Nanginig ang mga labi ni Sindy kasabay ng pangingilid ng luha. It was the darkest day of her life. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi maging ang pride niya. Sobrang kahihiyan ang dinanas niya sa harap ng maraming tao.
"You love her. At nakakagulo lang ako sa inyong dalawa. Kung pipili ka sa aming dalawa ni Claudine, siya ang pipiliin mo."
"Why should I choose her over the girl whom I have loved since I was seventeen?"
"Ha?" Itinuro niya ang sarili. "Ako?"
"Yeah. I have loved you since then. But you trampled over my heart when you refused to marry me."
She shook her head. "Gusto mo ako dahil iyon ang gusto ng parents natin."
Tumawa ito. "Sinabi ko kay Mama na ikaw ang gusto ko at wala akong pakialam sa ibang babaeng inirereto niya. So they had kept pushing us since then. Bakit naman ako kokontra? Mas pabor pa nga sa akin iyon. I just have to let you go since you told me you don't like me."
"Pero kaya nga ayoko sa iyo noon dahil akala ko, napipilitan ka lang."
"Let's see kung mukha pa rin akong napipilitan."
He bent and kissed her with such tenderness that she would remember it for the rest of her life. It was a kiss that told her how much he loved her. Ang akala niya, hanggang nobela lang iyon. And she wanted to weep. It wasn't just a simple kiss. It was a joining of two hearts.
"When I saw you again, I thought it was my chance to make you mine without our family intervening with our affair. Hindi pa ba obvious na ginagawa ko ang lahat ng paraan para `di ka mawala sa mga paningin ko?"
Itinulak niya ito nang bahagya. "Wait! I thought you love Claudine?"
"I was attracted to her but not in love with her. For four years, I dwelled with the thought that you don't love me. Siguro, nakuha niya ang atensiyon ko dahil lagi siyang kasama ng kapatid niya sa riding club. Pero `di sumagi sa isip ko kahit kailan na pakakasalan ko siya."
"Hmp! Pero binili mo si Maiden para sa kanya. You won't buy a girl a horse if you won't marry her."
"I bought the horse because she suggested it. Maiden is a nice piece of horseflesh. Pero `di ko binili iyon para sa kanya."
Ipinilig niya ang ulo. "I don't know if I should take you seriously."
"I am serious and Claudine knows that. Naalala mo ba nang nag-horseback riding tayo na nakasakay tayo kay Burglar? Tradition sa riding club na sinumang babae ang isakay namin sa kabayo kasama namin, iyon ang babaeng pakakasalan namin."
"Claudine wants to take you back. Kahit alam niyang girlfriend mo na ako, ipinakita pa rin niya sa buong riding club na gusto ka niya."
"Don't let her bother you. Na-challenge lang siya. She thought she could easily pick up where we left off, na tatanggapin ko pa rin siya kahit ano'ng mangyari kahit na ipinagpalit niya ako sa iba dati. She is so sure of her feminine charms. When she kissed me at the arena, it was the final attempt she did to take me back. Sinabi ko sa kanya na mahal kita."
"Bakit sumama pa siya sa villa mo?"
"To apologize for kissing me in front of all those people. Siguro, naisip niya na dapat ay inirespeto rin niya ang relasyon nating dalawa."
"We didn't really have a real relationship then."
"And I want to make things real now." Hinawakan nito ang balikat niya. "Please come back to me, Sindy. Ayokong bumalik sa villa ko kung `di kita kasama. It's so empty. And you also took a part of me when you left. Please come back to me."
Niyakap niya ito. She let herself cry with overwhelming joy. "Iyon din naman ang pakiramdam ko nang umalis ako sa Stallion Riding Club. Pakiramdam ko, `di na kompleto ang buhay ko dahil wala ka na. Kaso, inisip ko na mas magiging masaya ka kay Claudine. You don't know how much I miss you. I love you, Gabryel."
She tiptoed and put her lips up for a kiss. Malapit na malapit na ang mga labi nito sa kanya nang bigla itong tumigil. "I am sorry, Sindy. Pero hindi kita hahalikan hangga't `di mo pinapalitan ang heroine ko sa novel."
Tiningnan niya ito nang matalim. "I don't like that joke!"
Tumalikod ito. "I won't kiss you until you replace the heroine."
"Sige. Papalitan ko ng heroine pero `di na ikaw ang pinakaguwapo."
Nakangiting humarap ito sa kanya. "Okay lang. Basta mahal mo ako."
"SATISFIED with the story?" tanong niya habang katabi si Gabryel sa hammock at binabasa nito ang nobela niya. They were back at the Stallion Riding Club. Ipinabasa niya ang final part ng Stallion series bago niya ipasa.
Tumangu-tango ito. "Hmm... puwede na."
"Ha? Puwede lang? Kulang na nga lang, idikit ko na ang puso ko riyan para lang makita mo na pinaghirapan ko ang novel mo. `Tapos, puwede lang."
Kinintalan nito ng halik ang mga labi niya. "Puwede ka nang mag-asawa."
Lumabi siya. "Ayoko nga. Bata pa ako."
"At kailan mo naman ako pakakasalan? Kapag senior citizen na tayo?" reklamo nito. "Ayoko namang maghintay nang ganoon katagal!"
"Puwede na ba next year? Sabi kasi nina Mama, bigyan natin sila ng isang taon para paghandaan ang kasal natin."
Umaliwalas ang mukha nito. "Talaga? Magpapakasal tayo next year? Teka, okay lang ba sa iyo na sina Mama ang magpaplano sa kasal natin?"
"I don't really mind. Kahit naman saan tayo magpakasal o kahit ano pang klase ng kasal, okay lang sa akin. All I want is to spend my whole life with you."
Tumayo ito at hinila-hila ang tali ng hammock. "Siguro, dapat kong papalitan ng tali ito. Baka hindi tayo kayanin next year."
"Ha? Wala namang problema sa tali ng hammock, ah!"
He grinned at her. "I want everything to be perfect for the honeymoon."
Nag-init ang mukha niya nang makuha ang ibig sabihin nito. "Gabryel!"
Tumawa ito at niyakap siya. Then he gave her a kiss full of promises. One day she'd tell him she was thrilled to try the hammock.