"BAKIT namumugto ang mata mo?" tanong ni Romanov kay Illyze at hinaplos ang ilalim ng mata niya. "Siguro iniyakan mo ang binalot na ginawa mo dahil hindi mo na naman na-perfect ang pagbabalot. Isang linggo mo nang ginagawa iyon, ah!"
Mahigit isang linggo na silang laging magkasama ni Romanov kapag nagho-horseback riding. At gaya ng dati ay sa Mountain Trail ang destinasyon nila. Siya na ang laging naghahanda ng lunch nila na laging binalot. Masarap naman ang luto niya. Hindi lang niya ma-perfect ang pagbabalot sa dahon ng saging.
"Hindi iyan dahil sa binalot. Si Kuya Rolf ang pinagbalot ko kanina. Napuyat ako sa kapapanood ng movie mo. Nag-movie marathon ako. Hindi ko alam na magaling ka palang gumawa ng drama film."
Kumunot ang noo nito. "Huh? Nanood ka ng movie na gawa ko?"
"Oo. Iyong tungkol sa lovers na magkalaban ang tribe. Nakakaiyak ang scene na pinaghiwalay sila dahil magkaiba sila ng paniniwala."
"Secondary lang naman sa story ang love story. Its more on cultural. Sa huli naman nagkaayos ang dalawang tribe para I-uphold ang grupo nila mula sa mga taong gusto silang pagsamantalahan. Those who wants to destroy their culture and their resources. Symbolism na lang ang lovers."
"Mas mukha siyang love story sa akin. Although marami akong na-appreciate at natutunan sa culture ng ibang tribe. You base it in a certain tribe in Cordillera, right? Nangyari siya sa totoong buhay."
"At hanggang ngayon nangyayari pa rin siya. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang tribes sa buong mundo."
"Kaya ka siguro nakatanggap ng international award. Tungkol nga pala saan ang susunod mong gagawin na film? Siguro pang international film festival ulit iyan."
"Wala na akong planong gumawa ulit."
Nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito ay hindi na siya nagtanong pa. Huminga siya nang malalim. He is a very admirable man. Intelehente at sensitive sa iba't ibang issues. Pero bakit di niya mabuksan ang sarili niya sa iba?
Umihip ang malamig na hangin at dahan-dahang dumilim ang langit. Mainit ang araw nang umalis sila sa main stable. Ni wala pang alas onse ng umaga ay nagbago na agad ang panahon. She didn't like the look of those dark clouds.
Napatingala siya. "Mukhang uulan na, Romanov. Bumalik na tayo sa stable."
She was scared. Naramdaman niya ang unti-unting panginginig ng kanyang kamay. I just wish that it won't be a thunderstorm.
"Sa palagay ko wala na tayong oras. Ni hindi ko napansin iyan kanina dahil nalibang ako. May log cabin dito para sa mga guests. Doon muna tayo."
Sumunod sila dito. Sa mas maliit na trail ang tinahak nila at hinila na lang nila ang mga kabayo. Kung tahimik man siya kaysa normal ay mukhang di napansin ni Romanov. Nasa isip kasi nito ang pagsisilong sa mga kabayo.
Ilang minuto pa ay nasa Mountain Lodge na sila, ang log cabin para sa mga guest na inaabutan ng ulan sa Mountain Trail. It looked like a log cabin usually seen in Utah or Colorado. It also looked cozy. Kaya naman nabawasan ang kaba niya. It was a perfect refuge from the storm.
"Kumpleto ang amenities nila dito. Pati na rin stock ng pagkain," sabi ni Romanov nang ipasok ang electronic card sa slot at bumukas ang gate. "Wala silang caretaker na laging nagbabantay. Iilan lang naman kasi ang mga members na naliligaw dito. They are just informed that someone is using the facility once we use the card. Walang makakagamit ng Mountain Lodge kung hindi member at walang ang electronic card. Protected ang paligid against tresspassers."
"Impressive technology, huh!"
"I will just bring the horses to the stable."
"Gusto mo bang ipag-brew kita ng coffee?"
"Sure," anito at bahagyang ngumiti ang mga mata.
Dali-dali niyang tinungo ang kusina. State of the art ang mga gamit at karamihan ng nasa food cabinet ay mga pagkain na pwedeng I-stock at madaling lutuin. "Dito na lang siguro kami magla-lunch. Iiinit ko na lang ang baon namin."
She had just finished putting the coffee beans at the coffee grinder when she heard the first clash of thunder. Parang napakalapit niyon at siya na ang tatamaan.
Yumukyok siya sa gilid ng kitchen counter habang nakatakip ng palad ang tainga. Sa pangalawang pagdagundong ng kulog ay napasigaw na siya at napaiyak. Pakiramdam niya ay matatapos na ang mundo.