Chapter 258 - Chapter 25

"Arnette, are you sure that I am still needed here?" Jenna Rose couldn't help asking with a strain of irritation and impatience in her voice. Malapit nang matapos ang shooting pero hindi pa rin siya lumalabas sa eksena. Ni hindi niya alam kung para pa saan ang presensiya niya doon. Wala naman yata siyang gagawin.

"Of course, sister!" maarteng sabi nito. "Be patient. Malapit ka na."

"Baka naman hindi ganoon kaimportante ang eksena ko," aniya at huminga nang malalim. Nagmumukha lang kasi siyang tanga sa dressing room. Habang naisalang na lahat ng nasa eksena pati mga extra, siya ay nakatunganga pa rin at naghihintay ng gagawin.

Ang swerte naman ng model na originally may hawak ng project na ito. Hindi niya kailangang danasin ang kahihiyan ko.

She hated being idle. Kung alam lang niya na wala naman siyang masyadong gagawing eksena, sana ay ipinilit na lang niya na sa iba mapunta ang eksena na iyon. Kaso ay si Romanov at Neiji mismo ang namilit sa kanya. Hindi naman niya pinangarap na ma-extra lang sa isang commercial.

Lumapit sa kanya ang make up artist. "Miss Jen, ire-retouch na natin ang make up mo. Ikaw na kasi ang susunod na eksena."

"Anong gagawin ko?" tanong niya sa isa sa mga production assistant na siyang may hawak ng script. "Wala kasi akong instruction maliban sa tatayo lang ako at ngingiti."

"Iyon pa rin po ang gagawin ninyo, Miss Jen. Tatayo lang po kayo at ngingiti. At hindi kayo pwedeng umalis sa pwesto ninyo kahit anong mangyari."

Tumaas ang kilay niya. "Kahit na sabugan na ako ng Taal Volcano?"

Isang alanganing ngiti lang ang ibinigay ng PA sa kanya at nagpaalam na. Tatawagin na lang daw siya kapag ready na ang eksena.

"Miss Jen, huwag kang sumimangot. Sayang ang kagandahan mo. Baka magka-wrinkles ka at makita pa sa camera," anang make up artist.

"Ugh! Minsan lang ako masasali sa commercial, tatayo at ngingiti lang daw ako. Tatayo at ngingiti. Hindi kaya mabaliw na ako pagkatapos." Naitapik niya ang paa sa sahig. "Hindi na talaga ako papayag na gumawa ng commercial kung sakali."

"Eh, di pagbutihan na lang ninyo ang pagngiti at pagtayo ninyo, Miss Jen. Kahit na ano pang eksena, dapat performance level pa rin."

"You are right. Nakakahiya naman kung iyon na nga lang ang eksena ko, makakailang take pa sila sa akin." Matapos ang pagre-retouch sa kanya ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Inilugay ang mahaba niyang buhok katulad ng ibang babae sa commercial. And she was wearing a red gown. Bumagay iyon sa tsinita niyang mga mata. She was perfect. Almost. Di pa rin siya sigurado kung kaya nga niyang gawin nang maayos ang pag-e-extra. "Well, good luck na lang sa akin."

Binigyan siya ang instruction at tips ni Romanov para maging natural siya sa eksena. Wala naman siyang gagawin kundi ang ngumiti at tumayo habang nakatingin sa harapan niya. It means that it was at the dance floor full of couples dancing while The Switch serenade them on stage.

Great! Isa akong dakilang extra. Sa uulitin, di ko na ulit ito gagawin kahit pa manikluhod sila sa akin. Wala naman akong kinabukasan dito.

Di tuloy niya maiwasang ngumiti sa mga babaeng may ka-partner sa dance floor. Sana ay isa na lang siya sa mga iyon. Tumigil sa pagsasayaw ang lahat nang bumaba sa stage si JED. Nahawi ang lahat ng nasa dance floor at natigilan siya nang siya na lang ang naiwan sa bandang likuran.

Nagtatlong beses ang bilis ng puso niya nang nakatuon ang mga mata nito sa kanya habang naglalakad. May hawak itong rose sa kamay. At nang mga oras na iyon, parang sila lang dalawa ang tao sa lugar na iyon. Sa kanilang dalawa na nakatutok ang camera. At ang lahat ng taong naroon ay sa kanila rin nakatingin.

Uh oh! Anong nangyayari dito? May parte ba ng script na hindi naipaliwanag sa akin? Malapit na siya sa akin. Anong gagawin ko? Kapag naman nag-take two pa, baka mapagalitan ako. Simpleng instruction na nga lang, hindi ko pa magawa.

Kaya gaya ng inutos sa kanya ay nakangiti lang siya at nanatiling nakatayo habang kumakanta si JED. And he was looking at her and singing for her as if she was the most beautiful girl on earth.

"'Coz you are the girl who makes my dream come true."

Nanginginig na ang tuhod niya. Subalit lakas-loob lang niyang sinalubong ang tingin nito habang nakangiti. Be natural. Challenge ito. Pretend as if he fell in love with you. Isipin mo na ganoon ka rin sa kanya, paalala niya sa sarili.

Nang iabot nito sa kanya ang rose ay atubili niyang tinanggap iyon. Smile! Smile ka lang.

"And I wish to make you mine," kanta nito habang dahan-dahang lumapit ang mukha sa kanya.

Nag-panic si Jenna Rose subalit nananatiling nakangiti. Another part of her wanted to run away. Subalit nanatili siyang nakatayo. Professional ako! Professional ako! Sabi nila tatayo lang daw ako dito at ngingiti.

Pero di lang talaga kayang gumalaw ng katawan niya. She was frozen. Di niya alam ang gagawin hanggang tuluyan nang lumapat ang labi nito sa labi niya. It was such a passionate kiss. Wala na siyang pakialam kung hindi iyon nasabing kasama sa script. At that moment, she was grateful that she was the substitute for that project.

Parang hindi yata niya kakayanin kung ibang babae ang gagawa ng eksenang iyon para kay JED.

Her ears roared. Naglaho na ang lahat ng nakapaligid sa kanila. Naglaho pati ang camera. For her, they were alone in the world. All she cared about was that moment with him. Pretend that he loved her for a moment.

"Cut!" narinig niyang sigaw ni Romanov.

Nagulat pa sya nang marinig ang sigaw. Kasunod niyon ay ang palakpakan. She opened her eyes and saw the crowd cheering. Nang lingunin siya ni JED ay nakangiti ito lalo na nang marinig nila si Romanov na sabihing nice take. It was the last part of the commercial and everyone was celebrating.

"JED… I…" Di niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. They kissed. A very passionate kiss. Isang halik na di pa niya nagagawa buong buhay niya. Sa kay JED pa iyon nangyari para sa isang commercial. Parang sasabog na ang utak niya.

Niyakap siya nito. "I love you," bulong nito.