Kinuha ni Illyze ang basket kay Romanov. "I am sorry. I didn't mean to invade your privacy. Hindi ko sinasadya na istorbohin ka. You are right. I can't just barge into someone else's house." Kahit pa nga ang housekeeper ang pinagalitan nito, pakiramdam niya ay kasalanan pa rin niya.
Sinulyapan siya nito. "I am the one who must apologize."
"Huh? Bakit ikaw?" Bago yata iyon. Tingin kasi niya ay wala naman sa bokabularyo nito na mag-sorry. Sabi nga ng Kuya Rolf niya, ang Stallion Riding Club ay kaharian ng mga kalalakihan. Kung sa tingin ng mga ito ay nasa tama ang mga ito lalo na't nai-invade ang privacy ang mga ito, hindi kailangang mag-sorry.
"I was mean and rude. You are just being nice to me. Hindi lang ako sanay nang may ibang tao sa villa ko. It is my sanctuary. I prefer to be alone most of the time. Iyon ang dahilan kaya pinili ko dito sa Stallion Riding Club."
Tumango siya. "I understand. Hindi na kita pipilitin." Ibig bang sabihin ay doon na matatapos ang lahat? Kailangan din niyang irespeto ang gusto nito.
"Thank you sa breakfast na idinala mo kanina. Nagustuhan namin ni Doray ang luto mo."
Nagulat siya. "K-Kinain mo ang luto ko? Nagustuhan mo?"
"Oo. Naubos namin. Nag-aral ka ba sa culinary school?"
Sunud-sunod ang tango niya. "Noong nasa Italy ako. Actually, simple nga lang ang ginawa kong luto sa iyo kanina." But she cooked it for him alone.
"You could rival with the chef of Rider's Verandah."
"No. Magaling si Chef Gino. Hindi ko natapos ang course ko. Hanggang isang semester lang ako." She decided to fly to another country and learn something new. At least napakinabangan niya ang skill na iyon kahit papaano.
"Mukhang para sa dalawang tao ang iniluto mo. Sa susunod, sana ikaw naman ang kasabay kong kumain."
Parang naghahalusinasyon lang siya at natigagal. "G-Gusto mo talaga akong kasamang kumain? Hindi ba mas gusto mo na mag-isa?"
"Oo. Matagal na rin akong kumakain nang walang kasalo. And it was fun. Next time it would be my treat. That is if you still want to eat with me after what I did. Noong nasa Mountain Trail tayo, masama ang mood ko kaya ayokong makipag-kwentuhan. Mukhang masarap kang kakwentuhan."
Gusto niyang magsasayaw sa sobrang saya. Finally! Mukhang lumambot ang puso nito sa kanya. "Gusto mo ipagluto ulit kita?"
"I told you it would be my treat." Tumayo ito. "How about horseback riding the whole day tomorrow? Kung wala kang gagawin."
Date! Date! Date! Niyaya niya akong mag-date!
"Wala akong gagawin. Horseback riding is a lovely idea. Sige. Tomorrow. You can't change your mind."
"Don't worry. I won't. I will meet you at the main stable at seven in the morning. See you tomorrow," anito at nagpaalam na.
Ihinatid niya ito sa gate. "Don't worry. Maaga pa lang, nandoon na ako."
Humarap ito bago lumabas ng gate. "Tanggalin mo na lang ang rose sa basket. Baka malanta kapag nakalimutan mong alisin."
"Rose? May rose sa basket?" Dali-dali niyang binuksan ang basket at isang long stem red rose ang nasa loob. "S-Sa akin ito? Galing sa iyo?"
Tumango ito. "Gusto kong mag-thank you sa ginawa mo para sa akin. Nakalimutan ko lang ibigay agad kanina."
Sabi na nga ba! May pagka-romantic din siya.
"Thanks!" aniya at dinampot ang rosas. Subalit nabitiwan din niya iyon nang matusok ang daliri niya. "Ouch!"
"Anong nangyari?" tanong nito at nilapitan agad siya.
"Natusok ako. D-Dumudugo."
Hangos na lumapit si Rolf. "Illyze, anong nangyari?" Matalim nitong tiningnan si Romanov. "Ikaw, ano na naman ang ginawa mo sa kapatid ko?"
"Wala siyang ginagawang masama, Kuya," depensa niya kay Romanov. "Natinik lang ako. Ayan, o! Dumudugo."
"May sugat ka? Sandali! Kukuha ako ng gamot," anito at tumakbo sa loob.
"I know something that can help," wika ni Romanov.
He took her wounded finger and put it inside his mouth. Nahigit niya ang hininga. The warmth of his mouth was creating crazy little sensation inside her body. She wanted to explode and float on air. An act as simple as her finger inside his mouth was too intimate and sensual.
What if he kisses me? What if we make love? She sighed. I might be dead by then and had gone to heaven. At kung bampira lang siya, okay lang na ubusin niya ang lahat ng dugo ko. Diyos ko! Titiklop na yata ang tuhod ko!
Napapitlag siya nang may bumagsak sa sahig. Nang lumingon siya ay nakakalat na sa sahig ang first aid kit. "Anong ginagawa mo sa kapatid ko?"
Hinarap niya si Rolf at mabilis na hinarangan si Romanov. "Kuya, it is not what you think. Romanov is just…"
"I am just disinfecting her wound," Romanov supplied calmly. "Thanks for allowing me to talk to her. I will see you tomorrow, Illyze."
"See you!" aniya at kumaway dito.
Kinalabit siya ni Rolf sa balikat. "B-Bampira ka na rin ba?"
Nakangiti siyang humarap dito. "Who knows? Basta ang alam ko, may date kami ni Romanov bukas."