyapan siya nito. "Don't tell me that you didn't try it as a kid?"
"I did. Until I realized that it wasn't real. And I think you are too old for this, Crawford. Dapat alam mo nang hindi magkakatotoo iyan." Mas insensible pa pala ito sa kanya. Kahit nga ang ibang bata ay di naniniwala sa pagwi-wish sa shooting star.
He gave her a silly, innocent smile. Na parang wala itong pakialam sa pangangantiyaw niya. "First time ko itong gagawin."
He pulled her infront of him. Saka siya nito niyakap mula sa likuran niya. "I never cared about wishes before, Nicola. Mula pagkabata, alam ko na makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Parang may red carpet nang nakalagay sa bawat dadaanan ko. But now, I just want to act like a kid and wish."
"Ano bang wish mo?" tanong niya at isinandig ang ulo sa dibdib nito. It was tempting to stay with him that way.
Inilapit nito ang labi sa tainga niya. "I wish you'd stay with me forever."
Nagulat siya at tiningala ito. His eyes were intent on hers. It wasn't a little boy's wishing. Crawford is a grown man wishing to spend forever with her. While here she was, evading the word forever.
Kumawala siya sa pagkakayakap nito at hinarap ito. "Why forever?"
"Simply because I want to spend the rest of my life with you. I think I am in love with you, Nicola."