DI MAIWASANG sumimangot ni Jenna Rose habang pinagmamasdan ang blangko niyang drawing pad. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiisip na design para sa gown na gagamitin sa commercial. Kailangan niya ng dalawampung design maliban pa sa special gown na gagamitin nina Winry at Marist.
"It is almost time for my vacation." Kada tatlong buwan kasi ay lumalabas siya ng bansa para makapag-relax. Pero wala siyang oras para magbakasyon sa dami ng trabaho. "Kung di ko lang naiisip si JED, di ako magkakaganito."
Mag-iisang linggo na mula nang matapos ang meeting. Na-pressure lang siya na makakasama niya ito sa trabaho. Ayaw na tuloy gumana ng utak niya. Wala siyang pinagkaiba noong teenager pa siya.
"Saan ka pupunta, Ma'am?' tanong ni Riziel.
"Sa falls. Kayo na muna ang bahala dito." Baka sakaling makapag-relax siya. Wala kasing tao sa forest trail nang bandang hapon. "Bakit ko pa ba iniisip ang JED na iyon? Siguro lahat ng babae pinupuri niya. Di ako papaapekto sa pambobola niya. Alam ko na kung ano ang totoong kulay niya."
Tuloy-tuloy siya gilid ng falls. Ibababad sana niya ang paa niya sa tubig nang marinig niya ang strum ng gitara. "You really look like a fairy."
Nagulat siya dahil akala niya ay walang tao. Kadalasan kasi ay sakay ng kabayo ng nagpupunta sa Forest Trail. Nakita niya si JED na nakaupo sa isa sa mga nipa cottage sa gilid ng falls. Tumuwid siya nang tayo. "JED!" bulalas niya I am sorry." Hawak nito ang gitara. "HIndi ko alam na may ibang tao."
"It is okay. Nagko-compose ako ng kanta." Inilapag nito ang gitara sa bench na kawayan ng cottage at lumapit sa kanya. "Nakakapag-relax kasi ako dito. At na-preserve ang natural environment. Nag-iisip ka rin ba ng design?"
"Oo sana." Pero kung naroon ito, tiyak na malayo sa relaxation ang iisipin niya. Natutuliro na ang utak niya.
Binalikan nito ang gitara at naglakad palayo. "Then I'd better leave."
Inunahan niya itong maglakad. "HIndi. Ikaw na lang dito. Ako na ang aalis." Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang malagpasan ito. Pupunta na lang ako sa Hawaii o kaya sa Bali. Doon ako magbabakasyon. Dahil kahit saan yata ako pumunta dito sa riding club, naiisip at nakikita ko siya.
"Jen, wait!"
Hinatak nito ang kamay niya at kinabig siya palapit sa katawan nito. Then he held her head against his chest. She was shaken to the core. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa iyon. Subalit napakalakas ng kaba niya. Umuugong na ang tainga niya sa sobrang lakas. It was louder than the roar of the waterfalls.
Sinubukan niyang iangat ang ulo at ilayo ang katawan dito. "JED, I…"
Lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "I am sorry. I have to do this. Ito lang ang naiisip kong paraan para makinig ka sa akin."
"Wala naman tayong kailangang pag-usapan…"
"Shhh… huwag ka munang magsalita." He gently touched her hair. As if he was trying to comfort her. "Makinig ka lang sa akin. I don't want to argue with you. Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa iyo. Call me stupid but I don't know why you hate me."
Mariin siyang pumikit."Paano mo nasabi na hindi ka nakasakit sa ginawa mo?"
"Then tell me about it."
Pinili niyang ipinid na lang ang bibig. She preferred to be in his arms. Ayaw na niyang ungkatin pa ang nakaraan. She was satisfied to stay that way. Ang isipin na hindi siya nito sinaktan kahit sandali lang.
"I am sorry if I hurt you. Kung anuman ang ginawa ko, tandaan mo na hindi ko intensiyon na saktan ka. I will never hurt you, Jen. Please forgive me."
Bahagya siyang lumayo dito. Pinagmasdan niya ito. His eyes were full of sorrow. As if he was sincere in apologizing. "Sana nga totoong di mo ako intensiyon na saktan ako. At hindi ko alam kung dapat nga kitang patawarin. I don't have to tell you about it. Mas mabuti pang ikaw mismo ang maka-recognize ng sarili mong pagkakamali saka ka mag-sorry sa akin." She tentatively walked backwards. "Aalis na ako. Goodluck sa kantang kino-compose mo."
"Will you keep on treating me coldly? Iiwasan mo pa rin ba ako kahit na magkakatrabaho tayong dalawa?" tanong nito.
"I am a professional, JED. Don't worry, I will try to treat you more nicely next time." Kahit pa nga lagi na lang may naghahabulang daga sa didbib niya tuwing nagkakausap silang dalawa.
"You are the nicest person I know. That's the Jenna I know. That's my fairy," narinig niyang sabi nito habang naglalakad siya palayo.
"Fairy?" usal niya sa sarili. "He called me fairy again." Hinaplos niya ang pisngi. "Kasing ganda ba talaga ako ng fairy?" Natigilan siya nang maramdaman na kinikilig siya. Napasimangot siya at sinipa ang nadaanang bato. "Malakas ang loob niyang tawagin akong fairy pero di naman niya alam kung bakit ako nagagalit sa kanya. Paano kung ipamukha ko kaya sa kanya ang ginawa niya sa akin dati?"
Paano kung yakapin ulit siya nito habang nagso-sorry? Baka sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang matunaw ang galit niya dito.
Humalukipkip siya. "Sa susunod, hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataon na magpa-cute sa akin. Hindi na rin niya ako makukuha sa payakap-yakap niya. Kung gusto niyang patawarin ko siya…" Namula siya nang maisip ang ideya na hahalikan siya nito para mapatawad niya. "No way! Hanggang yakap na lang siya."
Kung sa yakap nga lang ay nagulo na ang sistema niya. Lalo na siguro kapag hinalikan siya nito. "Baka mahalin ko lang siya ulit."