Chapter 154 - Chapter 16

NARAMDAMAN ni Sindy na nakatitig sa kanya si Gabryel habang isinasalansan niya ang mga pinamili nilang grocery sa cabinet. "Bakit? May problema?" tanong niya.

"Hmm... so will you marry me?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa canned peaches at humarap dito. "Gabryel, kapag hindi mo tinigilan ang pangungulit mo sa akin, babatuhin kita nito."

"Bakit ba kung anu-ano ang sinasabi mo? Sasagutin mo lang naman ako kung ayaw mo o hindi." Lumapit ito sa kanya at na-corner siya sa kitchen counter. She was unable to move when he traced the contour of her lips. Natulala na lang siya rito. Parang nanghihipnotismo kasi ang mga mata nito. "Baka naman ikino-consider mo na nga ang pagpapakasal sa akin kaya puro paiwas ang sagot mo? At kaya lagi mong inaapi ang kaguwapuhan ko ay dahil ang totoo, in love ka na sa akin," pabulong na sabi nito habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa kanya.

Hindi niya magawang huminga. Nakatitig lang siya rito. Parang naparalisa na siya. Don't kiss me, Gabryel. Oh, please don't.

Pero hindi niya masabi iyon dahil kahit pagbuka ng bibig ay hindi na niya magawa. She just lifted her face to him as if she was anticipating his kiss.

Damn it! Move, hand. Push him away!

Pero walang parte ng katawan niya ang nakinig. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit hindi niya magawang labanan ito? Every part of her body was conniving against her better judgment. Pati yata sa kalipunan ng better judgment niya ay may nag-uudyok na rin na hintayin na lang ang halik ni Gabryel para tuluyan na siyang maging normal na tao at sa wakas ay magkaroon ng first real kiss.

Sa huli ay pumikit siya at hinintay na lumapat ang mga labi nito sa kanya. If I can't beat them, I'll join the fun, sa isip-isip niya.

Bigla siyang napadilat nang may mag-doorbell. "Sandali lang," ani Gabryel at humiwalay agad sa kanya.

She took the time to recover herself. She nearly made a fool of herself. Kung natuloy ang paghalik nito sa kanya, malamang ay katawa-tawa na siya ngayon. Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin si Gabryel. Okay lang. Hindi naman natuloy.

Magpapatuloy sana siya nang marinig ang boses ni Blessilda Honasan, ang mama ni Gabryel. "Oh, dear! It's true! You are here, Sindyrella," anito at hinalikan siya sa pisngi. "How are you, hija?"

"I am doing great."

"Yeah. I can see that," anitong may naglalarong panunukso sa mga labi.

"``Ma, I didn't expect to see you here," ani Gabryel na may halong pag-aalala sa mga mata. "Sana, nagpasabi kayo na dadating kayo."

"Dumaan lang ako. We partied at Tagaytay Highlands with my amigas. I decided to drop by. Akala ko, nagbibiro lang ang kaibigan mong si Hiro nang sabihin niyang nandito ang girlfriend mo at binanggit ang pangalan ni Sindy. Well, it's true. Finally! The two of you are together."

"You got it all wrong, Tita. Gabryel was just kind enough to lend me his place. But we are not really together like a couple..."

Inakbayan siya ni Gabryel. Tila ang ibig sabihin ay huwag na siyang magsalita. "Bakit hindi kayo magkuwentuhan ni Mama sa sala? I will just brew some tea for you."

Nagpahabol pa siya ng humihingi ng saklolong tingin kay Gabryel. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa mama nito. Hindi man lang ito nag-deny tungkol sa relasyon nila. Ni hindi ipinaliwanag na nagiging mabait lang ito sa kanya.

Inakay na siya ng ginang. "Magkuwentuhan tayo, hija. Was it three or four years since I last saw you? Ang sabi ng mama mo, writer ka na raw."

She gave her a tight smile. "Yes. I write romance novels."

"Oh, I love romance. And I am glad that this time, my son captured your heart. Botung-boto kasi ako sa iyo para sa kanya, hija. You two look good together."

"Thanks, `Ma," sabi ni Gabryel at tinabihan siya nito.

"I have this grand wedding in mind. How about a beautiful wedding by the lake? Gustung-gusto ni Gabryel dito sa Stallion Riding Club. Dito na lang kayo magpakasal. I heard a young yet talented designer has a boutique here. Jenna Rose, right? Yes. I will ask her to do your gown."

"Tita?" tanong niya habang pilit na inaanalisa ang sinasabi nito. Grand wedding? Lake wedding? Wedding gown? Kasal niya at ni Gabryel ang tinutukoy nito!

"`Ma, inumin muna ninyo ang tea ninyo. Kuwentuhan naman ninyo kami tungkol sa party ninyo sa Tagaytay Highlands. I am sure you are the prettiest among your friends," pagda-divert ni Gabryel sa atensiyon ng ina.

The night passed with the stories of Blessilda's grandiose beauty. Kapag nadadako ang usapan sa "kasal" nila ni Gabryel, natuto na siyang i-divert ang atensiyon sa ibang topic. It was a hard and tiring task.

At alam niya na hindi pa roon matatapos ang lahat.