"CARLO, dahan-dahan naman ang pagsusuklay mo sa buhok ko," bilin ni Nicola. Breaktime nila sa klase kaya naman ginugol nila ang freetime sa pagpapaganda.
Nakatikim siya ng sabunot dito at napatili siya. "Gaga! I am Carla! Carla! Kalimutan mo na ang lahat huwag lang ang katotohanan na isa akong diyosa ng kagandahan. Kakalbuhin kita oras na makalimutan mo iyan."
Mabilis niyang inipon ang buhok niya sa takot na totohanjn nito ang banta. "Huwag naman. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang buhok ko."
"Your fault," nakataas ang kilay nitong sabi. "Tinawag mo kasi akong Carlo. Nanay ko lang naman ang may gustong tawagin akong Carlo. Pero si Mommy, go na go siya sa pagiging diyosa ko."
Bading ang 'Mommy' ni Carlo at may-ari ng malaking parlor sa bayan nila. Minsan lang umiral ang pagiging lalaki nito. Nang ma-in love sa nanay ni Carlo. Pero di tinangka ng nanay ni Carlo na baguhin ang asawa. Subalit di yata matanggap ng nanay ni Carlo na ganoon din ang nangyari sa bunso nitong anak na lalaki.
"Oo na. Carla na kung Carla. Just don't ruin my hair." Ngayon pa lang niya naisip ang tungkol sa pagpapaganda at ayaw niyang pumangit rin siya sa huli.
"Nag-promise naman ako sa iyo na pagagandahin kita, hindi ba? Trust me. Gagawin kitang pangalawa sa pinakamagandang diyosa sa akin."
Nakangiti lang siya at hinayaan itong suklayan siya. Dati kasi ay inis na inis siya kapag gusto nitong sayaran ng suklay ang buhok niya. Habang inaayusan siya ay binibigyan siya ng tips ni Carlo kung paano lalong pagagandahin ang buhok.
"Hi, classmates!" bati ni Crawford. "Ito nga pala ang result ng quiz kanina." Ito ang nag-report sa Math class nila kanina.
"Wow! Perfect ang score ko," wika ni Carlo. "Ang galing-galing mo kasing mag-report. Tapos guwapo ka pa. Nakaka-inspire tuloy."
Subalit nawalan siya ng ganang ma-inspire nang makita ang score niya. Zero. Wala siyang tumama kahit na isang sagot. "May problema ba, Nicola? May hindi ka ba naintindihan sa report ko?" tanong ni Crawford.
Umiling siya at di ito matingnan nang diretso. Kung tutuusin nga ay wala siyang mukhang maiharap dito. "Sorry, Crawford. Naintindihan ko naman ang explanation mo. Pero noong quiz na, nablangko na lang ang utak ko. Siguro kasi hindi naman talaga ako magaling sa Math."
Nakakahiya talaga. Kung bakit palpak siya sa quiz niya at si Crawford pa mismo ang reporter at nag-check ng quiz. Baka isipin nito na wala siyang utak. Kung bakit naman kasi lumilipad ang utak niya kapag nakikita niya ito.
Nagulat siya nang hatakin nito ang kamay niya. "Halika. Tuturuan kita."
"Ha? Hindi na siguro kailangan." Baka lalo lang lilipad ang utak niya kapag one on one pa ang ginawa nitong lesson. Baka himatayin siya sa kaba.
Lalo lang nitong hinigpitan ang paghila sa kamay niya. "Sige na. Sumama ka na sa akin. Pwede ka pang bumawi bukas dahil isasama daw ni Ma'am Cruz ang report ko sa long quiz bukas."
"Sige na. Huwag ka nang magpakiyeme," pagtataboy sa kanya ni Carlo. Tumayo ito sa kinauupuan. "Mabuti pa, dito ka lang, Crawford. Magturuan kayo ng friend ko. Malaki ang problema niyan dahil laging tulala."
Pinanlakihan niya ng mata ang papaalis na si Carlo subalit nag-flying kiss lang ito sa kanya at pakembot-kembot na naglakad palayo. "Anong problema mo? Baka sakaling makatulong ako."
Ang problema niya ay ang atribida niyang kaibigan na magaling mang-corner. Paano kung mahalata ni Crawford na crush niya ito? Mas lalong lagot siya.
"Wala. I-explain mo na lang sa akin kung ano ang lesson kanina."
Matiyaga itong nag-explain sa kanya. Tumatango-tango siya subalit di nito alam na isang malaking giyera ang nagaganap sa dibdib niya. Huwag kang titingin sa kanya. Mag-concentrate ka lang sa lesson, mariin niyang utos sa sarili. Pakinggan mo na lang ang boses niya.
Ganoon nga ang ginawa niya subalit lalo lang siyang nanlumo. Sa halip kasi na makapag-concentrate sa dini-discuss nito ay nagsilbing hypnotic trance ang bawat lumalabas sa bibig nito. Parang inuutusan siyang mag-daydream at pangarapin na lang ito buong araw. Daig pa niya ang may sakit.
Nasapo niya ang noo. "Nahihibang na yata ako," mahina niyang bulong.
"Are you okay?" Crawford asked in a concern voice.
Ibinaba niya ang kamay at naipilig ang ulo. "Yes. I am okay."
"Akala ko hindi mo maintindihan ang explanation ko."
"Hindi. Nakukuha ko na nga siya." Kinuha niya ang papel dito at sinubukang I-solve ang equation. Nakukuha naman niya nang tama pero naiilang siya dahil naramdaman niya ang titig ni Crawford sa kanya. "Bakit?" tnaong niya. "May mali ba sa ginagawa ko?"
Nakangiti itong umiling. His kind eyes were directly looking in her eyes. "Wala. I just want to look at you." Hinawi ng daliri nito ang buhok niya at inipit sa likuran ng tainga niya. "Sana lagi ka na lang ganyan. Ilulugay mo ang buhok mo para makita ng lahat ang totoong ganda mo."
"Crawford, you are weird. Bakit sinasabi mo sa akin iyan? Parang bigla ka na lang naging concern sa ayos ko tapos ginagawan mo pa ako ng pabor."
"Sa buong klase natin, sa iyo lang ako hindi close. Ngayon lang ako nagiging close sa iyo dahil dati mo naman ina-allow na maging close ako sa iyo o kahit na sinong tao. Si Carlo noong kinder mo pa classmate kaya ka-close mo siya. Parang laging may pader na nakaharang sa iyo at sa ibang tao. Di kami makalapit sa iyo."
"Siguro natatakot lang ako na mapalapit sa iba." Ayaw niyang maging masyadong importante ang isang tao sa kanya dahil baka saktan lang siya katulad ng ginawa ng daddy niya sa kanilang mag-ina. "Pero bakit ka nagpe-persist na mapalapit sa akin? Marami ka rin namang kaibigan, hindi ba?"
"Because I want to be your friend as well. I think you are a nice person. And I want to see that beautiful Nicola that you haven't shown to other people yet."
Tipid siyang ngumiti. Ibig palang sabihin ay dati pa siya nito napapansin. Masyado lang siyang mailap sa ibang tao kaya hirap itong I-approach siya. "Susubukan ko na maging kaibigan ka. But I might be hard to deal with sometimes."
"I can handle that. Kita mo nga, nakakangiti ka na ngayon." Bahagyang sinanggi ng daliri nito ang pisngi niya. "You should do that more often. Saka huwag mo nang ipo-pony ang buhok mo. I like you better when it is down."
Tumango na lang siya. "Sige. Iyon ang sabi mo, eh!" Paano pa siya makakatanggi kung ito na mismo ang lumalapit sa kanya at nakikiusap. Basta yata si Crawford ang humiling, hindi niya kayang humindi.
Hangos na lumapit dito ang kaibigang si Burke. "Crawford, kanina ka pa hinahanap ni Belle. Andoon sa labas." Itinuro ni Burke ang isang babae na nasa labas ng classroom at pinapalibutan ng iba pa nilang kaklaseng lalaki. "Dali! Lapitan mo na at baka maagaw pa siya sa iyo ng iba."
Dali-daling tumayo si Crawford. "Sige, Nicola. Ikaw na muna ang bahalang mag-solve. Mamaya na lang natin I-discuss ulit pagbalik ko."
Wala siyang nagawa kundi tanawin na lang ito nang makalabas ng classroom nila at puntahan si Belle. "Ni hindi man lang niya na-check kung tama ako."
"Nasaan na si Crawford?" tanong ni Carlo.
"Umalis. Pinuntahan si Belle," aniya at bumuntong-hininga.
"Ay! Na-dead ma ba ang kagandahan mo?"
Third year student si Belle at kilala bilang pinakamaganda sa buong St. Jerome. Anak ito ng mayor ng bayan nila. At sa batang edad, napaka-promising na nito. Di lang kasi ito basta maganda kundi ubod pa ng talino. Manliliit kahit na sinong babae na dumikit dito. Nagkakandarapa din ang mga lalaki dito at isa na si Crawford sa mga iyon. Bali-balita nga sa school na boyfriend na ni Belle si Crawford.
Nakuha kasi ng binata ang atensiyon ni Belle nang maglaban ang mga ito sa isang quiz bee. Ilang beses na nag-tie ang mga ito sa Social Studies Quiz Bee. Unang beses ni Belle na naranasan na may makapantay sa galing nito sa Social Studies. Mula kasi first year high school ito ay natatalo nito ang mga katunggali mula sa higher level. Kaya namang lumaban ni Crawford at talunin ito subalit sinadya ni Crawford na magpatalo. Katwiran nito ay panlaban na ito sa Math Olympiad. Gusto lang daw nito ng pandagdag sa extra-curricular nito. Naging malapit na ang dalawa sa isa't isa. Mula noon ay wala nang babae para kay Crawford kundi si Belle.
"Well, let's face it. Belle is Belle. Matalino, maganda, maayos ang family background. She and Crawford look good together."
Tinapik nito ang balikat niya. "Aba! Nagsisimula pa lang ang laban. Mukha silang perfect pero may chance pa rin na maghiwalay sila. Sayang naman ang pagpapaganda natin sa hair mo kung wala ka nang chance."
"Ibig sabihin buhok lang ang panlaban ko kay Belle?" Maganda rin naman ang buhok ni Belle at mahaba katulad ng gusto ni Crawford.
"May friend ka na gaya ko. Just follow my ganda tips and you will win Crawford's heart. Marami pang mangyayari. Ikaw lang super serious."
Humilig siya sa balikat ni Carlo. "Thanks for the support." Kahit na down na down siya, lumalakas siya sa suporta ni Carlo.
"Tama na ang drama. Magpaganda na tayo. Let's go!"