"HINDI ka ba kinabahan?" tanong ni Hiro sa kanya matapos nilang I-meet ang mga bisita nila sa tanghalian. Nagpapahinga na ang mga ito sa guest's lodge.
"At first. Pero nang makita ko na na-excite sila sa riding club, nawala ang kaba ko. I think this place has its advantage."
Anim ang representatives na ipinadala ng Fukouka Intenational. Dumating ang mga ito nang magtatanghali kasama ang representative ng Hinata Technologies. Mainit ang naging pagtanggal nila sa mga ito.
Lahat ng kasama sa delegation ng Fukouka International, isang business financing company ay mukhang madaling pakisamahan sa palagay niya. Palangiti ang mga ito. Nagustuhan ng mga ito ang idea na mananatili sa riding club ng ilang araw. Maliban kay Sawada Fukouka na siyang pinakabata sa grupo at anak ng may-ari ng Fukouka International. Di nalalayo ang edad nito kay Hiro. Laging matalim ang tingin nito kay Hiro. That's why she kept receiving negative vibes from him. Parang matagal na itong may galit kay Hiro na di niya maipaliwanag.
"Hiro, do you know Sawada Fukouka before? Do you know him personally?"
"He was my senpai during junior high school. Nauna siya sa akin ng isang taon," paliwanag nito at ini-start ang kotse. Sa bahay muna sila ni Hiro magpapahinga at babalik din sa bandang hapon para makipag-meeting sa Fukouka International. "We even went in the same school of archery. Pareho kaming naglalaro ng kyudo at ng yabusame."
Kyudo is a Japanese form of archery while yabusame is the Japanese art of mounted archery. Pareho itong discipline ng mga samurai noong unang panahon.
"Close ba kayo sa isa't isa ni Sawada?"
Kumunot ang noo ni Hiro. "Not really. You can even say that we are rivals. Ilang beses na kaming nag-compete sa mga archery competitions. Sometimes he wins. Most of the time, I do."
Umubo siya. "Walang kayabang-yabang iyon, ah!"
"Wala akong magagawa kung talagang magaling ako. Bakit mo naitanong?"
"Wala. Tingin ko kasi magkakilala na kayo dati pa." Maybe Sawada was holding a grudge on Hiro. Parang malaking kahihiyan na matalo ng mas nakababata sa iyo. Pero sana naman ay hindi personalin ni Sawada si Hiro. Importante para kay Hiro na mai-close ang deal sa Fukouka.
"Nagkikita pa nga kami noong senior high school kami. Nalaman ko na lang na sa States na siya nag-aral. Ako naman, sa Pilipinas pumunta para sa college. Kaya nga na-excite ako nang malamang magkikita kami ulit."
"From rivals to business partners?"
"I have high respects on him."
Pero di mawala ang kaba niya. Parang hindi kasi iyon ang tingin ni Sawada dito. That until now, they were still rivals. Sana lang ay hindi iyon makakaapekto sa magiging business deal ng dalawang kompanya.
Ngumiti siya at hinalikan ito sa pisngi. "Ganbatte, nee! Good luck! Kaya mo silang kunin bilang investors. I am sure of it."
Pinisil nito ang pisngi niya. "Of course. You are my good luck charm."