Chapter 200 - Final Chapter

PAPASOK si Marist sa girl's restroom ng Rider's Verandah. Nag-lunch siya dahil aayusin pa nila ang preparation para sa fashion show sa gabing iyon. Hindi na nga siya mapakali sa paghahanda at sumaglit lang sila para sa late lunch.

Natigil siya sa pagpasok nang marinig niyang nag-uusap sina Helena at Mimi na pupunta din sa fashion show sa gabing iyon. "Would you believe it? Emrei had that cheap bag tindera turned cheap bag designer as his girlfriend? Hindi naman siya makakapasok sa Stallion Riding Club kundi siya nanalo sa raffle," anang si Helena.

Inaasahan na niyang makakarinig siya ng ganoong klaseng usapan lalo na mula sa mga Fower Grls. Pero ngayon lang siya nakarinig ng actual. Sa halip na mainis, parang na-curious pa siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Emrei is just bored with his life," sabi ni Mimi habang naglalagay ng eyeliner. "Later on, he will dump that trash and will come back to me."

"But sister, that trash knows how to play her cards right. Look where she is right now. Ginagamit niya ang impluwensiya at kayamanan ni Emrei para mabenta ang cheap bags niya. She's a social climbing gold digger."

She bared her teeth. Gold digger. Social climber. Never niyang naisip na maa-associate ang pangalan niya sa mga ganoong salita.

"At hinding-hindi ako bibili ng bag niya," dagdag ni Mimi.

Napapitlag siya nang maramdamang may nakatayo sa likuran niya. Nakita niya si Emrei. "K-Kanina ka pa diyan?"

"Oo. Huwag kang aalis sa tabi ko, Marist." Sadya nitong inilakas ang boses. "Alam mo namang bored na bored ako sa buhay ko at naaaliw lang ako kapag kasama ko ang mahirap na babaeng katulad mo."

Muntik na siyang bumulanghit ng tawa. Mukhang narinig nito ang usapan ng dalawang babae sa loob. Sa lakas ng boses nito, napansin niya sa gilid ng mata niya ang paglingon sa kanila nina Mimi at Helena.

Yumakap siya sa baywang ni Emrei. "Ang sweet mo talaga sa gold digger at social climber na katulad ko. Tingnan mo naman. Nandiyan sa labas ang mga guest mula pa sa kaharian ninyo para lang bumili pa ng mas maraming bag ko. Salamat sa impluwensiya at pera mo, Emrei," mariin niyang sabi.

"May regalo nga ako sa iyo. May dalawa akong ipapa-ban sa kay Kuya Reid sa riding club. They would be branded persona non grata."

Di na niya mapigil na ngumiti at saka pumunta sa pinto ng restroom. "Mimi! Helena! Nandiyan pala kayo. Nakakahiya naman. Narinig ninyo ang usapan namin."

Sa kabila ng makapal na make up ay namumutla ang dalawa. Nagmamadali na ang mga ito na ayusin ang make up ng mga ito sa kit. "Marist, I am sorry. Niyaya kasi kami ng friends namin sa Europe. Mamayang gabi ang flight namin. Sayang hindi kami makakanood ng fashion show ninyo."

"Okay lang. Enjoy your time in Europe." Saka siya humagikgik. "Emrei, mukha silang hihimatayin. They are whiter than a Japanese doll."

"That would serve as a lesson to them. Walang pwedeng tumawag sa iyo na gold digger o social climber. This society is the one who accepted you. You didn't force your self on us. And we love you for what you are, fish ball and all."

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. "Thanks, Emrei."

Maningning ang gabing iyon para sa kanya. Naroon ang mga importanteng tao na pumapalakpak sa creation niya. Suportado din siya ng mga kaibigan niya sa riding club. Naroon din ang mga taong malalapit sa kanya. Ang nanay niya, ang kaibigan niyang sila Nilo, Mhelai at Constancia pati na rin ang Ninong Fidel niya na proud na proud. At siyempre, naroon rin si Emrei, ang lalaking mahal niya.

Pagtawag sa pangalan niya ay umakyat ito sa stage at binigyan siya ng bulaklak. "I love you," tanging sinabi nito saka maalab na hinalilkan ang labi niya.

She didn't mind the cheering crowd. Emrei had just shown the world how much he loved him and he was proud of that. Kahit ano pang sabihin ng iba.

Related Books

Popular novel hashtag