Chereads / When The Fate Plays / Chapter 52 - 52nd Chapter

Chapter 52 - 52nd Chapter

Paolo's Point of View

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay Eloisa.

I promise hinding-hindi kita iiwan.

When Eloisa left the room. Yakap-yakap ako ni Mom. She's still crying.

I looked at her eyes, her situation sends something inside me- guilt.

"I am sorry, mom," sambit ko habang may luhang bumabagsak sa aking mata.

I love my mom so much. Bata pa lang ako siya na lagi ang nasa tabi ko. Kapag malungkot ako, nandiyan siya. Kapag masaya nandoon din siya. But, after she left me, it made my life a mess. Gumuho ang mundo ko ng iwan niya ako. Wala ng taong nandiyan kapag malungkot o masaya ako. Thanks to Eloisa.

May hinanakit pa rin ako sa aking ina. Pero iyong katiting na hinanakit na iyon ay isasantabi ko muna iyon dahil alam ko ang sitwasyon niya. Nakikipaglaban niya sa kamatayan. I am so sorry for her. Kung sana lang nasatabi niya ako ng mga panahong hindi pa siya nahihirapan.

"You don't need to be sorry, anak. Ako dapat ang nagsasabi sa iyo ng salitang iyon. Iniwan kita. Ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo. Patawarin mo ako." aniya sa akin.

Parang napupunit ang puso ko tuwing titingnan ko si mom. Nag-sisisi akong hindi ko siya hinanap sa limang taong nawala siya. After niya akong iwanan that sameday. Sinabi ko sa sarili ko. 'Kakalimutan ko na siya. Hindi ko na siya kikilalanin bilang aking ina.' Kung sana ay mapaparamdam ko sa kaniyang mahal ko siya. Pero ngayon. Hindi ko alam kung magpaparamdam ko pa sa kaniya ang pagmamahal ng kaniyang anak sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ako tanga para hindi malamang may tsansang mawala siya. Alam ko. May chance. Kahit masakit isipin.

Niyakap ko siya. Inipit ko ang aking iyak habang nakapatong ang ulo ko sa kaniyang balikat. "I am forgiving you now, mom." I said. "Just promise. You'll fight until the end." sambit ko sa kaniya

"I'll fight for the two of you. Sa inyo ng kapatid mong si Ace." aniya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni mom. Tiningnan ko kung sino ang pumasok.

Si Mr. Ramos.

Nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"He's---" I cut my mom's line.

"I know him. Enrico Ramos. My halfbrother and Eloisa's dad." sinabi ko 'yon habang nakatingin sa dad ni Eloisa.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para puntahan si mom dito sa ospital. I saw his name on list of visitors. Kaya nagpresinta na lang ako na lang ang magsusulat ng pangalan rin ni Eloisa. Dumalaw rin kani-kanina si Jared ayon sa oras.

Sigurado akong masasaktan si Eloisa kapag nalaman niya 'to. Mas binibisita pa ng dad niya ang aking ina. Habang hindi ito nagpaparamdam sa kanila. Gusto kong suntukin si Mr. Ramos suntukin dahil sa pagsira niya sa pamilya ko, sa pagbuwag niya nito. Gusto ko siyang suntukin dahil sa pagpili niya sa mom ko kesa sa asawa niya. Hindi ako magbubulagbulagang posibleng walang alam ang mom ni Eloisa. That's bullshit. Sa tingin ko may alam na rin siya. Maski ang dalawa niya pang anak. I'm feeling bad for her. I think they're keeping everything to her.

Kinamao ko ang aking kamay. Hinawakan ito ni mom.

"If you love her, fight for her. Huwag niyong idamay ang pagmamahalan niyo sa maling ginawa ko." sabi ni mom.

"It's not your fault, Ayen." sambit ni Mr. Ramos. "Pede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin.

I chuckled. "Ano namang pag-uusapan natin? Huwag mo ng subukang humingi ng patawad dahil ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi kita mapapatawad."

"Paolo!" sigaw ni mom. Nahilo siya ng bahagya. Inalalayan siya ni Axel na kanina pang tahimik na nakuupo sa tabi ng tulog na Ace. "Huwag mong sisihin si Enrico. Ako ang ma---" I cut my mom's line. Ayokong mastress siya dahil sa akin.

"Mag-usap tayo." sambit ko kay Mr. Ramos. "Lead the way." I said. Nagpaalam ako kay mom na lalabas lang kami at mag-uusap. Sinabi kong babalik ako.

Habang nasa elevator kami. Napagdesisyunan kong tawagan si Eloisa. Ayokong makita niya ang ama niya dito.

Pinindot ko ang ngalan niya at nang sagutin niya ito. Agad akong nagsalita.

"Eloi... mauna ka na. I am sorry hindi kita mahahatid manlang. I---I want to be with mom tonight. I am really sorry." ani ko. Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin. Naguiguilty ako. Hahayaan ko siyang mag-isa. At ang dahilan ay kasinungalingan.

"Si Eloisa ba iyon?" tanong niya.

Tumango lang ako.

Naisip ko si Jared. Nandito pa siguro ang gagong 'yon.

Siya naman ang sinunod kong tawagan.

Sinagot naman niya.

"S'an ka?" tanong ko sa kaniyang nasa kabilang linya.

"Parking lot ng hospital ng mom mo."

"Huwag ka munang umalis. Si Eloisa. Andito siya. Pede bang ihatid mo sya sa HLC?" pabor ko sa kaniya.

"Sige. Hahanapin ko lang siya." aniya. "Ge, will hung up now." patay niya ng tawag.

Dinala niya ako sa cafeteria.

Nang umupo kami ay nagsalita agad siya.

"Alam ko, mahal mo ang anak ko, kaya kahit na anong mangyari huwag mo siyang iwan dahil sa amin." aniya. "Hindi ako hihingi ng tawad hindi dahil alam kong hindi mo ako mapapatawad. Iyon ay dahil ang dami kong kasalanan sa iyo."

I half-smile. "Sa tingin mo sa akin ka lang may kasalanan?" I asked. Hindi ako makapagbigay ng respeto sa kaniya.

Umiling siya. "May kasalan ako sa asawa ko, sa mga anak ko, lalo na kay Eloisa, sa ama mo, at sa Diyos." Alam kong may sinseridad sa kaniyang boses.

"Exactly, so why not apologize to them?" tanong ko sa kaniya. Magkatitigan kami.

Hinilamos niya ng kaniyang kamay ang mukha niya. "Hindi pa sa ngayon. At isa pa. Huwag mo muna sa kaniya sabihin ito. Gusto ko ang mismong magsasabi sa anak ko."

Bumuntong-hininga ako. I nodded.

"Ipangako mong hindi mo siya iiwan."

"Pinapangako ko." sambit ko.

Laging bumabalik ang pag-uusap namin ni Mr. Ramos. Sa tingin ko iyon din ang dahilan ng paglutang ng utak ko. Kaya bumagsak ako. Minsanan lang ako bumagsak. At yun ay kapag madami talaga akong problema.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Eloisa habang yakap-yakap ko pa rin siya.

"It's better that you don't know anything." bulong ko. "Ayokong pasanin mo pa ang problema ko. Ang problema ko ay problema ko. Ang problema mo ay problema ko rin." I said while smiling.

Napakunot siya ng noo. "Tss. Problema ko, problema mo rin? Tas problema mo, problema mo? Ang unfair mo." aniya. It's for the better.

I just smiled at her. "Tara na?" I asked.

"Saan tayo pupunta?"

"Birthday party ni ate. Tara na." sambit ko at higit sa kaniya papuntang kotse ko.

~*~

Eloisa's Point of View

Tahimik muli siya habang nagdadrive. Ramdam kong mayroon talaga siyang tinatago sa akin. Sabi ko sa kaniya, he can lean on me. Pero he still keeping secrets on his own.

I want to ask him so bad, kaso alam ko tatangi lang siya ng tatanging sumagot.

It's 3PM now. May klase pa ako pero hinigit niya ako papapuntang party ng kaniyang kapatid. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman na niya ako kailangang isama ako sa party of his sister. Wala akong isusuot. Pero ayokong ablahin pa siya sa pagmamaneho.

Sa dating pinuntahan naming private village kami pumasok. So the party would be held on his grandfather's mansion? Tumango-tango ako. Malawak naman iyon.

Madaming nakapark na sasakyan sa harap ng mansyon nila. Kinabahan tuloy ako. Nakasimpleng damit lang kami pareho. Paano kung semi-formal pala ang party?

Akala ko ay sa dadaan kami sa front gate pero hinigit niya ako at sinama ako sa pagtakbo papapuntang likuran ng mansyon nila. May gate din doon. Wow.

Pumasok kami doon. Mag sumalubong naman lalaki. Sa pagkakatanda ko siya iying butler nila Paolo. Nag-bow ako sa kaniya. May dala-dala siya nakahanger na 3/4 na polo at isang dress.

"Kanina pa po kayo iniintay ni Young Master Pauline." aniya.

"Patay, late na ba kami?" tanong niya.

"Kakaumpisa pa lang po." pagkasabi noon nung lalaki ay hinigit na naman ako ni Paolo. May ibinaba siyang hagdan. Papaakyat ata iyon sa second at third floor.

Nauna siyang umakyat habang dala-dala niya ang polo at dress. Sumunod naman ako.

Nasa balkonahe kami ng isang kwarto. Binuksan niya ang slide nito. Pumalakpak lang siya ay bumukas na ang ilaw.

I was so shocked when he worn out his t-shirt. Sinunod naman niya ang kaniyang pants.

Tinakpan ko ng palad ang aking dalawang mata.

"Maghubad ka na din. Malilintikan ako kay ate kapag nagpalate pa tayo ng konti pa." aniya. Non ko lang narealize na magpapalit pala siya.

Pinag-iisip mo, Eloisa!

Kinuha ko ang dress. "Bihis lang ako. Ito ba banyo?" tanong ko sabay turo ng nasa tabi ko.

"Cabinet yan." Cabinet nga. Napapikit ako sa hiya. "Ayon yung banyo." sambit niya. Dali-dali akong pumuntang banyo at saka nagbihis.

Inayos ko ng kaunti ang aking sarili. I need to look presentable in front of his sister. Pati rin siguro relatives.

Lumabas ako na inaayoa na niya ang buttons ng polo niya. Apat na butones na lang sa bandang ibaba ang hindi niya naibubutones.

Nang matapos niya iyon ay napaiwas ako.

"You look so stunning, as always." aniya sa akin.

"You look great, too." sambit ko. Ngumiti naman siya

Bumaba kami. Sa tabi swimming pool ang mismong party. May mga nagtatampisaw rin sa pool. Mga nakapangsosyal na semi-formal na damit ang mga nadito. Halatang mga mayayaman.

Hinarap kami ng Lolo ni Paolo. Niyakap niya ako at binati ng kamusta. Sinabi ko naman na 'okay naman po ako'.

Pinakilala ako ni Paolo sa mga sa tingin ko ay kamag-anak niya nahihiy na nga ako dahil ang pagpapakilala niya sa akin sa kanila ay, "Babaeng papakasalan ko,".

Hindi ko pa rin nakikita kung sino ang kapatid ni Paolo. Iniwan ako ni Paolo dahil may kumausap sa kaniya at gusto ko ring batiin ang ate niya. Sino kaya siya sa mga babae dito? Base sa suot ng lahat mapagkakamalan mo ang mga malapit sa edad namin na siyang may birthday.

"Hindi ba si Eadaoin ang fiancé ni Paolo, e, sino 'yan?" rinig kong sabi ng isang babae.

"Kaya nga, e. Ininimbita pa nga tayo ni Ida sa engagement nila ni Paolo, ah?" tumango ang kausap niya.

"C'mon girls, this is my brother's love of his life. That girl you're talking about is a pretender bitch. Feelingerang ambisosya in other term." sambit ng sa tingin ko ay ate ni Paolo sa dalawang babaeng nag-uusap. Bigla na lang siyang sumulpot.

Magkapatid nga sila. Magkamukha sila. Parehas singkit. At maputi. She's wearing a black V-neck dress. Napaka-ganda niya.

"Who is she again?" tanong ni isang medyo matandang lalaking kakadating lamang.

"C'mon kakasabi ko lang na siya ang-----" nanlaki ang mata ng ate ni Paolo ng makita ang nasa 40s sigurong lalaki. "...D--Dad. W-What are you doing here?"

"To surprise you, surprise!" sambit ng matanda sabay yakap dito. "Happy Birthday, Princess." aniya pa.

He is Paolo's dad?