Eloisa's Point of View
Pumasok na ako sa susunod kong subject, mag-isa na lang ako dahil nagpaalam si Paolo na may importanteng kailangang puntahan. I am wondering what did his dad told him.
My day ended with a glimpse of an eye, napaka-bilis, siguro'y dahil maayos kami ni Paolo kaya hindi gaanong mabagal ang takbo ng oras ko ngayon. But, when I remembered our position, bigla akong nalungkot. We're like a secret lovers, tinatago namin ang pagmamahalan namin sa mga importanteng tao sa aming buhay, yet it's the only choice, we love each other we can't let go our love.
Kasabay ko ngayong maglakad papalabas si Andrea, nauna na sila Japshane umuwi dahil gagawa raw silang research paper nila Julian.
"Eloi, tinext ako ni Paolo sabi niya sa weekends kayo aalis," I could see Andy's confused. "Saan kayo pupunta?" ang tanong niya.
I shrugged, hindi ko rin alam kung saan, ngunit masaya ako dahil matutupad na ang plano namin. "I have no idea."
"What if, what if lang naman ha, malaman ni Tita na aalis ka kasama si Paolo? You think hahayaan niya kayong dalawa? Eloisa, delikado ang binabalak niyo," she's right. Kapag nalaman ni Mama na aalis kami ni Paolo sa weekends gagawin niya ang lahat upang hindi iyon matuloy at mapaghiwalay lang kami.
Andrea's aware. Alam niya ang problemang kinalalagyan ko ngayon, alam niyang pinaghihiwalay kami ni Paolo at alam niya rin kung gaano kagulo ang sitwasyon ng buhay ko.
She sighed. "I have a plan, ako ang bahala para matuloy ang pag-alis ninyo," napangti ako sa kaniyang sinabi. I am lucky to have her as a friend.
It's already 4PM, I am sure nag-aantay na sa akin si Mama sa labas. Pinauna ko na si Andrea dahil mayroong kukunin pa ako sa aking locker.
"Eloisa," that voice is familiar, napalingon ako agad at tama nga ang hinala ko, it's Eadaoin.
"Can you give me a minute of your time?" even though I could sense something bad will happen, sumama pa rin ako sa kaniya. She led the way to our campus' Cafeteria.
Nang makaupo na kami pareho. "What do you want?" I am really aren't sure what she wants but I am this is about Paolo.
"Siguro naman tanda mo ang warning ko sayo about Paolo's dad, right?" aniya. "I am going to warn you again, alam mo na ngayon na ang dad mo ay ang sumira sa pamilya ni Paolo pero parang wala lang sa iyo ang lahat, hindi ka ba nagui-guilty? Once Mr. Scott knew that his son's girlfriend is a Ramos, gagawin niya ang lahat para hindi kayo magkausap pa. Mark my words, he will do everything."
Kinamao ko ang aking dalawang kamay na nakapatong sa hita ko. "Then? Are you done? Kailangan ko na kasing umuwi, if you're done, maaari na ba akong umalis? You wasted my time," tumayo ako at akmang aalis na ngunit hinawakan niya ang aking braso.
Inalis ko iyon. "What is your problem?!" sigaw ko habang hawak-hawak ang aking braso.
"This is my last warning, Eloisa, please ikaw na ang tumapos ng lahat," she left me.
Nakatingin ako sa semento habang naglalakad palabas ng Campus. Pagkalabas ko ay may nakaabang ng kotse. Si Mama ang sumundo ulit sa akin.
"How was your day?" pambungad na tanong niya habang naglalagay akong seatbelt. It's awkward, parang lumayo ang loob ko kay Mama simula nang sampalin niya ako. But she's still my mother, I have to respect her no matter what.
Sinet-aside ko muna ang mga sinabi sa akin ni Eadaoin.
"Okay lang po, nothing bad happened," sagot ko. Hindi ko kayang kamuhian si Mama nang sobra, mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako kaya nga niya nagagawang mag-effort na ihatid at sunduin upang mamonitor ako. Alam kong ayaw niya lang maging konektado ako kay Paolo dahil anak ito ng babaeng sumira sa pamilya namin. Same goes to Paolo kung ayaw man ako ng dad niya iyon ay dahil anak ako ng sumira ng pamilya nila.
"Buo na ang desisyon ko, by next month lilipad tayo papuntang US, ang maiiwan dito ay ang kuya at ate mo," napatingin ako kay Mama, I know she's serious.
"But, Ma, I want to celebrate my birthday here, for the passed years laging sa US ako naghahanda ng kaarawan ko at nasa screen lamang sila kuya, please."
"Huwag kang mag-alala sa 18th birthday mo, pupunta ang dalawa mong kapatid at si Dad sa US din para magcelebrate with us."
Hindi na ako nakapag-salita pa, may isang salita si Mama, kung ano ang sinabi niya iyon na 'yun.
Nang makauwi kami ay humiga agad ako sa kama ko. Ako ay pumikit at saka inimulat ko ulit ang mata at ang bumungad sa akin ay ang kisama. Napatingin ako sa gilid ko, remembering the day I was with the same bed as Paolo, bigla ko siyang namiss. Hindi ko alam kung paano ako tatakas kay Mama, hindi ko alam kung paano ko siya pipigilang huwag kaming pumunta sa US.
Naalala ko rin ang mga linya ni Eadaoin kanina sa cafeteria noong nag-usap kami. She wants me to end it, what for?
Dumaan ang school days at lagi kaming patago ni Paolo noong mga araw na iyon, parang isang secret lovers. Patagong nag-titinginan at nag-uusap. It's already the day I've been waiting for, Biyernes ng gabi ngayon, ako ay nakaupo sa aming sofa rito sa living room, waiting for Andy.
Ang plano ni Andrea ay siya ang magiging way para matuloy ang lakad namin, gumawa siya ng dahilan, iyon ay ang mag-ssleep over ako sa kanila. Pero ang totoo ay pagkadating ko sa bahay nila, nag-iintay na sa akin si Paolo sa kanilang likod bahay. May daanan din doon. Dala ko na ngayon ang mga damit na kakailanganin ko. Isang backpack lang ang aking dala.
"Tita, thank you dahil pinayagan niyo po akong isama si Eloisa sa sleep over naming magkakaibigan," nakangiting sabi ni Andy.
"Walang anuman, hija, syempre't bago kami umalis sa US gusto kong makama muna ng anak ko ang mga kaibigan niya."
Napatingin sa akin si Andrea, I forgot to tell her about that. "Buo na po ba ang desisyon mo, tita?"
Tumango si Mama. "Oo, hindi na magbabago ang isip ko," there's no way to change my mother's mind, sinabi na niya kay Andy ang plano niya, in that case, it's unevitable.
~*~
"You're leaving? Why didn't you tell me? Alam ba 'to ni Paolo?"
"I just forgot to tell you." sambit ko. "Hindi niya alam, at hindi niya dapat malaman, I don't want him to know because he will probably do something out of the line," ang sagot ko, baka kasi mayroong gawing hindi maganda si Paolo. Ayokong lalong matempt si Mama na mayroong gawin pang mas malala roon.
Nakarating na kami sa bahay niya, wala ang kotse ni Paolo dahil nasa likod ng kabilang gate.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung saan kayo pupunta?" she asked. She looks anxious, thinking stuffs, I guess.
I shook my head. "Ayokong madamay ka, babalik naman ako. Huwag kang mag-aalala, wala akong katangahang gagawin, I'll just tell him how I love him, that's it. At marahil tanungin ding makipag-tanan," batok ang nakuha ko kay Andrea. Napa-"ouch" ako sa ginawa niya.
"Subukan mo! Hindi lang sapak makukuha mo mo sa akin," napangiti ako sa tender love and care niya sa akin. Nag-paalam na ako sa kaniya dahil baka kanina pa nag-aantay si Paolo.
Doon nga'y nakita ko ang kotse nito, nag-bid goodbye muna ako kay Andrea bago tuluyan nang lumabas sa borderline ng kanilang bahay.
Kinatok ko ang bintana sa driver's seat. Binuksan naman ito ni Paolo saka siya'y bumaba.
"Hi," bati niya. "I missed you," he hugged me tight, as if there's no tomorrow.
"So saan tayo?"
He smiled. "It's a surprise, tara na."
I kept on asking him kung saan kami pumupunta and he kept on saying that it's a surprise raw. It's making me more excited to know where is it!
Dahil sa pagod, nakatulog ako, while him nagdadrive lang. Noong nagising ako ng around 1AM, sinabi ko sa kaniyang palit muna kami, siya ang magpahinga ako naman ang magdadrive, aniya'y bawal daw dahil wala pa akong lisensya, noon ko lang naalala.
"Wala pa ba tayo? Ilang oras ka ng nagdadrive, 2:24 na, ah? Higit na sa apat na oras since then," hindi ko na talaga kayang magtanong, e.
"Traffic sa Edsa kanina, anyway, andito na tayo sa Santa Rosa, malapit na tayo, konti na lang," Santa Rosa? So are we going to the Enchanted Kingdim?
"EK?"
He nodded. "Yes, all day," aniya habang nakangiti.
It feels odd dahil when he looked at me, he'd immediately smile kapag wala na ako sa paningin niya bigla siyang maseseryoso. There is something weird.
When we arrived at the hotel we going to stay in, it was already quarter to 4AM. Dumaan pa kasi kami sa 7/11 upang may mailagay manlang sa t'yan.
Unang humiga si Paolo at pumikit, makalipat ang ilang minuto ay mahimbing na siyang natutulog. I know there is something, hindi ko alam kung ano iyon, but I hope it's not what I am thinking.
Naalala ko ang mga sinabi ni Eadaoin, his dad. Paolo's dad is wicked.
Say something, Paolo. Say something.
Tinabihan ko siya, kaso nagising ko at agad naman niya akong niyakap. Gusto kong maiyak sa mahigpit niyang pagyayakap.
If you'll explain, I'll understand it, just please say something.
"Let's sleep tightly then punta na tayong EK mamaya," why can't he tell me? Why?
Nagising akong may araw na, wala na rin ang lalaking nasa tabi ko, I smelled freshly cooked eggs.
Tumayo ako at pumunta sa dining room.
"Did you order these?" tanong ko, kahit na obvious, funny, Eloisa. Funny.
He nodded. "Kahit na gusto kitang ipagluto, I'll make you happy 'til the end of the day," ako'y niyakap noya mula sa likuran, humarap naman ako sa kaniya.
"Hanggang matapos lang ang araw na 'to? Isn't that too short? I want forever!" sigaw kong parang batang nanghihingi ng kendi.
He smiled, mataman niya akong tinitigan then licked his lips. I did not realized, bigla niya na lang akong sinunggaban ng halik. "Kahit walang forever, sige, hahanapin ko para mapasaya kita ng ganoong kahaba, just give me time, I will look for it," pagputol niya sa aming paghahalikan, sinunggaban niya muli ako ng matapos siyang magsalita.
Nothing too romantic happened, we know our limitations, kisses and hugs lang.
After eating breakfast, nagpahinga lamang kami ng isang oras. Nag-ayos na kami para sa pagpuntang Enchanted Kingdom, malapit lang daw iyon sa hotel na pinag-sstayan namin.
It's 8AM, nagbukas na ito kanina pang 5AM. Kahit na maaga kami, mayroon ng mga tao. Sabado rin kasi kaya maraming may free time maggala at magsaya.
Si Paolo ang nagbayad ng ticket, mabilis naman kaming nakapasok dahil hindi pa gaanong crowded, siguro mga by lunch pa dadagsa ang tao.
This is not my first time, but I must say, there are lot of new to me. Gala-gala muna bago kami sumakay sa unang ride namin.
~*~
Nang maka-anim na kaming rides na pang-bata- dahil hindi ako sinasamahan ni Paolo sa mga appropriate sa age namin, lagi siyang may dahilan, we decided na maglaro muna ng games. Si Paolo na ilang beses ng nagtry noong parang kuryenteng something hindi pa rin sumusuko.
"Tama na, naka-250 ka na diyan!" sabi ko sabay tawa.
"Laki kaya nung stuff toy oh! Saka sabi mo gusto mo 'di ba? May daya naman kasi ata 'to, e!"
Umiling ako. "Enough na nga, kuya, thank you! Makulit lang po 'to," sabi ko sa lalaking nagbabantay sa larong iyon, hinigit ko na siya palayo. Tumawa akong napakalakas.
"Why are you laughing?" si Paolo na parang wala talagang alam sa mga sinabi niya kanina.
"Nakakatawa ka kasi! Paano ba naman, alam mo na ngang may daya ata 'yon, lalaruin mo pa!" sabi ko habang nakahawak sa tiyan.
"Tss, maglalunch na pala, kain na tayo," pag-iiba niyang usapan.
Kumain kami sa parang food court, chiken with rice and softdrinks lamang kinain namin.
Gusto naming ihuli ang ferris wheel dahil maganda ito paggabi, nag-window shop kami sa mga stores, bumili rin namang mga suvinier and konting picture-picture.
Orderly, mga sinakyan namin ng hapon ay Flying Fiesta and Anchor's Away, nakadalawa lang kami dahil marami ng tao. Pahirapan mo pang inaya si Paolo roon sa Anchor's Away, takot kasi siya, and it's obvious when we rode it, his expression priceless.
Tumatawa ako habang siya ay nagsusuka sa basurahan.
"Please, sa medium ride lang tayo, baka pati internal organs ko masuka ko na-" tigil niya dahil nasuka ulit. Hindi ko talaga mapigilan tawa ko. Inabutan ko siyang tubig.
"Jungle Log?"
Umiiling siya habang nainom.
"Pretty please?" nagbebeautiful eyes kong pagmamakaawa.
"Ayoko."
I pouted and the conversation is over, ayon ang sinunod namin.
Nagtapos ulit ang ride namin sa pagsusuka ni Paolo, napailing na lang ako, I must say muntik na akong mabalian ng leeg dahil ako ang nasa unahan, ako rin taga-salo ng tubig. Sa aming dalawa ako ang basang-basa.
Bago sa huli naming ride which is ang ferriswheel, sumakay muna kami sa Carousel.
Sa last ride namin, tahimik na kaming dalawa. I must to him to say everything that is in his mind, but I did not.
~*~
"Do you have something to tell me?" tanong ko habang kami'y naglalakad na papuntang parking lot.
He looked at me.
"Paolo, kaya kong irisk ang lahat para sayo, because I love you," I was about to hug him tight but he stopped me from doing so. What is he up to? "Hey, anong problema? Are you ill?" I held his hand and ask him while looking at his eyes, madilim ito at tila malapit nang tumulo ang pinipigilan niyang luha.
Inalis ni Paolo ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. "I love you but that's not enough for me to give up everything I have for you," the way he looked at me I already knew he's not kidding nor putting up a show. Those words broke my heart. Ramdam na ramdam ko ang kirot nito dahil sa narinig.
"What is your problem? Tell me because I know we can handle that, I'm su-" hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin.
"We cannot! Eloisa, wake up, our life isn't a fiction! Kahit hindi tayo mag-kadugo, may mandidiri't mandidiri pa rin sa atin, at si Ace. Do you want to ruin his life for our own selfishness? Hindi ko rin kayang irisk ang future ko para sayo. Alam mo ring umpisa pa lang inapproach lang kita dahil I need to use you, kung mahal man na kita ngayon hindi sapat yon para ipaglaban kita."
"You don't need to hurt my feelings, Paolo! This doesn't makes sense! You think I will let go of your hand? I would never!" hinawakan ko ang kamay niya. Ngunit halos madurog ang puso ko ng marahas itong alisin sa kaniya. "I love you, Paolo. I love you so much!"
"Yes our relationship really doesn't makes sense. Your father is my halfbrother's dad and my mom is your halfbrother's mother, does not makes sense, right? I am the one that would first let go, I am sorry," he said. "I loved you, but I don't love you that much to throw away everything, I am sorry."
"If you're sorry, leave me. Iwan mo ako rito," nabulaslas ko dahil sa galit.
"Eloisa."
"I said, leave me!" sigaw ko.
I heard his deep sigh before walking away from me. I can't look at him, ngunit tiningnan ko pa rin siya, ang likod niya lamang ang nakikita ko pero nadudurog pa rin ang aking puso hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin, wala na siya, naglaho siyang parang bula.
Tiningnan ko ang kalangitan at saka pumikit. I cried as soon as everything flashbacks.
Lumilikha na ako ng tunog dahil sa iyak ko. May tao man o wala sa paligid, hindi ko na pinansin pa iyon. Ibinuhos ko na ang lahat ng luhang mailuluha ko ngunit hindi ata ito mauubos.
Napaupo ako sa sahig ng sidewalk sakto namang tumunog ang phone ko it's from Andrea.
Sinagot ko ito agad at hindi na ako nag-abala pang pigilin ang ang pag-iyak.
"Eloisa! I'm sorry, tita Sophia came here, alam niya ng ang kasama mo ngayon ay si Paolo, where are- wait, are you crying? Hey! Anong nangyari sayo?" Mas lalo pang lumakas ang aking pag-iyak sa tanong niya.
"He left me."
-
It's almost a month since he left me in that parking lot, ang sakit dahil umalis nga siya, just saying those words.
Hindi na ako pumasok pa simula noon, sila kuya na ang pinakuha ko ng mga gamit ko sa condominium. I stayed at our mansion while inaayos ang papers ko paalis.
"I loved you, but I don't love you that much to throw everything away, I am sorry."
Matatanggap ko pa kung naghanap siyang ibang babae at ipinamukha sa aking hindi niya na ako mahal, pero hindi! Hindi niya kinlaro sa akin kung bakit kailangan na naming tapusin ang lahat.
That incident made up my mind, wala ng rason para manatili pa ako rito.
Inaayos ko na ngayon ang mga gamit lang na kailangan ko para bumyahe papabalik ng US, everything started when I cameback, siguro magiging maayos ulit ang lahat kapag lumipad ako kung saan ako nanggaling bago ko siya makilala and it's in Massachussets.
"Are you done?" tanong sa akin ni Mama. Agad akong tumango habang may "pilit" na ngiti sa labi. "Good, bumaba ka na in 5 minutes, kakain na tayo."
Nang umalis na si Mama humiga muna ako sa aking kama, bilang lang ang beses na humiga ako sa kamang ito. I released a breathe. Napabaling naman ang tingin ko sa notebook na nakalagay sa sidetable ng aking kama.
Inayos ko ang aking pagkakahiga saka kinuha ang kuwaderno.
Napangiti ako sa tuyong rose na nakaipit sa notebook.
"I should've waited you," bulong ko sa aking sarili habang nakaupo sa same place kung saan may nagtapat sa akin noong 8 years old ako. Tuyo na ang rosas, bakit nga ba hindi ko hinintay ang batang iyon? If I waited for him baka hindi sana ako nasaktan ngayon.
"You should have, sana hindi ka umiiyak ngayon," may biglang tumawa sa tabi ko. Napakunot ako dahil bigla na lang itong sumulpot sa pagdadrama ko.
Pinanliitan ko ito ng mata ang lalaking nakatayo habang nakapamulsa dahil baka nag-hahallucinate lang ako.
"Jared?" I asked.
"Hmmm. Why?" tumatango niyang sabi.
"What are you doing here? I mean, 'di ba hindi naman dito ang village niyo? Neighbors kayo ni..." natigilan ako, I want to atleast stop remembering him. Ayoko nang maalala pa siya. I am trying my best to refrain saying or thinking his name.
"We're neighbors, but we have a house here too, don't you still get it?" his question made me frown, what is he talking about? Huminga siyang malalim.
I don't get him, seriously.
"Baka naman 'pag ginawa ko 'to maalala mo na," naglakad muna siya palayo at mayroong kinuha sa hindi kalayuan, nakatago ito sa kaniyang likuran habang papabalik sa akin. Humarap siya sa harapan ko saka lumuhod. Ngumiti siya.
Napakunot ako hanggang sa maliwanagan. "Oh my God!" sigaw ko at napatayo at nakalagay ang kamay sa bibig. "You're that kid?! I can't believe it!"
Ako'y napangiti lalo ng maalala ang pag-amin sa akin ni Jared noong mga bata kami. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya iyon, noong araw rin yun ay nagpaalam na ako sa kaniya aalis ako, iibigay ko sana sa kaniya itong bulaklak pero sabi niya'y remembrance ko na raw. Iyong ibinigay niyang dilaw na bulaklak that same day ang ibinigay ko na lang sa kaniya, that means friendship, he's a good friend of mine and haopiness, he gave happiness in my life.
Tumayo na ako at nilagay ang notebook sa bag, papalabas na ako sa kwarto ko ng makita ko ang box kung saan nandoon ang teddy bear na ibigay ni Paolo, nilagay ko rin ang shell at pendant doon. Hindi ko kayang dalhin iyon kung pupunta akong US upang magmove on.
If we are meant to be, we are. But if we are not, we are not.
Leaving those here would make me forget everything about him.
Hinawakan ko ang doorknob at huling beses na tingnan ang mga gamit na binigay niya sa akin. So, this is it.
"Goodbye, Andrei Paolo Scott."