Chapter 221 - Chapter 20

"ILLYZE! ILLYZE, wake up!"

Naalimpungatan siya sa boses ng kapatid niya. Subalit sa halip na gumising at sundin ang utos nito ay lalo pa niyang ibinaon ang sarili sa mattress. "Go away, Kuya! Can't you see that I am sleeping?"

"I said wake up!" Niyugyog siya nito sa balikat. "Tell me what that vampire did to you. Inubos ba niya ang dugo mo? Tell me!"

Bahagya siyang dumilat dahil di niya maintindihan ang sinasabi nito. "Ha? Ano bang bampira ang sinasabi mo?"

"That Romanov Cuerido. It's just the two of you in this secluded cabin. Tapos umulan pa at di kayo nakabalik agad sa clubhouse."

Bumangon siya. Unti-unti na kasing bumalik sa kanya ang mga pangyayari. Nasa Mountain Lodge pala siya at kasalukuyang nasa isa sa mga guestroom. Doon sila nagpalipas ng ulan ni Romanov. "Si Romanov? Where is he?"

"He is calmly having tea with Eiji and Reichen while I am fretting here!"

Di na niya pinansin pa ang pagsisintir ng kapatid niya at tumakbo sa sala. Baka mamaya ay ano na ang ginawa ng kapatid niya kay Romanov. Subalit nagku-kwentuhan lang ang tatlo habang nagtsa-tsaa. "Nandito rin kayo?" bulalas niya.

Kinawayan siya ni Eiji. "Gising ka na pala. Kinaladkad kami dito ng Kuya Rolf mo. Nag-panic siya nang di kayo ma-contact sa communicator."

"Mukhang naapektuhan nang sunud-sunod na kidlat ang system," dagdag ni Reichen. "Mukha namang okay ka na, Illyze. OA lang itong kuya mo."

"Hindi ako OA. She's my only sister. Kahit sino pang lalaki na di ko lubusang kilala ang kasama niya at ganito ang panahon, mag-aalala ako."

" I am fine, Kuya! Romanov took care of me."

"Wala akong ginawang masama sa kanya," anang si Romanov sa kalmadong boses. "Binantayan ko lang siya nang nakatulog siya. I didn't take advantage of her."

Ilang sandaling natahimik ang Kuya Rolf niya. Pagkuwan ay kinamayan si Romanov. "Thank you. Alam mo naman siguro na takot siya sa kulog at kidlat. I just want to make sure that she is okay."

"Illyze knows the trick now. Hindi na siya matatakot sa susunod." Tumingin si Romanov sa labas ng bintana. "The rain has stopped. We can go now."

Nang pauwi ay si Romanov na ang kakwentuhan nina Eiji at Reichen. "Pare, marunong ka bang maglaro ng polo? May tournament kasi kami dito every month," tanong ni Eiji dito.

Umiling si Romanov. "Ngayon pa lang ako nagpa-practice sa riding. Dapat magaling ang rider. Saka wala akong polo pony."

"Marami naman dito sa club. Walang problema," anang si Eiji. "Tuturuan na lang kita. Sasali ka sa team ko, ha?"

"Mukhang nakuha na ng dalawa ang loob ni Romanov, ah!" bulong ni Rolf.

"I think he is starting to come out of his shell."

"THIS sucks! Umuulan pa rin hanggang ngayon."

Nanlulumong pinagmasdan ni Illyze ang pagpatak ng ulan mula sa siwang ng bintana ng attic. Hindi na kasi natuloy ang horseback riding nila ni Romanov. Kaya nagkasya na lang siya sa pagha-handpaint sa Japanese inspired gown na gawa ni Jenna Rose. She get the plain white one. Naisip kasi niyang pintahan iyon.

Habang si Romanov naman ay niyaya ng Kuya Rolf niya at ng mga kaibigan nito sa covered arena para turuan ng paglalaro ng polo. Para daw di siya pagsawaan ni Romanov dahil lagi na lang silang magkasama. At di rin siya pwedeng sumama dahil lakad lang iyon ng mga lalaki.

"Kailan kaya ako makakalabas para ako naman ang kasama ni Romanov? Baka mamaya mas gusto pa niyang maglaro ng polo kaysa kasama ako. That would be fine. Kaso baka kung sinu-sino pang lumapit na babae sa kanya."

Pinagsabay niya ang pagsisintimyento at pagpipinta nang mag-ring ang doorbell. Dali-dali siyang bumaba. Nang silipin niya ay si Romanov ang nandoon.

Binuksan agad niya ang gate. "Hey, what are you doing here? Hindi ba dapat kasama ka pang nagpa-practice ng polo nila Kuya?"

"It is almost lunchtime. Nag-decide akong puntahan ka dahil wala kang kasama na magla-lunch. And don't worry. Nagdala ako ng lunch natin."

"Wala pala tayong binalot ngayon," sabi niya nang makita ang tatak ng Rider's Verandah sa paper bag.

"Next time maybe. Sabi ng kuya mo nagpe-paint ka daw," wika nito nang nagsisimula na silang kumain. "I never thought you could paint."