Eloisa's Point of View
Nandito kami sa isang restaurant dito sa mall. Marami ang kumakain dito. Saka ko lang narealized. Kay Mama pala. Alam ba ni Paolo na restaurant 'to ng Mama ko? Branch lamang ito but I am not sure if he's aware.
Nang makarating yung inorder namin. Wala akong ganang kumain. Knowing it's my Mama's special dish. It reminds me of her. She owns this, tho. Gusto ko siyang puntahan ngayon dahil alam kong stress siya. Habang ako, ito, nagagawa pang makipagdate. Nowhere to found si Papa. Ayaw niyang sagutin ang ni isa sa mga tawag namin. Hindi ko ba alam kung busy lang talaga siya o talagang hindi niya sinasagot ang mga tawag namin----but that's really impossible. Never pang hindi pinansin ni dad ang tawag namin, intentionally. Baka busy talaga siya.
"Hey! Oh?" sambit ni Paolo na nagpaangat ng aking tingin sa kaniya. Sinusubuan niya ako. "Ah!" nakangiti niyang sabi.
May mga tumitingin sa aming nandito din sa restaurant. Nakakahiya.
"Hindi mo naman kailangang subuan ako." I said while chewing the food he gave me.
"Isn't it delicious? Ang sarap ng dish ng Mama mo. I really want to meet her, I mean. Nameet ko na siya pero bilang kaibigan lang ako. Gusto ko yung lalaking papakasalan yung anak niya ang tumatak kay Mama mo----someday." napatigil ako sa kaniyang sinabi.
"You know?" tanong ko sa kaniya. He nodded. Napangiti ako. "I hope so, 'wag kang mag-aalala. Ipapakilala kita pati kay Papa. But not now. Medyo magulo family ko ngayon, e. Mga busy sa kung saan." sambit ko.
Napatigil siya sa pagkain. "It's fine. Kamusta na pala si----can I call your mom Tita?"
Tumango ako.
"Kamusta na si Tita?" he asked.
"Okay na siya. I must say. Sabi ni ate, nakakakatayo na raw. Maayos na rin ang pakiramdam."
"That's a relief. And about your dad. Nacontact niyo na b-ba?" aniya. Did I heard him stuttered? Umiling ako. Naghahallucinate lang siguro.
"Hindi pa rin. But I am sure may rason siya sa hindi namin siya macontact."
"He has. I mean of course." I looked at him. Kumukuha siya ng panibagong isusubo sa kaniyang bibig. There really is something.
Nang matapos namin ng pagkain. Naupo muna kami ng ilang minuto ng patayo kami ay may tinanong ako.
"Can I ask you a favor?"
Tumango siya habang nakangiti.
"Dalawin natin Mom mo." Natigilan siya. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
He looked at me. Halatang nag-aalinlangan siya. Pero nagawa niya pa ring ngumiti at tumango.
"Really?" I asked.
Ngiti at tango lang ang naibigay niya sa akin.
Magkahawak ang aming kamay nang pumunta kami sa parking lot. Hindi ko mapigilang tingnan siya. Ang sarap ng feeling na napapayag ko siyang dalawin ang mom niya. Napangiti ako.
"Thank you." bulong ko.
On our way to the hospital. I really can't stop looking at him. Napakasaya ko talaga ngayon. Tiningnan ko ang oras. 4:27PM.
"Paolo. Bibilhan ko si Mom mo ng prutas Pede bang magstop tayo sa supermarket? Also, si Ace, your brother. Bibilhan ko siya nung ipinangako sa kaniya last time nung nagkita kami." sambit ko. May naalala pa akong isa. "Do you remember the time I told you may batang kamukhang-kamukha ka? Na baka anak mo 'yon? It's him! Si Ace! Napaka-mapaglaro ng tadhana." I said.
He chuckled. "Napaka-mapaglaro talaga. Okay, may malapit ng supermarket dito. There." aniya at turo sa isang supermarket.
Nag-park siya at bumaba ako. Bumaba na rin siya.
"Tss, pagbubuksan sana kita." aniya.
"Hindi na kailangan." I said. "Hindi mo naman kailangang magpaka-gentleman. Mahal kita, tapos." sambit ko.
Ngumisi siya. Inakbayan niya ako. "Tara na nga babe." aniya.
Bumili ako ng sweets for Ace. Tama lang ito dahil ayoko namang sobrahan dahil baka magkasakit siya. Halos lahat ay strawberry dahil tanda ko ayon ang kaniyang paborito. Pati yung ice cream. Bilhan ko naman si Tita Ayen ng fruits na makakapagpahealthy ng katawan niya. Nasa maayos at maganda ng tingnan ito.
Si Paolo ang taga tulak ng cart. Konti lamang ang binili namin pero nagpumilit siyang iyon na lang dahil, he's too handsome to carry a basket. Inirapan ko siya dahil doon. Hindi ko naman sinabing siya ang magdadala ng basket. Tss.
"Nagmana sa akin si Ace." ani Paolo na nakatingin sa nga nakalagay sa cart at habang naka-half smile.
I nodded. "Favorite niya rin ang strawberry at magkamukha talaga kayo. Sana lang paglaki niya hindi siya tulad ng kuya niyang playboy!" sambit ko sabay tapik ng dibdib ni Paolo.
"Nagbago na ako, dahil sayo." aniya.
I smiled. Naging blur ang nasa paligid. Iyong mga naggrogrocery, mga paninda at lahat ng nasa paligid mo ay hindi na klaro sa aking peripheral vision. Tanging si Paolo lang ang aking nakikita.
One thing for sure.
Mahal ko ang lalaking ito. Ang lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nakipaglaro ang tadhana ng hindi pala kami ang para sa isa't isa. Hindi ko alam.
Natapos ng iscan ng cashier ang pinamili namin.
Pagkatapos kong kunin ang resibo. Kinuha ni Paolo ang 1 plastic bag at ang basket of fruits saka hinawakan ang kamay ko.
"Akina na. Magaan lang naman yan. Kaya ko na." sambit ko ang pilit kuha noon sa kanang kamay niya. Hawak niya ito gamit ang isang kamay lang dahil hawak ng kaliwa niyang kamay ang aking kamay.
"Kahit na, mapapagod ka pa rin. Sa isang bagay lang naman kita gustong pagurin." aniya na nagpagulo sa akin. "At saka, magaan nga lang kaya ako na magdadala. I am a gentleman, tho."
I frowned. "Galit na galit ka sa impression ko sa pinsan mo ah? Mukha naman talaga kasi siyang gentleman. Iba naman kasi yung meaning non sayo," ani ko.
Hindi na siya nagsalita pa.
Napadaan kami sa isang bakeshop sa labas ng supermarket. Bumili ako non for Paolo's Tito, I think? Axel ata iyon? I really can't remember.
Inilagay niya sa backseat ang mga binili namin for his mom and brother. Also the cake.
Pinag-buksan niya muli ako ang pinto, is he serious?
"I told you, don't be someone you are not." I said.
"This is me. Ako 'to, Eloi. The real me. Iba kasing Paolo ang nakilala mo. Paolo na kabaligtaran ng dating ako. I am back."
Nginitian ko siya.
"Kahit anong ugali mo, you are still Paolo. My babe."
Nangingiti siya. "Did I heard it right? My babe called me babe?"
I chuckled. "Tss. Tara na mag-gagabi na rin."
Papapunta na talaga kami direkta sa hospital.
Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin ni Paolo. Papalubog na ang araw. Naalala ko ang ibinigay ni Paolo sa aking shell. Ginawa ko iyong keychain. Nakasabit 'yon sa bag ko. Hindi dito sa dala ko.
"Nandito na tayo." ani Paolo. Papasok siya sa gate ng hospital. Tanaw ko na ang mini park ng ospital na pinag-confinean ko kahit na kinakain na ng dilim ang liwanag.
Nang makapagpark siya ay as usual pinagbuksan na naman niya ako. Pinapanindigan na niya talaga. Bumaba ako at siya naman ay kinuha ang nasa backseat.
"Tara?" tanong ni Paolo.
I nodded.
Pumasok kami at pinuntahan ang front desk. Tahimik dahil siguro 6PM na rin.
"Almira Lyen Lopez. Leukemia patient." ani Paolo. "Can we visit her now?" tanong niya.
"Hanggang 9PM po ang visiting hours. So pede pa po. Kaano-ano po kayo ng patient?"
Ilang segundo bago nakasagot si Paolo. "Son. S-She's my mom." napangiti ako sa kaniyang sinabi.
Tumango-tango ang nurse na nag-aasikaso sa amin. "Pakilagay na lang po ang name niyong dalawa."
"Okay----" he cut his line upon looking at the folder of visitors.. "Why is he---- E-Eloi. Ako na lang magsusulat ng pangalan mo." aniya. Tumango na lamang ako. Ano ang kinakabahala niya?
Nagpasalamat siya sa nurse at pumunta na kami sa room number ni Tita Ayen.
Inalis muna ni Paolo ang pagkakahawak niya sa akin at pinihit ang doorknob. Binuksan niya ito. Bumungad sa amin ang nakahigang si Tita Ayen at si Ace. Katabi niya ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog habang may children's book siya sa kaniyang dibdib. Kitang malungkot ang kaniyang mukha habang hinahawakan ang ulo ng bata.
Nalungkot ako sa aking nakita. Alam kong may tsansang makatulog siya. At kailan may hindi na muling gigising. Pero ayokong isipin iyon dahil alam kong may rason pa para mabuhay siya.
Napalingon ang mom ni Paolo sa gawi namin.
Gulat ang kaniyang mukha ng makita kaming dalawa. Lalo na't ng makita niya ang anak niyang nawalay sa kaniya ng limang taon.
"P-Paolo, anak," may luha sa matang sabi ng kaniyang ina.
Tinakpan ni Paolo ang kaniyang mata gamit ang isa niyang palad. Pero hindi maitatago nito na umiiyak siya. Rinig ko ang kaniyang hikbi. I pat his back.
"Go." I said. "I know you want to hug your mom." sambit ko. Tiningnan ko si Tita Ayen na namumugto na ang mata. Punong-puno ng luha ang kaniyang mata. Ang kasama namin sa kwartong Tito ni Paolo ay kinuha sa Ace sa tabi ng kaniyang ina. Ihiniga niya ito sa sofa.
Tita Ayen mouthed. "Thank you." habang yakap-yakap si Paolo.
Napatalikod ako at pinigilang umiyak. Nagpaalam akong na lalabas lang.
Lumabas ako at naglakad papuntang banyo. Nakatingin ako sa aking sahig habang naglalakad.
May nakasalubong ako. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin.
Pumasok ako sa banyo at hinugasan ang aking mukha. Isinandal ko ang aking dalawang kamay sa lababo habang nakatingin sa salamin. Namumula ang aking mata.
That's the first time I saw Paolo crying na ramdam mo talaga iyong sakit. Alam ko. Limang taon niyang itinago ang sakit na iyon. Ngayon masaya ako dahil naiiyak na muli niya.
Ilang minuto ko ring tiningnan ang akong sarilo bago nagpasyang mag-ayos na.
I left the comfort room after cleaning my face. Papabalik na sana akong way ng kwarto ng mom ni Paolo pero tumawag siya.
"Eloi... mauna ka na. I am sorry hindi kita mahahatid manlang. I---I want to be with mom tonight. I am really sorry." ani Paolo na nasa kabilang linya.
"That's alri---" Pinatay na niya ang tawag. "...ght. 5 years mong hindi siya nakasama. That's a really good idea. I am happy for you." sambit ko kahit wala na iyong tawag.
Nag-elevator ako. I need to commute. That's fine. Atleast, natupad ko na ang pabor ng mom ni Paolo.
Nagawi ang tingin ko sa hospital cafeteria, I must say nang makalabas akong elevator. Then, saw him. May kausap siya. Likod lang ang kita ng kausap niya kaya't hindi ko makita kung sino ito. I have a strange feeling of familiarity. Maglalakad na sana ako papapunta doon pero someone grabbed my arm. Iniharap niya ako sa kaniya.
Napakunot ako ng makitang si Jared ito.
"Jared? What are you doing here?" I asked.
"May dinalaw lang ako. Pauwi ka na? Tara, ihahatid na kita." aniya at hawak ng aking kamay. Dinala niya ako sa kotse niya sa parking lot at saka pinagbuksan ako ng pinto.
Siya naman ngayon ang pumasok at umupo sa driver's seat.
Bakit siya nandito? Could it be?
"Ang mom ba ni Paolo ang dinalaw mo?"
Tumango siya. "So, let's go?" aniya. "Tell me the directions. Hindi ako pamilyar sa mga daan kahit na nadaanan ko na iyon noon." Naalala kong nakapunta na siyang HLC. Ibang route na ito at mas malayo. Kumpara sa Craeven na mas malapit. Mas malapit mas madaling mapuntahan at mas malayo mas mahirap.
Dahil sa hiya tahimik lang ako buong byahe. Isa na rin ang bumabagabag sa akin. That can't be his uncle, Axel. Iba ang suot nito noong makita ko. Pero ang weird ay pamilyar sa akin iyong likod lang na iyon. Napakunot ako ng noo. Nakakabaliw.
Nang makita ko ang HLC agad kong sinabi iyon kay Jared. Magpapark pa dapat siya sa parking pero sinuway ko ng huwag na. Masyado na iyong nakakahiya sa kaniya. Nagpasalamat ako sa paghatid niya sa akin. Sakto pa talagang hindi ako maihahatid pauwi ni Paolo.
Nagstay pa siyang ilang segundo sa tapat ng HLC. Kumaway ako at nagsabing, "Thank you again!" pagkasabi ko noon ay pinaandar na niya ang kotse niya at umalis.
Habang naglalakad ako papapuntang loob ng HLC. Tinitingnan ko ang aking phone at nagbabakasakaling tatawag o magtetext man lang siya. Pero wala. I sighed then smile. Sana ay nagkapatawaran na sila.
Pinindot ko ang floor ko nang makapasok ako sa elevator. "I miss him already." sambit ko sa aking sarili.