Chapter 161 - Chapter 23

"WHOA! Pasikat!" pasigaw na sabi ni Sindy nang tumalon sina Gabryel at Burglar sa ibabaw ng Liverpool. It was an obstacle with a ditch or water under a vertical. It was tricky but the horse and its master were able to pass it flawlessly.

He was practicing for the show jumping competition to be held on the weekend. Buwan-buwan kasi ay nagsasagawa ng iba't ibang klaseng horse sports competition ang Stallion Riding Club at mga members ang kalahok. Pero may isang malaking open tournament kada taon para sa celebration na rin ng anniversary ng riding club. At iyon ang pinaghahandaan ng maraming horse sports fanatics.

She knew he was good with horses. Bata pa lang sila ay sumasakay na sila ng kabayo sa Altamerano. But she never thought he would take the sports seriously. Two consecutive years nang hawak nito ang top place para sa show jumping category.

Nakangiting lumapit sa kanya si Gabryel. "O, in love ka na naman sa akin. Saka hindi ako pasikat. Sikat na talaga ako."

"Oo. Pasikat ka. Pero hindi ka sikat. Si Burglar ang sikat." Bumaling siya kay Burglar. "Galingan mo sa show jumping competition, ha? Kapag nanalo ka, papayag na akong maging boyfriend ka."

"Burglar, huwag mo siyang pansinin. Pinaaasa ka lang ng babaeng iyan. Ang totoo, sa akin siya in love. Nagpapakamatay nga iyan sa kaguwapuhan ko. Si Maiden ang totoong nagmamahal sa iyo," sabi ni Gabryel sa alaga nito. "Sa akin ka maniwala dahil ako ang amo mo."

Tumalikod siya at sumandal sa bar na humaharang sa audience's seat. "Hay! Kawawa naman ang isang bata rito. Pati kabayo niya pinaniniwala na guwapo siya."

"Burglar, dapat masanay ka na sa mga babae. They will tell you they don't like you. Pero ang totoo, patingin-tingin. At kapag hinalikan mo naman, hindi kumokontra. Pero ano'ng magagawa ko? Ganito talaga ang kapalaran ng mga guwapo..."

Nag-init ang mga tainga niya at biglang humarap dito. "Gabryel Honasan, pati ba naman kay Burglar, ikinukuwento mo ang—"

"Bakit? Wala naman siyang ibang pagkukuwentuhan, ah! Maliban na lang kung ikukuwento niya sa ibang kabayo. Pero mapagkakatiwalaan naman si Burglar. Hindi siya tsismoso." He patted Burglar's mane. "Hindi ba, Burglar?"

"Sigurado ka na si Burglar lang ang nakakarinig ng pinagsasasabi mo?"

"Ano ngayon kung marinig nila? We kissed and so what? Girlfriend naman kita."

Humalukipkip siya. "Dapat yata, sa ating dalawa lang iyon."

"Basta, ipagmamalaki ko iyon sa lahat."

"Hindi na kita kakausapin kahit kailan kapag ginawa mo iyan!"

"Sino kaya ang mawawalan ng guwapong boyfriend `pag `di ako kinausap?"

Yes, he admitted they had something special between them. But they didn't have a valid relationship. Kahit ang nararamdaman nila para sa isa't isa ay hindi pa nga nila mapangalanan. Hangga't hindi niya nililinaw rito kung ano ang totoong estado nila; hangga't hindi pa dumarating ang panahong sinasabi nito, iisipin pa rin niyang nagpapanggap pa rin silang dalawa bilang magnobyo.

"O, bakit nauuwi na yata kayo sa lovers' quarrel?" tanong ni Crawford.

"Ganyan lang kaming dalawa. Madalas mag-inisan. Pang-inis kasi ang lalaking iyan," sabi niya saka inirapan si Gabryel.

"Nag-practice ka na ba sa show jumping competition?" tanong ni Gabryel kay Crawford. "Handa ka na bang magpalampaso sa akin?"

"Ilang taon ka nang champion? Dapat hindi ka na kasali."

"Two years pa lang. Kaya puwede pa kitang talunin."

"Kailan ka babalik sa Manila? Nakausap mo na ba ang boss ni Claudine tungkol sa web design nila?"

"Bukas ko malalaman kung makukuha namin ang project," wika ni Gabryel.

"Claudine is confident you'll get it. Hihintayin ka raw niya bukas kapag pumunta ka sa opisina nila." Tinanguan siya ni Crawford. "I have to go. Magpa-practice din ako para hindi ako pakainin ng alikabok ng boyfriend mo."

"Good luck," naiusal lang niya at tumahimik na.

"O, sawa ka na bang makipag-asaran sa akin?" tanong ni Gabryel.

"Wala. Kinakabahan lang ako. Sana makuha ninyo ang project."

"Of course. Makukuha ko iyon. Magsa-shower lang ako, `tapos mag-lunch na tayo. Hintayin mo lang ako rito, okay?"

Napahawak siya sa tuhod habang nakatingin sa sahig. Bakit natatakot siya kung makikita nina Claudine at Gabryel nang wala siya sa tabi ng binata? Dahil baka ma-realize ni Gabryel na mahal nga nito si Claudine at tatapusin na nito ang pagkukunwari nila? Ano ba ang magagawa niya kung mas matindi ang pagmamahal nito kay Claudine kompara sa espesyal na nararamdaman nito sa kanya?

"I have no hold on him," naiusal niya. Kung darating man ang oras na iyon, sana, hindi siya masyadong masaktan.