Chapter 263 - Chapter 30

JENNA Rose's boutique was buzzing first thing in the morning. Kinubukasan na ang launching ng commercial para sa Stallion Shampoo and Conditioner. Kaya naman santambak na gown ang kailangan niyang tapusin. Isa pang ipinag-aalala niya ay kung paano tatanggapin ng mga fans ang relasyon nila ni JED. He wanted to make everything official and it might affect his career.

"Good luck ulit sa aming dalawa," naibulong na lang niya sa sarili. Nag-ring ang cellphone niya at nakita niyang naka-register ang number ni Fridah Mae. "Hey, Frids! Bakit bigla kang napatawag?"

"Have you seen the newspaper? O kaya nag-open ka na ba ng email mo? May importante kasi akong ipinadala sa iyo."

"I don't have time for those. I am so busy at the moment."

"K-Kasi may mga pictures kayo sa diyaryo at sa internet ni JED." Nagtitili ito. "Nakakainis! Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na?"

"Ha?" bulalas niya. "May ganoong article sa diyaryo at sa Internet?"

"Oo. Lumalabas pa nga na interview sa iyo. You even boasted that JED bought you a mare named Clover. Nasa picture pa nga."

Parang umikot ang paningin niya. "I-I know nothing about it. I didn't grant any interview about us," halos histerikal na niyang sabi.

"Paano nangyari iyon kung hindi ka naman nagpa-interview?"

Hindi siya pwedeng basta-basta mag-grant ng interview at magpakuha ng pictures nang walang permiso ng pamunuan ng riding club specifically Reid Alleje. Tiyak na magagalit ito oras na malaman ang tungkol sa article.

"Excuse me, Ma'am," anang si Riziel sa kanya at hawak ang wireless phone. "Ipinapatawag po kayo ni Sir Reid sa office niya."

"Frids, I will call you later," wika niya at hangos na pumunta sa opisina ni Reid. Kailangan niyang ihanda ang sarili. Malaking gulo ang dala ng pictures na iyon.

Pagdating sa opisina ni Reid ay naroon na sina Eunice at JED. "Do you know anything about this?" tanong ni Reid at ihinagis sa kanya ang printed copy ng pictures at articles mula sa Internet pati na rin ang diyaryo.

Umiling siya. "I know nothing about this."

"Nothing? You granted an interview and you know nothing?" singhal ni Eunice sa kanya. "You really want this, right? You want to ruin JED's career. Napakalakas naman ng loob mo na mag-grant ng interview at ipagkalat na girlfriend ka na niya."

"Eunice, calm down," anang si JED at tinapik ang kamay nito. "Girlfriend ko naman talaga si Jen. It is her right to tell it to everyone."

"But she can't do it without my permission. Sa riding club mismo ginawa ang interview. Hindi bale sana kung sa labas," mariing wika ni Reid at tumingin sa kanya. "The reason why most people come here is because they value their privacy. That's why reporters are strictly off limits here."

"I know that, Reid," mariing sabi niya. "I know the rules here by heart. At bakit ko naman kailangang magpa-interview nang walang permiso? I am not promoting anything and I won't gain anything from it."

"You are just the same girl you were. You were so eager to get near JED. And now that you got him hooked, you want to tell everyone about it. Ni wala kang pakialam kung ano ang impact nito sa career ni JED," bintang pa rin ni Eunice.

"Eunice, Jen doesn't have to do that. After all, plano ko nang ipaalam sa launching ng commercial bukas ang tungkol sa amin," paliwanag ni JED.

Namutla si Eunice. "You will tell everyone about the two of you?"

"Yes. And it is my idea. I really don't mind if Jen did this interview. Nasabi ko na ito dati. I am proud to have her as my girlfriend."

"But just the same. I won't do anything to jeopardize the riding club. Nirerespeto ko ang privacy ng mga tao dito," depensa naman niya. "Nagtataka lang ako kung paanong lumabas ang interview na ito. Samantalang huling beses na nakakausap ko reporter ay noong fashion show ko pa. That was months ago. At isang malaking insulto sa akin na pagbintangang lumalabag sa rules."

"The shot looks stolen as well," obserbasyon ni JED. "Kung interview nga ito, dapat may mas malapit na shot. Not like this."

"Sino ang nagpapasok ng photographer nang walang permiso ko?" tanong ni JED at isa-isang iginala ang tingin sa kanila.

"Who granted a visitor's pass the other day?" naghahamon niyang tanong. Iyon kasi ang araw kinunan ang mga pictures nila ni JED.

"I did," ako ni JED. "Nagpunta dito si Eunice kasama ang nag-deliver ng mga furniture para sa villa ko."

Nag-beep ang laptop ni Reid at binuksan nito ang message. "Nasa akin na ang listahan ng anim na tauhan ng furniture shop. At dalawa sa mga nakalista dito ay wala sa official list ng empleyado ng furniture shop. And according to our files at the surveillance camera, they are photographers from the newspaper."

"Ha?" bulalas ni Eunice. "Paano nangyari iyon?"

"Why don't you enlighten us yourself, Miss Ferona?" pormal na tanong ni Reid. Subalit nasa mata na nito ang matinding galit. Malaking insulto rin kasi para dito na nasalisihan ng media ang teritoryo nito. "Kasama ka nilang pumasok dito sa riding club. O gusto mong sila pa mismo ang paaminin ko?"

Bumakas ang gulat sa mukha ni JED. Kahit siya ay nagulat. Alam kasi niya kung gaano katindi ang loyalty ni Eunice kay JED.

"Is it true, Eunice? Ikaw ba talaga ang nagpakuha ng mga pictures?" tanong ni JED na hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala.

"JED, I will never do that," kaila ni Eunice.

"Hindi mo ba talaga magagawa iyon?" tanong niya. "Katulad nang hindi mo rin kami nagawang ipakulong ni Fridah Mae dati."

"Ipinakulong niya kayo?" gulat na bulalas ni JED.

Related Books

Popular novel hashtag