Paolo's Point of View
Hindi pa rin sinasagot ni Eloisa ang proposal ni Shiro, iyong wedding proposal niyang cheap.
Tahimik akong nanalangin na sana ay humindi siya dahil ako dapat iyon, ako dapat iyong nasa sapatos ng lalaking nakaluhod sa harapan niya ngayon, ako dapat yung naglalahad sa kaniya ng diamond ring habang nasa harap ng maraming tao, ako dapat yon.
Ramdam kong tulad ko ay naghihintay rin ng sagot ang mga tao rito sa meeting room, para kaming nasa sinehan, para silang manononood na hinihintay ang pinaka romantic na parte ng isang pelikula.
Habang tinitingnan ko si Eloisa hindi ko mapigilan magalit sa sarili ko, tangina kasi bakit hindi siya yung pinili ko? Bakit pa kasi ayun lang ang pagpipilian ko? At bakit ko sinabing hindi ko kayang igive up ang lahat para sa kaniya?
Dahan-dahang siyang tumango.
Putangina.
Tangina, akin yan dati, bakit sa iba um-oo?
Napaka bobo ko.
Nagtatalon si Shiro Esteban at bigla namang nagpalakpakan ang mga stakeholders ng S. Hidalgo Inc, mayroong mga tumayo rin, niyakap niya si Eloisa at may binulong dito.
"I love you," ang basa ko sa sinabi niya.
Tangina talaga, ako dati ang nagsasabi ng I love you sa kaniya ngayon iba na?
Hindi ko na nakayanan kaya lumabas ako sa meeting room, inalis ko ang necktie ko, hindi ako makahinga sa galit.
Napapikit ako at napahilamos sa mukha.
"Paano ko siya mababawi kung pag-aari na siya ng iba?"
Bumalik na lang ako sa third floor kung saan nandon ang opisina namin, sumulubong sa akin ang kilay ni Mrs. Cruz.
"Saan ka nanggaling, Mr. Scott?" I gulped. Hindi naman ako dapat nandoon sa meeting room, kung hindi lang inutos sa akin ni Francis yung dapat trabaho niya.
Nakaramdam ako ng akbay sa aking balikat.
"Nakita ko siya Mrs. Cruz, umaaligid sa meeting room sa 4th Floor," sambit ng gagong si Francisco.
Napamura ako.
"Totoo ba iyon, Mr. Scott?" tanong pa ni Mrs. Cruz.
"Um-oo ka, bilis," bulong lang ito, napapikit ako, wala ako sa mood tapos uutusan niya ako? Hindi ko na kayang magpigil, isang linggo na akong nagpapagago sa kaniya.
Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at saka ko siya binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha, hindi ko gustong suntukin ito dahil baka mas lalong lumala pero nag-iinit na talaga ang dugo ko sa kaniya.
"Oh my goodness, Scott at Amistoso! Anong一call the guards, anong tinatanga niyo dyan!" utos ng boss ko sa mga katrabaho kong siguradong nanonood lang sa amin, patuloy lang ako sa pagsuntok.
Nang makarating ang mga gwardya, hindi ko inakalang sa prisinto ang abot ko.
Napaka galing, sa isang araw dalawang kamalasan? Sinagot ng mahal ko ang proposal ng ibang lalaki pagkatapos nandito ako ngayon sa prisinto kaharap ang isang pulis na mukhang wala pa atang tulog, katabi ko ngayon ang binugbog ko, nakaposas ako habang siya may hawak-hawak na icepack na nakadikit sa kanang mata niya.
Nasuntok din ako ng gagong si Francisco pero hindi kasing lala ng naging kinalabasan ng mga suntok ko sa kaniya.
Kahit nasa prisinto ako ngayon magaan ang pakiramdam ko dahil nakasuntok na ulit ako pagkatapos kong maging mabait na tao, apat na taon na simula ng magamit ko ang kamao ko.
Humikab ang pulis, tiningnan ko ang nakadikit na pangalan sa table niya.
Apo Tolentino.
"Bigla ka na lang sinuntok ng lalaking ito?" napakunot ako sa tanong nya sa katabi ko.
"May pangalan ho ako, Andrei Paolo一" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil pinigilan niya ako.
"Nagsasalita pa ako, bigla ka na lang sinuntok nito?" napapikit ako sa inis, bakit hindi nila ako pagsalitain?
Tumango si Francisco. "Pinakikisamahan ko naman ng tama iyan, pero tingnan niyo ang ginawa sa akin, sinira kagwapuhan ko!" hindi ko napigilang matawa. "Tingnan niyo nagagawa pang tumawa," umiling-iling siya.
"Mister Scott, alam mo naman ang assault ito kaya pede kang一" napatigil sa pagsasalita ang pulis dahil mayroong makaagaw pansin na dumating sa prisinto.
Tiningan ko kung sino ang dumating.
Si Chit-Shiro-n Esteban? May papasok din na rinig na rinig ang heels, nanlaki ang mata ko, pati si Eloisa? Napaiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung nagkatama ang paningin namin dahil may shades siyang suot.
"Good Evening, I am Samantha Ramos, I am from S. Hidalgo Inc. and these two are my employees, can we talk for a second?" sambit niya sa dito, inabutan niya rin ng business card. Tumango ang pulis at tumayo.
Naririnig kong nagbubulungan ang mga tao rito, mapa kriminal o opisyales, nagtataka sila bakit nandito ang CEO ng isang sikat na kumpanya. Syempre maugong ngayon ang pangalan ni Eloisa, nakapaskil din sa buong bansa ang mukha niya ngayon bilang natatagong heiress ng pumanaw na si Mr. Hidalgo.
Lumabas na silang dalawa, naiwan kaming dalawa dito nagtataka rin.
Napalunok ako, kung alam ko lang na aabot ito sa ganito, na dadating siya, edi sana hindi ko na pinagbuhusan ng galit si Francis.
"Gago, anong ginagawa nila dito?" bulong ng katabi ko.
Napamura ako. "Mukha bang alam ko?" sagot ko sa kaniya.
Bumalik na si Eloisa kasama ang pulis na kausap namin kanina, inalis na nya ang posas sa kamay ko, napakunot si Francis sa nangyayari, tiningnan niya ako habang may matang nagtataka, nagkibit-balikat lamang ako.
Naglalakad na kami ngayon papalabas, may mga nadadaanan kaming pulis na nakauniporme, nangunguna si Eloisa at nasa likod niya si Shiro habang kami namang dalawa ni Francis ay nasa likod ni Chit-Shiro-n.
"I can't believe you had the audacity to bring this to the authorities, Mr. Francisco Amistoso," natigil kami sa paglalakad dahil sa pagtigil ni Eloisa, nasa labas na kami ngayon.
Tiningnan ko si Francis, bakit bigla siyang naging maamong tuta?
"You had multiple complaints in the company premises only; you treat innocent male interns as a pushover; and sexually harrass the female interns, and now this, even using your colleague's anger management?"
Anger management? Did Eloisa said that?
"Sandali, bakit nadamay anger一" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad siya.
"You, you have your fault too, am I correct?" tanong niya. You lang? Doesn't she know me? "Isang linggo ka palang empleyado ng kumpanya pero nanuntok ka kaagad ng katrabaho," naestatwa ako, parang hindi si Eloisa ang harap ko.
Kakaiba ang aura niya ngayon, hindi ko mapaliwanag.
"I had to go here personally to talk and beg the authorities to drop the case. I can't let them know your whereabouts, Amistoso, specifically the sexual harrassment, not while you are in my company. Now, give me your ID," inilahad ni Eloisa ang kamay niya, siya ba talaga ito?
Nagitla ako nang biglang lumuhod si Francisco sa harap ni Eloisa.
"Give me a second chance, Ms. Sam, I can't lose this job," pagmamakaawa niya.
"You can't lose this job but you did something that is against our Business Ethiquette?" nilapitan niya ang muka ni Francis. "Kapag may ginawa kang isang bagay, nagawa mo na, second chances are not for everyone, especially it shouldn't be given to an asshole like you," when she said that she grabbed his ID.
Natamaan ako sa sinabi niya.
Second chances are not for everyone? And it especially shouldn't be given to an asshole? Para sa akin ba iyon?
Tumindig muli ng maayos si Eloisa, inayos nya ang damit niya, ito pa rin ang suot nya kanina sa meeting.
"I have a lot of things to do but here I am wasting my precious time with the two of you, why did you even fought? Wait一No, don't dare try to answer me, I have no time to listen your fatuous reasons. Shiro, can you talk to them instead? I am tired," aniya.
How can a person change so much after four years?
"I will handle this, go and rest, you have an interview tomorrow, right?" sambit ni Shiro.
Tumango siya. "Thank you, Shiro," she smiled and hugged him.
Dumating na ang driver niya pati ang kotse, sumakay na sya doon at nagpaalam kay Shiro habang may ngiti, tiningnan niya ako ng huling beses pero walang emosyon at walang pagkakakilanlan.
Hindi niya ba talaga ako naaalala?
"Francisco Amistoso, you are fired while you, Andrei Paolo Scott, the company is giving you a second chance but once you broke it, leave S. Hidalgo Inc. an instant," he checked his goddamn wristwatch. "I am afraid I have to go too."
"Mr. Esteban, bakit siya may second chance, ako wala? Siya yung nag-umpisa neto!"
"Did he ever sexual harrassed his female colleague?" maayos na tanong niya, ngayon alam ko na, mabuti ang Shiro na ito at may utak, iba ang dating niya at halatang may pinag-aralan. "Hindi ka pinatalsik ni Sam dahil sa insidenteng nangyari ngayon, pinatalsik ka nya dahil sa pagiging habitual sexual offender mo, kaya habang maaga pa magbago ka na Amistoso kung ayaw mong sa kulungan na bumagsak, oh, by the way, you might go behind the bars soon," ngumiti siya at pinat ang braso nito.
Inilagay niya rin palad sa braso ko.
"You are lucky you were given a second chance," bulong niya.
Umalis na siya at naiwan akong gulat.
Hindi ko makalimutan si Eloisa, it's her, I am sure of it, although her appearance change a little, it is still her but why can't I recognize the old her? Her voice and eyes are still the same but more intimidating.
Also why do I feel like she doesn't remember me?
Umuwi na ako sa bahay at sumalubong sa akin si Ace, kinunutan agad ako ng kapatid ko.
"Kuya, anong nangyari sa babang bahagi ng edge ng labi mo? Nakipag-away ka ba?"
Narinig ko ang yapak ni Mama, frown din ang bungad niya sa akin. "Anong pasa iyan, Andrei?!" sigaw niya habang inaalis ang apron niya, kakatapos niya lang siguro magluto, pinalo niya ng mahina ang balikat ko. "Ang tanda-tanda mo na nakikipag-away ka pa? Kung kelan tumanda ka?"
Nainsukto ako dun sa sinabi ni Mama, alam ko namang tumatanda na ako.
"Mom一I mean, Mama," napakamot ako ng ulo, hindi pa rin ako sanay tawagin syang Mama, lagi pa rin ako nagkakamali, ayoko na siyang tawaging Mom dahil naalala ko ang nakaraan. Hinubad ko ang sapatos ko at saka nagsalita ulit. "Hindi po ako nakipag-away, saka teka nga ano yung naamoy kong mabango? Parang sinigang ata?" nakangiti kong tanong.
Tumakbo ako papuntang kusina, binuksan ko ang kawali at tumambad sa aking ang special recipe niyang sinigang, mas lalong lumawak ang ngiti ko.
Inalis ni Mama ang coat ko, nagpasalamat ako.
Isang taon pa lang kaming nagkakasama ni Mama, yung tatlong taon kasi ay nagpapagaling siya sa UK kasama si Axel, ang Tito kong si Axel ay nanatili doon.
"Kuya, bakit Sinigang favorite mo? Mas masarap Adobo ni Mama, e!" natawa ako sa pagaalburuto ni Ace. "Lagi na lang favorite mo niluluto ni Mama.
Ginulo ko ang buhok niya. "Nagtatrabaho ka ba, Ace, ha?" tanong ko sa kaniya. "Pero alam mo, buti hindi ka na bulol sa et?" asar ko sa kaniya, mas lalong nagalit ang pikon, natawa ako.
"Tumigil na nga kayong dalawa, araw-araw na lang kayong ganyan."
"Si Kuya kasi, laging pinapaalala yung pagiging bulol ko dati," reklamo niya, apaka sarap talagang asarin ng kapatid kong ito.
Umupo ako sa upuan, nagsasalin na ng sinigang si Mama sa mangkok, si Ace naman ay nakaupo na rin sa upuan, nilabas niya ang dila niya at binelatan ako, binelatan ko rin siya, syempre hindi ako papatalo.
Being average is priceless dahil sa mga kasama ko ngayon. Noong nasa pudar pa ako ni Lolo lahat ng gusto ko nakukuha ko, puro pambabae lang iniisip ko pero ngayon na namumuhay na ako bilang average, hindi ko inakalang ganito kasaya, ganto pala kasayang mamuhay na iniisip mo kung anong pedeng mangyari sayo sa susunod na araw dahil baka wala na kayong makain dahil hindi naman kayo ganon kayaman, hindi tulad noon na alam mong hindi kayo mauubusan ng pagkain.
It's not a bad thing. And I don't regret anything.
Hindi ako nagsisising tinakwil ko ang sarili ko bilang Scott, at hindi rin ako nagsisising hindi ako humingi ng tulong kay Mr. Ramos.
Biglang naramdaman ko ang balahibo ni Ash Milo sa binti ko, nanlalambing na naman, kinuha ko siya at nilagay sa lap ko, hinimas-himas ko siya.
Inilagay na ni Mama ang bowl ng sinigang sa lamesa.
Napangiti ako. Sinigang pagkatapos si Ash Milo, parehong may memorya ni Eloisa.
Naalala ko na naman ang pagbabago niya.
Si Eloisa. Siya pa rin ba ang Eloisa na minahal ko?