"THAT'S Reid Alleje, the lord of the whole Stallion estate. Lahat ng natatanaw mo dito, siya halos ang may-ari. And that's his brother, a world-renown equestrian champion. Damn! There is even an oil sheik here!" bulalas ni Quincy habang iniisa-isa ang mga member ng club na nakikilala nito. Orientation nila noon at tinitikman nila ang ilan sa mga specialty ng restaurant. Mula sa beverage hanggang pagkain. Kailangan din kasi nilang maging familiar para alam nila ang ire-recommend sa mga guest depende sa gusto ng mga ito.
"Lahat sila kilala mo?" di makapaniwala niyang usal. At karamihan doon ay kilala sa political at business world. Ilan ay lumabas sa commercial ng Stallion Shampoo. Pero di naman niya alam ang pangalan. Hanggang mukha lang.
"Sa magazines at sa TV. Saka kahapon pa ako dito. Nagtanong-tanong na ako kung sino ang mga members ng club. At balita ko malaki magbigay ng tip dito."
Nagitla siya nang may pumasok na ilang babae na naka-wide brim hat, dress, gloves at high heeled shoes. Mas mukhang pupunta ang mga ito sa tea party o gaganap sa isang Victorian era play. "Bakit ganyan ang itsura nila?" tanong niya. Mukha silang out of place ni Quincy dahil naka-jeans at sandals sila.
"Those women patterned it to the royal riding club in London."
Tinaasan sila ng kilay ng mga babae na animo'y insekto sila. "Bakit ganoon?"
"Companion sila ng mga members ng club. Iyan na yata ang uniform nila. At ang mga babae sa lugar na ito, hindi makakapasok hangga't di imbitado. Exclusive lang ang club para sa mga lalaki. This is their world."
It was weird. She was in a world of powerful and gorgeous men. At parang naninibago siya sa lahat nang mayroon sa mundong iyon.
Binalikan sila ni Jhunnica. "So you enjoy our food?"
"Simply sumptuous," sagot ni Quincy. "Sa tingin ko mag-e-enjoy akong magtrabaho dito. Lalo na't ganito kasarap ang ise-serve ko sa customers."
"Mukhang kokonti lang po ang dessert and pastry sa menu natin," pansin niya. "Sana po magkaroon pa nang mas marami."
"We are working on that one. Sa ngayon, iisa lang ang pastry chef natin. Ilang buwan pa lang nagsisimula ang operation. Thanks for the suggestion, Miles. I will inform our head chef about this. But for now, take a rest. Maaga pa kayo bukas."
"Ma'am Jhunnica, hindi pa po namin nakikilala ang head chef," sabi niya.
"Ah, yes! Kadarating pa lang niya kahapon galing sa France. He attended a food festival there. Mamayang gabi pa lang siya pupunta dito sa club. Don't worry. You will meet him tomorrow morning."
"Guwapo ba siya, Ma'am? Masungit?" pilyang tanong ni Quincy.
"Why don't you find out yourself?" anang si Jhunnica.
"NAKU! Bilisan mong magkape! Baka ma-late tayo. Lagot tayo kay Chef."
"Teka lang! Napapaso na nga ako dito!" angal ni Miles pero pilit pa ring uminom ng mainit na kape. Wala pang alas kuwatro nang madaling araw. Opening sila ni Quincy sa restaurant. Karamihan kasi ng members ng riding club ay sa restaurant nagbe-breakfast. Maaga rin kasing nagho-horseback riding ang mga ito.
Ayon kay Jhunnica, nagho-host din ng business conference ang club. Sometimes, the members take their clients there to unwind at doon na rin nagko-close ng deal. Kaya may araw na sobrang dami ng trabaho nila.
Halos kaladkarin na siya ni Quincy nang makalabas na sila ng apartment. Ayaw gumalaw ng paa niya. "Ano ka ba? Gusto mo pa yatang matulog dito."
"Ang lamig, Quincy! Parang bumababa pa yata ang ulap dito."
"Kapag hindi mo binilisan, iiwan kita dito!" banta nito.
Pagdating nila sa restaurant ay bukas na ang pinto. Sarado pa ang ilaw. Binuksan niya ang isang ilaw. "Mukhang wala pang tao pero bukas na ang pinto. Weird," sabi niya pagsilip sa kitchen. Madilim pa doon.
"Malay mo may tao na kanina. Tapos iniwan na lang bukas dahil may nakalimutan sa quarters nila. Basta! Magtrabaho na lang tayo."
Inilagay niya ang gamit nila sa locker nang marinig nilang may kumakantang boses ng lalaki. "I remember so well. The day that you came into my life."
Kinalabit siya ni Quincy. "Miles, sino iyon? Parang may multo yata dito. Narinig mo iyong boses. Parang galing hukay!"
Tinabig niya ang kamay nito. "Huwag ka ngang ganyan. Takot ako sa multo." Baka umuwi siya sa Manila nang wala sa oras. Diyos ko! Huwag po sana akong pagpakitaan ng multo. Nandito po sa lugar na ito ang pangarap ko. Sabihin naman po ninyo sa multo, huwag niya kaming takutin ni Quincy.
Subalit di pa rin nawawala ang boses hanggang mag-chorus. "How did you know? I needed someone like you in my life. And there's an empty space in my heart. You came at the right time in my life!"
Hinila niya si Quincy. "Kailangan nating labanan ang takot natin. Kita mo, mawawala din ang multo na iyan."
"Paano kung magpakita sa iyo?"
"Magdasal na lang tayo, pwede? Saka mag-aalas-kwatro na. May dadating na tayong kasamahan. Di na tayo masyadong matatakot."
"Sige!" sabi ni Quincy at sabay na lumabas ng locker room.
"Parang nanggagaling sa loob ng kitchen kanina," pabulong niyang sabi. "Ngayon parang nasa may counter na. Mas malapit na." Napapikit siya. "Quincy!"
Inakay siya nito. "Kaya natin ito! Kaya natin ito!"
Dahan-dahan silang sumilip sa counter. Isang lalaki na nakasuot ng puti ang nakatalikod habang kumakanta. Kinikilabutan talaga siya. Nagtatayuan na ang balahibo niya. "No words can express how much…"
Pumikit ulit siya. Kaya niyang labanan ang multo basta di niya makikita nang harapan. "Masamang espiritu, lumayo ka sa dito! Manahimik ka na!" sigaw niya.
"Anong kaguluhan ito? Sino ang masamang espiritu?"
Nang ibukas niya ang multo ay di naaagnas na bangkay ang nakita niyang nakatayo sa counter kundi si Gino Santayana. Masamang espiritu nga.
Kinusot niya ang mata. Dinadaya lang ako ng paningin. Mukhang alam ng masamang espiritu ang weakness ko. Tukso! Layuan mo ako!
Naramdaman niyang bumaha ng ilaw at napadilat siya. Si Gino nga mismo ang nasa harap niya. At mas nakakatakot pa iyon kaysa sa multo. Parang gusto na niyang magtatakbo pabalik sa pinanggalingan niya.