"SO HOW'S your first day, Celine? Is it grueling?" tanong ni Dra. Tamara Trinidad, isa sa mga veterinarians ng Stallion Riding Club.
"Ate Tammy, don't call me 'Celine.' I am 'Quincy' from now on." Ipinakita pa niya ang nameplate na nasa dibdib. "Q-U-I-N-C-Y. Quincy!"
"Fine. So it is Quincy. You've grown up a lot, girl. Hindi na talaga kita nakilala."
They used to live in the same village until she and her grandfather decided to live in the States. Parang nakatatandang kapatid na niya ito. After all, Tamara and her were alike in many ways. Others used to tease them as nerds.
Kaya nang kailanganin niya ng tulong sa pagpasok sa Stallion Riding Club, ito ang tumulong sa kanya, pati sa pagkuha niya ng bagong identity. She also backed her up to get the job at Rider's Verandah.
"I have to change for the better. And this is the new me." Ibinuka niya ang kanyang mga kamay. "And Stallion Club is my new world. Nobody can tell Quincy Montoya what to do. Definitely not Yuan Zheng. Kaya kahit mahirap ang trabaho ko rito bilang service crew, mas masaya naman. I knew I'd get this job on my own. Aside from your help, of course. At least, I am far from Yuan Zheng's influence."
"You know that I support you, sister. Hindi mo kailangang magpakasal sa isang lalaki na hindi ka naman mahal. And if Yuan wants to marry you, he doesn't have to treat you like a puppet. Show him what you are made of."
"Iyan mismo ang gagawin ko!"
Gusto sana niyang humingi ng impormasyon kay Tamara sa kung ano ang gawain ni Yuan sa Stallion Riding Club. Pero ayaw nitong magsalita. Siya na raw mismo ang sumaksi kung ano ang ginagawa ng mga members ng club, para makilala rin niyang mabuti ang lalaking kanyang pakakasalan.
Sa unang pagkikita pa lang nila ni Yuan bilang si Quincy, he already made an impression. May pagkasuplado nga ito.
"Bumalik ka na sa loob ng restaurant. Baka tapos na ang breaktime mo."
Hinalikan niya ito sa pisngi. "Thanks for everything, Ate."
"It's nothing. Besides, I also want to teach those Stallion men a lesson."
Masiglang bumalik siya sa trabaho. Mababait ang mga kasamahan niya sa trabaho, pati na rin ang ibang mga customers na members ng club kaya mukhang mawiwili siya sa trabaho na iyon.
"Quincy, sa table five."
Tumodo ang ngiti niya nang makita si Yuan sa table five. Kapag nga naman sinusuwerte. Pinagtatagpo tayo, mahal ko.
She used that endearment the first time she met Yuan. She couldn't explain the feeling. Kinikilig siya kapag nakikita si Yuan katulad ng dati. Ni hindi niya maramdaman ang inis na nadarama niya kapag nakakausap ito sa telepono at kung anu-ano ang iniuutos sa kanya. Iba yata talaga kapag may face factor. Guwapo kasi ang kumag. Basta huwag magsasalita at magsusungit, nakakakilig.
"Good morning, Sir!" ngiting-ngiting bati niya.
Nagulat ito at biglang sumama ang timplada ng mukha nang makita siya. "You? What are you doing here?"
I am your worst nightmare! Bwa-ha-ha-ha!
"I am here to get your order, Sir," magiliw na sabi niya. Hindi ba nito nakikita na isa siyang magandang-magandang service crew?
"So, you are a waitress here."
"Yes. I am not some starlet or a star wannabe. I am not interested to be your companion either." Nasabi sa kanya ng ilang crew doon na ang mga babae na naglipana sa club ay companion ng mga members. Tama nga ang hinala niya. Doon dinadala ni Yuan ang mga babae nito. Pero nang mga sandaling iyon ay mag-isa ito.
"At bakit nandoon ka sa tapat ng bahay ko kung `di ka interesado sa akin?"
"I was just admiring your house. Masama po ba, Sir?"
"Hindi ka naman siguro magnanakaw, hindi ba? My house's security is state of the art. Hiro made sure of that."
At pinagbintangan pa siyang frustrated magnanakaw. Hampasin kaya niya ito ng menu sa mukha? Not the face! Sayang ang kaguwapuhan. Sayang ang lahi.
"May I have your order, Sir?" tanong na lang niya bago pa siya may magawang bagay na pagsisisihan niya. Mapupurnada ang plano niya.
"My usual breakfast, please."
"Ah, may I know what your usual breakfast is?"
"Usual breakfast ko lang, hindi mo pa alam?"
Ano'ng malay ko sa usual order mo? "I'm just new here, Sir. So if you are kind enough, please tell me what your usual breakfast is."
"Two servings of garlic rice, Italian sausage, bacon, sunny-side up egg and Kape Cordillera. Got it?"
"Would you like to add anything, Sir?"
"Kapag nagdagdag ako ng ibang order, hindi na usual breakfast iyon."
Tinawanan na lang niya ang pagkaantipatiko nito. "Oo nga naman, Sir. May point po kayo roon. Pasensiya na. That's two servings of garlic rice, bacon, Italian sausage, sunny-side up egg and Kape Cordillera, coming up."
Pagkabigay ng order sa kitchen ay sumaglit siya sa locker room at sinipa-sipa ang dingding. She was imagining it was Yuan's handsome face. "Antipatiko! I will never allow you to treat me that way again. Gaganti talaga ako! At gagawa talaga ako ng paraan para `di matuloy ang kasal natin, Yuan. I don't want to spend the rest of my life kicking the wall or your face."
"Grabe! Naharap mo ang masungit na customer nang hindi naiiyak?" sabi ng kasamahan niyang si Miles nang makaalis na si Yuan. "Kung ako siguro, nanginginig na ako. Parang ang sungit-sungit. Ni hindi ngumingiti."
Ngumiti lang siya. Nakabawi na kasi siya sa inis niya. "Sa palagay ko, siya ang magiging paborito kong customer. Ano sa palagay mo?"
Tinapik siya nito sa balikat. "Sa tingin ko, lalamunin ka niya nang buo."
Hindi siya papayag na si Yuan ang sumira ng araw niya. Siya ang sisira ng araw nito. I think it would be fun!