Eloisa's Point of View
As I look at her, it reminds me of him. Kahit noong una kaming nagkita, namukhaan ko rin si Paolo sa kaniya.
Bakit napakamapaglaro ng tadhana?
She asked me a favor. Pabor na makausap niya ang kaniyang anak. Hindi ko alam kung paano ngunit susubukan kong tuparin ang pabor niyang iyon.
Alam kong galit si Paolo sa kaniyang ina pero hindi naman niya siguro ito matitiis kapag nalaman ang kalagayan nito?
Nang umalis kami niyakap niya ako. I also hugged Ace, he's just too cute. "Cute-size ni Paolo." I kept on smiling everytime I remember that sentence of Trevor.
It's Thursday night now. Wala kaming gaanong ginawa noong mga nakaraang araw. Days passed so fast. At sa mga araw na iyon. Wala siya. Hindi siya pumapasok at hindi rin siya nagpaparamdam sa akin. It's making me so depressed. Every time there's nobody in his condo. Nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit ilang araw na siyang hindi mahagilap. Where is him?
Inaayos ko ang gamit ko para sa bakasyon namin sa Boracay, hindi magiging masaya ang bakasyong ito dahil wala siya.
I saw the bear he gave me. Napangiti ko. Yung araw na ibinigay niya sa akin 'to ay iyong araw na naputol yung pag-amin niya.
Mag-eenjoy kaya ako bukas? I sighed. I hope even a little bit.
~*~
Friday afternoon, nag-ayos ako para sa flight papuntang Caticlan. Sinarhan ko ang backpack na dala ko at lumabas na.
Nang lumabas ako Kian showed up. He insisted to drive me to the Airport, anong magagawa ko? We're friends, kahit papaano. Hindi ko siya matitiis kahit masakit na nakipagsabwatan siya kay Ida.
"I am sorry." pagbabasag niya ng katahimikan. Nagdadrive pa rin siya habang nakatingin sa daan. Ako naman ay nakatingin lang sa bintana.
"It's okay, but I can't believed it, Kian." hindi ko siya matingnan, just by looking at him. It flashbacks. Masakit. Kaibigan ko siya and he did that. Nakakapanlambot ng kalamnan.
"I... love you, reason why I did it. Ngunit, narealized ko. I am not for you---and you really aren't for me. We're friends, just friends dictate by fate. I am sorry for it. Really. Pinagsisisihan kong ginawa ko iyon. I've done that to Paolo before. Kinalimutan niya ako bilang kaibigan. I don't want that happen for a second time. Please forgive me." aniya. I looked at him.
Mataman ko siyang tinitigan. I closed my eyes. "Dapat naisip mong maaring masira friendship natin. Bago mo ginawa iyon." bumuntong-hininga ako at minulat ang aking mata. "I forgave you already, Kean. But my trust, hindi na iyon mababalik pa. I'm sorry." sambit ko.
Friendship was one of the important thing for me. I treasure them more that objects. Hindi ako iyong tipo ng taong basta-basta na lang itatapon ang ilang taon. Mahalaga sa akin ang mga nagiging kaibigan ko. Kapag nagkamali sila. Papatawarin ko pero yung trust ko hindi ko na iyon maipapangakong maibabalik.
We remained silence. Sinakop muli ng katahimikan ang kotse niya hanggang sa makarating kaming Airport.
"Thank you," sambit ko. Alam kong kasama siya sa pupunta sa Boracay pero umuna na ako sa loob.
Pumasok ako na naka sabit lang sa kanang balikat ko ang aking mabigat na backpack. Inayos ko ito at isibit din sa kaliwa. Bumungad agad sa akin si Andrea. She hugged me. But my eyes looking for someone. May nakaupo sa upuan habang hinihintay tawagin ang flights nila.
"Let's go! Nauna na yung iba sa plane, private atin, e." aniya habang ngiting-ngiti. Excited na excited siguro siya, obviously, ngumiti ako.
The plane's almost full. Halos lahat ay kakilala ko at yung iba pamilyar.
Japs and Warren were seatmates. Habang si Lance at Dominic naman, Yeshua is also here! Ang katabi niya ay lalaking hindi ko kilala ngunit pamilyar sa akin. Julian's with her sister Lilian. Eros' with Ambreen. Almost everyone's with their love ones.
"Dito tayo," ani Andrea. Napataas ang kilay ko. Bakit nga ba hindi sila ni Lance ang magkatabi, magkaaway pa rin ba sila hanggang ngayon?
Hindi kami nasa gitna, sa unahan at lalong sa likod. Nasa pang third row kami.
"Luckily, walang KJ teacher na pinasama si Mr. Craeven! Salamat naman." sabi ni Andrea. Ngayon ko lang napansin. Buti nga't walang KJ na teacher lalo na si Mrs. Auravel.
Nagdadaldalan ang iba, may nagcecellphone din but mostly natutulog. Nakulangan siguro sila sa tulog nila kanina. Four ako nag-gising pero dahil maaga akong natulog kagabi hindi ako gaanong puyat ngayon.
I am not expecting him to come here. Pero I was so shocked when he did! Nakajacket siyang itim at may puting t-shirt sa loob habang nakaitim ding pants at sapatos na puti. Gusto kong higitin siya noong dumaan siya sa gilid ko dahil sa hindi niya pagpansin sa akin kahit nagkatitigan kami, anong problema niya? Umupo siya sa tabi ni Jared sa bandang dulo.
After days of hiding bigla siya lilitaw at ang mas nakakairita at nakakapagtaka, hindi niya ako papansinin? Maayos naman kaming nagpaalamanan sa ospital noon?
Gusto kong tumayo at sumbatan siya. Ngunit, I am not in the mood. Nainis ako sa presensiya niya.
"Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ni Mr. Tolentino na tumayo sa pagkakaupo niya sa pinakaharapan. Siya ata ang pinakabatang teacher sa Craeven. Kaya noong nagsalita siya karamihan ay tumili, hays kasama na si Julian na nasa harapan namin.
"Opo!" sigaw ng mga gising. Including Andrea. I wasn't able to shout. Hindi ako makapagsalita dulot ng pagkainis.
Sa buong byahe gusto kong lingunin siya at tingnan kung anong ginagawa niya pero pinipigilan ako ng pride ko. Iwasan pala, Andrei Paolo Scott. Okay, I'll give you that act.
Nakatulog ako kahit papaano. Hindi ko nakita ang kalangitan dahil hindi ako nasa may bintana. Wala rin ako sa mood.
Dahil walang direct flight from Manila to Boracay, sa Caticlan bumaba ang eroplano. It only took an hour.
Backpack lang ang dala ko. Pati ang iba, ang kapansin-pansin lang ang bagahe sa amin ay si Julian. Kakaiba. I laughed. I really love that gal.
"'Yung totoo? Parang hindi ka na uuwi ah? Sa Boracay ka na titira, Julian? Dala-dala mo na ata lahat ng gamit mo diyan sa maleta na 'yan!" tumatawa si Japs habang sinasabi 'yon. Nakitawa na rin ang iba. Isa na ako doon. Totoo kasi ang sinabi niya. Ang dala ni Julian na maleta ay napakalaki!
Umirap ito. "Mind your own business, Japs. Lahat kayo! Haynako!"
Pagkatapos makuha ng lahat ang kanilang kaniya-kanyang bagahe. Dumiretso kaming Caticlan Jetty Port at doon sumakay ng perry papuntang Boracay.
Everyone's taking pictures. Selfie here, selfie there. Groupie here, groupie there. Isang beses lang akong kumuha ng litrato at ayon ay ang magandang dagat.
Kusang hinanap ng paningin ko si Paolo. Nakatingin siya sa malayo at tila may malalalim na iniisip.
Lalapitan ko na sana siya ngunit nandito na pala kami sa Boracay. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. There really is something happening. Kailangan kong malaman kung ano iyon.
Kailangan naming sumakay ng tricycle para makapunta sa aming hotel.
Sila Andrea ang kasamahan ko sa tricycle. Maraming tricycle kaming nagamit.
Lahat kami napagod dahil sa halong antok at gutom.
Ang pagod ay nawala ng makita ko napagandang dagat mula sa taas ng aming hotel.
~*~
"Limang tao sa bawat kwarto." ani Mr. Tolentino. "Bawal may lalaki sa kwarto ng mga babae maski babae sa kwarto ng lalaki."
Mostly everyone agreed except sa mga mag-kasintahang gusto magkasama sa kwarto.
"Sir! Paano ang binabae sa kwarto namin?" tanong ni Lucas habang nakataas ang kamay. Tumawa ang lahat sa tanong na iyon.
Maski si Sir nagpipigil. "Ano---- just report it kapag hinalay kayo ni Mr. Julian." natatawang sabi ni Sir.
Si Julian ngiting-ngiti. "Heaven kasi." Ika niya. Ang karoommate niya ay si, Lucas, Trip, Bench at Stan.
"Impyerno kamo." ani Lucas.
"Exactly andon kasi ako, kaya magiinit at mala-impyerno." napatingin ako sa nagsalita, si Benjamin Tyler. Napangiti ako. Seriously, nakakatawa sila.
Natigil na sila ng ibigay ang susi. Yung sa amin rin ay ibinigay na. Kami magkakaibigan ang magkakasama sa kwarto ni Andy, Lilian, Japs at ako. Nasama rin sa amin si Eliz. Hindi ko siya gaanong nakikita sa school dahil freshmen pa lamang siya. And I heard she's Mrs. Auravel's daughter.
"There's 2 beds and 1 matress. I volunteer sa kutson." ani Eliz.
"No, ako na lang," sambit ko. "I am uncomfortable with hotel beds. Kaya sa kutson na lang ako." nakangiti kong sabi. It's true.
Sina Andy, Japs and Lilian nag-iisip ng magiging magkatabi.
"But--" naputol ang sasabihin ni Eliz dahil sa sasabihin ni Andy.
"Eliz okay lang ba sayong si Lilian ang katabi mo? Ikaw Lilian?"
Tumango sila Lilian pati si Eliz. "Oo naman." sabay nilang sambit.
Mag-gagabi na, pumunta kami sa malapit sa dagat at doon kumain habang may bonfire. Nakabilog kami. Mahigit bente rin kaming nandito.
"So, students---" natigil si Mr. Tolentino.
"Sir, wala naman kami sa eskwelahan!" sigaw ng isa sa nasa bilog.
"Oo nga naman, Sir!" second the motion pa ng isa.
"Then, don't call me Sir. Just kidding!" sumigaw si Sir at tawa. Nanlumo ang mga babae doon. Yung mga lalaki naman humihikab na dahil sa kaboringan. "We're going to play a game. It's called spin the bottle. Wala naman siguro ditong walang alam sa laro na 'yon? Mukhang bored na bored ang kalalakihan kaya't umpisahan na natin. Warning. Bawal mahalay pero pede ang mga pang open minded, secret na lang natin ito sa ibang professors." ani Sir na pabulong.
Biglang nagkaenergy ang mga boys. Boys nga naman. Tss. I saw Paolo, poker face pa rin. Problema niya ba talaga? Magkatapat kami. Kung hindi siya nakatingin sa phone, sa bonfire o di kaya nakapikit.
Ang rules ay kapag tumapat sa 'yo ang ulo ng bote ikaw ang magsasabi kung truth or dare ba ang gagawin mo. Kapag naman pwet ng bote ikaw ang maguutos o magtatanong. Sa truth kapag nakasagot, ang nagtanong ang iinom ng isang shot kapag naman hindi iyong tinanong ang iinom. Sa dare. Same. Ang nagutos ang iinom kapag nagawa kapag hindi iyong uutusan.
Nagsigawan nang agad tumapat kay Mr. Tolentino ang ulo ng bote at ang pwet ay isa sa mga tingin kong babaliw na baliw kay Sir. Gwapo si Sir. Kumikinang mata, matangos ang ilong, perfect jawline, maputi at messy hair. Kaya siguro madaming estudyanteng patay na patay sa kaniya. Hindi nga siya mukhang teacher ngayon dahil sa suot siya. Black sleeveless at khaki short. More like a student.
Kita ang pagkapula ng pisngi ng babae, I think her name is... Raegan? I am not sure. She's beautiful pero kapansin-pansin ang hinaharap niya. Napapikit ako at saka bumuntong-hininga.
"Sir, ummm. Truth or dare?" tanong niya ng maarte. Nakita ko ang mga ekspresyon ng ibang estudyante. Umiirap. Ang boys ay titig na titig kay Raegan. Iba yung tinititigan nila, obviously.
While him, tahimik pa rin.
"Truth."
I heard someone said "KJ mo, Sir!"
"May pag-asa ba tayo?" tanong niya.
I saw Julian rolled her eyes. Type niya rin siguro si Sir.
Atleast, yon lang ang tanong. Damn, grabe pagkahumaling nila kay Sir.
"Meron..." ani Sir na nagpatili sa mga babae, si Raegan halatang kinikilig "----kaya nga natin nalalaman kung may bagyo o wala." rinig na rinig ko ang tawa ni Julian na namumukadkad dahil sa sinabing 'yon ni Sir. Natawa ang lahat pero tawa niya ang pinakamalakas.
Dahil nasagot ni Sir ang tanong, si Raegan ang uminom ng alak.
Ilang beses ng pinaikot ang bote at tumapat sa kung sino-sino. Topic ay mahahalay, pero kapag dare hindi hinahayaan ni Sir na mahalay. Salita lang. Luckily, hindi pa ito tumapat sa akin at sa kaniya.
"Woooh!" sigaw ni Japs at Julian ng tumapat ang bote kay Andrea at Lance. Kay Andy ang ulo at kay Lance ang pwetan. Sabay apir.
"Truth or Dare?" walang ganang tanong ni Lance kay Andrea.
Kita kong naghehesitate si Andrea na sumagot. Kita ko ring parang wala sa dalawa ang gusto niyang sagutin. "Dare."
Napasmirk si Lance. "I thought you'd say Truth. Pero mataas nga pala ang pride mo." nagbulungan ang mga nasa bilog.
"Utusan mo na lang ako. Nang matapos na."
"Umamin ka sa harap ng mahal mo." natigilan ako sa sinabi ni Lance na 'yon.
Natahimik ang lahat sa dare na 'yon. Nasa bilog si Jared. At alam ni Lance na si Jared ang mahal ni Andrea nung umpisa pa lang. This is trouble if gagawin niya.
Ilang segundo bago nakasagot si Andrea doon. Kung gagawin niya ba o hindi. It end up with just one word. "Pass." kumuha siya ng baso at ininom ang laman nito. Napaalog siya ng ulo sa lasa ng alak.
I saw disappointment on Lance face. Almost on everybody.
Nakakunot ang mukha ni Lance nang iikot niya ang bote.
Mauubos na nila ang dalawang bote ng Jack Daniels at hindi pa rin tumatapat sa akin ang pangspin the bottle.
Nakatungo ako dahil sa antok. Siguro dahil sa pagkabored na rin. Kain lang ang ginagawa ko rito. May table kasi ng pagkain sa tabi namin.
Kinalabit ako ni Andrea at tinuro ang boteng nasa gitna.
"It's your turn." ani Andy.
"Huh?" I asked her.
"Ikaw ang pwetan, si Paolo ang ulo." aniya. Napatingin ako sa kaniya. He's looking at me. It send shiver down my spine.
"T-Truth or dare?" tanong kong nauutal.
Tiningnan niya ako. "Pass." aniya agad at kuha ng shot ng alak.
My jaw dropped. Damn. Anong problema niya?