"SAYANG. Hindi ka nila isinali sa cross-country competition," sabi ni Quincy kay Yuan habang nakaupo sa wooden bench na nasa ibabaw ng wooden dock na nasa gilid ng Taal Lake. Malapit iyon sa Lakeside Clubhouse.
Nakatayo si Yuan sa gilid ng dock habang nakatanaw sa maliliit na ilaw na gamit ng mga mangingisda sa lake. Mula sa Stallion Lounge ay pumunta sila roon para mag-relax. Crowded na kasi sa music lounge at masyadong maingay.
"Alam kasi nila na ako uli ang mananalo. Sa anniversary pa ako ng riding club puwedeng sumali. Pero sa minor competitions, huwag daw muna," paliwanag nito. Lagi na lang kasi itong nananalo sa cross-country competition ng club.
"Well, I never thought you are an excellent horseman," she commented.
"Noong bata pa ako, gustung-gusto ko ng mga kabayo. I told my dad about it. Tumawa lang siya. `Di raw bagay sa akin na maging horseman. We were out to build a business empire. Iyon daw ang isipin ko. Isa pa, hindi raw ako pang-farm o pang-ranch. Nang malaman ko ang tungkol sa riding club, saka ko naisip na magagawa ko rin ang gusto ko. I can be a corporate guy and a horseman at the same time."
Wala namang ikinukuwento sa kanya si Yuan dati. Kapag may ikinukuwento sa kanya ang mga malalapit dito o ang lolo niya, pawang mga may kinalaman lang sa negosyo. Hindi niya alam kung ano pa ang ibang gusto ni Yuan. Maybe he didn't want to tell anybody about his riding club world.
"And you succeeded." Binuksan niya ang digital camera. "Look at the pictures. You and Arrowhead are a great team."
"Wala akong hilig na tumingin ng pictures," matabang na sabi nito.
"You, a self-glorifying man, ayaw tingnan ang sarili sa pictures? Hindi naman yata ako naniniwala sa iyo."
Nilingon siya nito. "Is that what you think of me? A self-glorifying man?"
"Ayaw mo mang aminin, iyon ang totoo. Tingin ko sa iyo, lalaki na walang ibang importante kundi ang sarili niya. The Me, Myself and I Syndrome."
"I never heard of such a syndrome before. At kung may ganoon mang klase ng syndrome, tiyak na wala akong ganoon," protesta nito.
Tumayo siya at lumapit dito. Ipinakita niya ang preview ng pictures sa LCD ng digital camera. "See for yourself. You always wear that proud look, as if you are a demigod and we mortals are just like insects you can easily crush. Then you'll say 'Look how powerful I am.'"
Inagaw nito ang digital camera sa kanya at isa-isang tiningnan ang mga pictures. "Magaganda ang kuha mo. Nag-aral ka ba ng photography?"
"No. Self-study lang iyan. Business Management ang kinuha ko. Mahirap i-sustain ang hobby ko dahil masyadong mahal. Nanalo ako sa isang competition."
"Saan?" tanong nito.
"Sa isang internatio—" Natigilan siya. Muntik na niyang masabi na nanalo siya sa online competition na sinalihan niya dati. Baka magka-clue ito kung sino siya. "Ano... competition noong college kami. It is not a big competition but we have prestigious local photographers as judges," palusot niya. "Sabi nila sa akin, i-practice ko pa rin ang talent ko. I have an eye for it."
Tumangu-tango ito. "They are right. May talent ka nga."
"Talaga? Thank you, ha?"
Parang gusto niyang maiyak at yakapin ito nang mga sandaling iyon. She had been longing to hear him acknowledge her talent. Palagi na lang kasing binabale-wala siya nito. Na kahit pa may talent siya, hindi pa rin niya magawa ang gusto niya dahil wala itong tiwala sa kakayahan niya.
"Magaling ka naman talaga. Why don't you make a portfolio? Balita ko gustong gumawa ni Reid ng bagong Web site at brochure para sa riding club. Baka kunin ka pa niyang photographer o i-publish niya ang pictures na kuha mo." Kumunot ang noo nito. "Puro pictures ko pala ang nandito. Wala bang iba?"
"Ha? Puro pictures mo lang ang natira?" Oo nga pala. Wala siyang ibang kinunan ng pictures kundi ito lang. "Naku! Baka nabura! May iba akong kinunan. Baka nagloloko ang memory card ng digicam ko."
"Tell me, Quincy."
"What?" inosenteng tanong niya saka tiningala ito. Nagulat na lang siya nang matuklasang malapit na ang mukha nito sa kanya. "Bakit?"
"Why do you love taking my pictures?"
"Ha?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa hawak na camera. "Hindi, ah! Nagkataon lang na pictures mo ang natira. Siguro, mas gusto lang ng mga anito mo na ikaw ang matira sa camera ko, hehehe!"
Pero mukhang hindi niya ito nakumbinsi. "Stolen shots ang kuha mo habang may kausap akong mga kaibigan. Pero halata naman na ako ang subject."
Nag-iwas siya ng tingin dito. "Nagkataon lang na nakaharang ka sa camera ko kaya ikaw ang nasesentro. Sobra ka naman! Iyon ngang kuha ko sa inyo ni Arrowhead, si Arrowhead talaga ang gusto kong kunan. Nagkataon lang na ikaw ang nakasakay sa kanya kaya nasali ka. Napuri ka lang, lumaki na ang ulo mo."
Lalong inilapit nito ang mukha sa kanya. Now, even their bodies almost touched. "How about Theresa and Estella? Noong kasama ko sila, pilit ka ring nagpa-picture sa akin."
Napaatras siya. "Fan nila ako."
Umiling ito at humakbang uli palapit. "I don't believe you like their type. Napapansin kita, Quincy. Their type doesn't impress you. You even have this air that you are better than some of the women guests in the club."
"Sige nga. Ano naman ang dahilan kung bakit ako magpapa-picture sa kanila kung `di naman nila ako fan?" hamon niya habang humahakbang uli paatras.
"Simple lang. Ako ang kinukunan mo ng picture. You like me."
Napanganga siya. "Ha?"
His lips curved into a cynical yet seductive smile. "Hindi nga ba? Iyon ang paraan mo para magpapansin sa akin. No matter how much I push you away, you are always around. Ako rin ang paborito mong subject. Who knows? Baka pinapantasya mo ako sa gabi. Baka nga kinukulam mo na rin ako."
Pinigilan niya ito sa dibdib. "Hey, Mr. Bloated Ego! Hindi kita kinukulam."
"Then how come I can't get you out of my head?"
Nagulat siya. She never thought she already made an impression. Iba kasi siya sa mga babaeng idine-date nito sa riding club. Palagi pa silang magkaaway. "Ewan ko sa iyo. Hindi ko na problema kung bakit `di ako mawala sa utak mo. Ganoon naman talaga kapag ayaw mo sa isang tao, `di ba?"
"Yes, I don't like you." Hinawakan nito ang baba niya. "Or maybe I am just curious about you that I can't forget about you."
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
Napalunok siya at umatras pa. He was like a night animal hunting its prey. At ayaw niyang magpasilo. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti siyang nalalaglag sa bitag nito. She was out to bait him. Not the other way around.
But the stiletto heel of her boots was stuck between the wooden planks. Hindi na siya makagalaw pa. And he was near her. So near her.
He easily caught her waist and pulled her body against his. Her eyes widened. He was all male. Ang lalaking pakakasalan niya na palagi lang niyang pinapantasya bago matulog, heto at malapit na malapit sa kanya. He was breathing and warm. At ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi niya.
"Let's face it, we are curious with each other. So why don't we just satisfy that curiosity, huh?"
Before she could protest, he was already claiming her lips. His kiss was sensual and thrilling and the impact slammed at her chest. Nakalimutan niya ang salitang "pagtutol." Her hand clenched his coat. She opened her mouth and gave him all the liberty. And he was greedy and took everything he could get from a kiss.
He was so male and so powerful na nakakalimutan na niya kung sino siya. He made her knees shaky. She just wanted to be a woman. Period. At mababaliw na siya. He sifted his fingers through her hair as if the act itself was an intimate one. It made her feel beautiful and sensual. Something she never felt before.
"Yuan..." usal niya sa pangalan nito habang nakapikit. Ilalapit pa sana niya ang mga labi rito subalit malamig na hangin na ang sumalubong sa kanya. Napadilat siya.
Naglalakad na palayo si Yuan sa kanya. "Ihahatid na kita sa staff's house. Malamig na rito. Baka magkasakit ka pa. Saka sabi ni Gino, maaga pa ang pasok mo bukas. We better call it a night."
Tahimik na sumunod siya rito. She caught a glimpse of the passionate Yuan. Iba sa lalaking akala niya ay manhid at walang romance sa katawan. For a minute, she thought she was about to surrender her body to him. And she didn't even care where they were and she was under pretense at the moment.
She should be glad that he stopped kissing her on time. Pero isang bahagi niya ang nanghihinayang. Why did he stop?
Baka kahit ano pa ang disguise ko, ayaw pa rin niya sa akin. Paano pa kaya niya pakakasalan ang babaeng tulad ko?