"Po?" di makapaniwalang usal ni Jemaikha. Iyon ang huling bagay na inaasahan niya. Ang humingi ito ng paumanhin sa kanya.
"Hindi namin inisip ang kaligayahan ng anak namin. Masyado kaming naka-focus sa sasabihin ng ibang tao. O ang mangyayari sa kompanya. But now, Hiro made us realize that he won't be happy if you are not with him. Naisip naming mag-asawa na kung sa amin din iyon mangyayari, pipiliin pa rin namin ang taong mahal naming. Besides, hindi mo kasalanan ang kasalanan ng ibang tao."
Yumuko si Minamoto. "Goumen nasaii," hinging paumanhin nito.
"You don't have to do that, Sir," tutol niya nang akmang yuyukod pa ito para humingi ng tawad sa kanya. Naiintindihan niya ito. Ginawa lang nito ang inaakala nitong tama para sa anak. Pinrotektahan lang nito si Hiro.
"Don't worry, hija. Kami mismo ang tutulong para linisin ang pangalan ng tatay mo," wika ni Estella sa kanya. "Malaki ang posibilidad na na-frame up lang siya. Pasensiya na kung di namin ito ginawa dati pa. Minsan talagang ganoon ang mga tao. Mabilis na manghusga sa iba."
"Thank you po." Tinanguan niya ang Papa ni Hiro. "Arigatou!"
"Pero anuman ang resulta ng imbestigasyon, tatanggapin ka pa rin namin para kay Hiro. You had proven your worth. I think I would be proud to have you as my daughter in law," anang si Estella at niyakap siya.
Maluha-luha siya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Hiro. Nang mga oras na iyon, parang nawala ang mabigat na bato na nasa dibdib niya. Hindi na niya kailangang tumakbo palayo. Hindi na niya kailangang umiwas. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam kapag ipinaglalaban ang pagmamahalan.
"A-RI-GA-TO-U!" buka ng bibig ni Jemaikha habang nakaupo sila sa harap ng bamboo fountain sa garden ng bahay nito. Matapos makausap ang mga magulang nito ay idinala agad siya nito sa Stallion Riding Club. Dapat daw siyang bumawi sa pagpapahirap niya dito.
"Kanina ka pa yata thank you nang thank you sa akin," natatawang sabi nito at kinabig ang baywang niya. "Para saan na naman iyan?"
"For everything. For loving me. For never giving up on me. Kung ibang lalaki siguro iyon, baka nagsawa na. Ilang tao ka ring nagtiis sa akin, di ba?"
Malungkot itong ngumiti. "Malas lang siguro ako dahil na-in love ako sa iyo."
Kinurot niya ito sa braso. "Nagsisisi ka na?"
Tumawa ito at kinintalan siya ng halik sa labi. "Iyan ang hindi ko pagsisisihan. Loving you is the best thing that happened to me."
"Sabihan mo na akong gaya-gaya. But I feel the same. Kapag kasama kita, mas lalo kong naa-appreciate ang ganda ng buhay kahit na mahirap. Hindi katulad dati. Kahit na sabihin ko na masaya ako, lagi na lang kulang. Ikaw lang pala ang kulang sa buhay ko."
"Kung hindi ko idinala sa iyo si Mama at Papa, hanggang kailan mo naman ako balak na tikisin?"
"Hanggang kanina lang din. Napag-isip-isip ko ang sinabi ni Tiya Vilma. Kung mahal kita, dapat ipaglaban din kita tulad ng ginagawa mo para sa akin. Akala mo siguro malakas ako dahil natitikis kita. Nasasaktan din ako. Kaso iniisip ko na baka tama ang pagsasakripisyo ko para sa iyo."
"Kaya nga hindi ko magawang magalit sa iyo. I know you did it for me. But please don't leave me anymore. Stay with me."
Tumango siya. "Hai!"
"Forever?"
Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. "Eien ni. I will love you forever, Hiro. Wala nang bawian. Wala nang urungan."
When they kissed, she thought that moon and the stars shone brighter. Their light would be hers and Hiro's guiding light. Sa pagkakataong ito, di na sila maliligaw. Dahil mas matibay na ang bigkis na nagtatali sa puso nila. The diamond on the engagement ring she was wearing was a proof to that.
***