Chapter 89 - Chapter 18

"ARE YOU still scared to ride a horse?" tanong ni Hiro habang papunta sila sa Rider's Verandah kung saan sila magla-lunch.

"Not anymore. Kaya ko na ngang I-maneuver si Raiga, di ba? Kaya sa palagay ko sisiw na lang kapag pinatakbo ko na ang girlfriend mo."

"Mamaya mo na isipin iyan. Kumain muna tayo."

Sa second floor ng restaurant sila tumuloy dahil okupado na ang mga mesa sa first floor. "Parang wala akong ganang kumain," aniya habang tinitingnan ang menu. "Nalipasan na yata ako ng gutom."

"You have to eat something," mariin nitong sabi kahit nasa menu ang tingin.

Ibinalik ulit niya ang tingin sa menu. Baka masermunan kasi siya nito. Ayaw ni Hiro sa lahat ay hindi kumakain. Sa kabubuklat nang walang napipili ay sa dessert siya napunta. Nanalam siya nang makita ang mga pictures sa dessert. "Wow! Pwede bang desserts na lang ang kainin ko."

He looked at her impatiently. "Jem, you have to eat a decent meal."

"Hai, Shuichiro-sama." Anong kontra niya? Ito ang magbabayad ng pagkain.

"Don't say that. Baka may makarinig," mariin nitong sabi.

"Bakit?" Luminga siya. "Iilan lang naman tayo dito, ah!"

"May I take your order, please?" anang service crew na si Quincy.

Bubuka pa lang ang bibig niya nang gagapin agad ni Hiro ang kamay niya. Ibig sabihin ay ito na ang oorder. "Bacalla with polenta, marinated grilled shrimp, then give her all the dessert she wants."

"Wow! Ang sweet naman ninyo, Sir Hiro," sabi ni Quincy. "May pa-holding-holding hands pa kayo. Girlfriend ninyo, Sir?"

"No," kontra niya. "Actually…"

Inakbayan siya ni Hiro. "Bagay ba kaming dalawa?"

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Yameru!" pagpapatigil niya dito at pasimpleng inalis ang pagkakaakbay nito. "Miss, apricot berry tart, Blueberry Orange Cream Tart and coffee mousse. That's all."

"That's all?" gagad ni Hiro. "In-order mo na halos lahat ng dessert."

"Okay lang iyan, Sir Hiro," sabi ni Quincy. "Low in calorie naman 'yan."

Isang tsinito na lalaki ang lumapit kay Quincy. Mukhang iritado na ito. "Miss, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba narinig? I want to follow up my order."

"Ipa-follow up ko na, Sir," nakangiti pa ring sabi ni Quincy at umalis.

"Yuan, don't be so hard on the poor girl," saway ni Hiro dito. "Nagkakaganyan ka lang yata dahil wala kang kasamang date."

"Pass muna ako. Women are trouble." Natigilan ito nang makita siya. Saka lang naalala na may iba pang babae doon. "Himala! Ngayon lang yata kita nakitang nagsama ng date."

She extended her hand. "I am Jemaikha Caliente, his temporary assistant."

"Yuan Zheng," pormal nitong sabi. Kasama rin ito sa mga models ng Stallion Shampoo and Conditioner na lumabas sa commercial. "At least babae na ang kasama mo. Di lang para dalawin ang mga kabayo mo."

"We are here for business. I have a group of investors coming a few days from now. Si Jemaikha ang kinuha ko dahil magaling siya sa Japanese. She graduated with a degree in Linguistics in UP," pagmamalaki ni Hiro.