"A-Ang paninda ko!" mangiyak-ngiyak na usal ni Marist. Ang paninda na pinaghirapan pa niyang puntahan sa Laguna! Bumiyahe siya ng pagkalayo-layo, ngayon ay luray-luray at walang pakinabang ang karamihan. Hindi na nga masasabing bag pa iyon. Kumbaga sa isang taong namatay, di ma-identify sa sobrang laki ng damage na nagawa. At magbabayad ang may sala.
Matalim ang mata niyang nilingon ang salaring pulang kotse na tumigil sa di kalayuan. Bumaba doon ang driver at patakbong lumapit sa kanila. Siya agad ang nilapitan nito at inalalayang tumayo. "Miss, are you okay? Are you hurt?"
Napatitig siya sa guwapong mukha ng lalaki. Sa tingin niya ay nasa anim na talampakan ang taas nito. His hair was as dark as his eyes. Aristokrato ang ilong nito. He looked exotically male. Masculine, strong and handsome entered her mind right away. Sa palagay niya ay nasa late twenties na ang lalaki. And he reminded her of Oden Fehr from The Mummy. A desert warrior.
"I-I'm okay," nausal na lang niya nang walang kasamang galit. Maganda kasi ang mata nito. Parang nakakahipnotismo. Nakakawala sa sarili.
"Thank, God!" Si Constancia naman ang binalingan nito. "Are you okay?" Napanganga na lang si Constancia habang nakatitig sa lalaki. "Oh, no! She's in shock! Perhaps we should take her to the hospital."
"Ha?" aniya at nilapitan si Constancia sa pag-aalala. Baka nga may internal damage sa utak nito.Nakatulala lang kasi ito na parang nahipan ng hangin. "Connie!"
Ngumiti ito at di inalis ang tingin sa lalaki. "Sinusundo mo na ba ako? Dadalhin mo ba ako sa langit? Anghel ka, di ba?"
Patay na! Mukhang tinamaan si Constancia sa lalaki. Kahit naman kasi siya ay natulala sa lalaki kanina. Pero mabilis siyang nakabawi. Baka mamaya isipin pa ng lalaki na baliw sila o nagloloko-lokohan lang.
"Emrei, I told you to keep on driving and not to leave the car!" screamed the high-pitched voice of a woman from the red car. Nakasuot ng red halter dress na halos kalahati na lang ng hita ng babae ang sakop. Pula rin ang sapatos, lipstick at manicure at pedicure nito. Parang katerno nito ang kotse. Happy birthday to you!
"Mimi, I almost hit them!" anang si Emrei at itinuro sila.
Tinaasan sila ng kilay ni Mimi. "They look okay to me. Let's go!"
"Hindi pa kayo pwedeng umalis!" kontra naman niya. "Hindi nga siguro kami nasaktan pero tingnan naman ninyo ang ginawa ninyo sa paninda namin. Hindi na namin iyan maititinda. Wala nang bibili niyan."
"Is it our fault that you were so stupid to drop your merchandise here?" nang-iinis pang tanong ng bruhang babae.
"Stupid? Who looks more stupid? Me or you?" tanong ni Constancia.
"What did you say?" mataas ang boses na tanong ni Mimi.
"Hinaharang ko na nga kayo ng kaibigan ko para magsenyas na umiwas kayo pero tuloy-tuloy lang kayo. Muntik na nga kaming masagasaan. Sino ang mas stupid sa atin?" nakataas ang kilay niyang tanong. "Kaya bayaran ninyo ang paninda ko!"
Pasimpleng sinulyapan ni Mimi ang mga bag na nakakalat pa. "Oh, no! You can't expect us to pay for that junk," maarteng sabi ni Mimi.
Nanlaki ang mata niya. Junk daw ang obra maestra niya? "Hoy! Hindi magiging junk iyan kung di ninyo pinadaanan ng gulong ng sasakyan ninyo!" Eh, kung ito kaya ang pasagasaan niya? Tiyak na mukhang junk din ito.
"Magkano ba ang babayaran, Miss?" tanong ni Emrei at naglabas ng wallet.
"Seven thousand lahat!" Kasama na doon ang tubo niya.
"Emrei, don't!" tutol ni Mimi. "What if this is just a cheap trick to extort money from us? They look like they are members of a syndicate."
"Hoy! Hindi kami extortionist! At hindi kami miyembro ng sindikato." Gusto yata nito na ilampaso na niya ang mukha nito sa aspaltadong kalsada. "Kayo pa ang malakas ang loob na magbintang sa kapwa ninyo. Matino kami kahit na mahirap lang kami. Hindi kami manloloko. Kung kayo kaya ang maidemanda dahil sa reckless driving at damage of property?"
"Huh?" Namutla si Mimi at kumapit sa braso ni Emrei.
Ngumiti si Emrei. "Naniniwala na ako, Miss."
"You are crazy!" bulyaw ni Mimi kay Emrei.
"This is your fault, Mimi!" anang si Emrei at matalim na tiningnan si Mimi. "You tried to kiss me while driving. Mabuti nga di tayo nakasagasa ng tao."
Namutla si Mimi. "I will wait for you at the car. I hate the dust, the wind and the peasants." Saka ito bumalik sa kotse.
Saka lang nawala ang tensiyon dahil sa pag-alis nito. "I apologize for Mimi's behavior," anang si Emrei. "At sorry dahil muntik na kayong masagasaan. Nasira pa namin pati mga paninda ninyo."
Matamis itong nginitian ni Constancia. "Okay lang iyon. Kahit pa masaktan kami, okay lang iyon sa amin! Hindi ba, Marist?"
Sinimangutan lang niya ito. Naku! Sasabunutan ko ang babaeng ito. Palibhasa guwapo at mayaman ang lalaki kaya nagpapakamatay. Pati ako ipapahamak pa.