Chereads / When The Fate Plays / Chapter 47 - 47th Chapter

Chapter 47 - 47th Chapter

Eloisa's Point of View

All of us left the water. Nang umahon ako sa dagat ay hinaharangan ko ng aking kamay ang mata ko to cover it from sunlight.

Our eyes met. Inirapan niya ako. Nakalagay na sa ulo niya ang kaniyang shades. Arte.

Nakakapang-init ng ulo! Inirapan ko din ang bruhang 'yon.

I frowned when Paolo was nowhere to be found. Asan yon? Nakikipag-usap ang mga kaibigan niyang si Lance at Warren sa mga babae na naka-bikini. Boys. Napairap ako. Buti pa si Dominic nasa cottage lang. Ngunit, asan siya? Where the hell is him?

I tried to call his number pero busy ito.

"Ang kapal ng Ida na 'yang iharap ang pagmumukha niya sa 'yo! Napaka-kapal! Ang lakas rin ng loob niyang magbikini ha. Maputi lang naman siya." ani Julian na may inis sa boses. Irap siya ng irap dahil kay Ida.

She's not a student of Craeac so I did not expect her here. May mga kasamang babae si Ida, average probability na mga kaibigan niya. Wow. She have a friend?

Humiwalay na ako kina Andy. Ayaw nila akong pakawalan dahil baka daw may masamang gawin ang bruhang si Ida. Binigyan ko sila ng ideya na kailangan na nilang mag-bihis at dumiretso sa restaurant na pagkakainan namin ng Lunch para hayaan na ako. Also, I need to find Paolo.

I am still wearing my one-piece on. Habang may nakapatong pa ring shorts. Iyong iniwan kong towel sa cottage na ginamit namin ay kinuha ko upang matuyo kahit papaano ang basa kong buhok. Pagkatapos non ay inilagay ko 'to sa aking balikat. Hindi ko ininda ang basa kong damit, I need to find him.

Napadpad ako sa mga stores na may kung ano-anong services. Pero, still. No trace of him. I tried to call him again. Out of coverage area na. Nasaan siya? Sa Mars? Tss.

Nagsasight-seeing ako nang biglang tumambad sa harap ko si Ida.

Kinunutan ko siya ng noo. "What?" mataray kong tanong.

Tinaas niya ang kanang kilay niya. "Nothing, just want to slap you from reality. You see. Leave him alone while it's not yet too late. It's a friendly reminder," nginitian niya ako.

Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"I know you. Eloisa..." aniya na nagpakunot muli ng noo ko. "—mantha Hidalgo Ramos. Surprised?" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Paanong? No one knows except my family. How come?

"H-how did—" natigilan ako.

"Our family is close remember? Your mom is the only daughter of the number one Tycoon here. Si Mr. Sandro Hidalgo. My mom knows that because they're friends. I heard that you are the heiress of Hidalgo Corporation." she chuckles. "Kapag narinig ng buong mundo na ikaw ang apo ni Mr. S. Hidalgo. Your life would be a hell. Literal, Samantha," naintindihan ko ang ibigsabihin niya. She's right. Ayon nga ang isa sa pinakakinatatakutan ako.

May problema lang. Ano bang gusto niyang iparating? Maliban sa alam niya ng ako ang apo ng isa sa mga mayamang Tycoon dito sa Pilipinas?

I think, she's trying to threaten me.

"Don't call me Samantha," inirapan ko siya. "What's your point, anyway? Anong magagawa ko kung alam mo na? You think I am going to kneel down in front of you to keep your mouth shut?" direktang tanong ko.

"No. I don't think so. That's still part of my friendly reminder. Once na nalaman ni Paolo ang lahat or worse ng dad nito everything would be worse. Kaya't layuan mo na siya habang maaga pa. You don't know how rude, cruel and evil Paolo dad is. Masasaktan mo siya kapag nanatili ka pa rin sa kaniya."

"What do you mean?"

Itinaas niya ang kilay niya. "You don't know? Well. Alamin mo. Ayokong ako ang magsabi. Ask him or better find it out on your own." aniya. "I'll get going— by the way. Our conversation doesn't mean we're already friends. I just pity you," aniya at alis na siya. As if namang gusto kitang maging kaibigan! Inirapan ko siya sa kawalan.

But then again, her words left me hanging. What was that? What the hell is she talking about?

Pumasok ako sa hotel na hindi na gaanong basa ang suot ko. Naglalakbay ang utak ko dahil sa pinagsasabi ni Eadaoin— why would I believe her by the way? Siya ang rason ng misunderstanding namin ni Paolo. Siya ang may pakana kung bakit nawala ang trust ko kay Kian. Why would I? Infact, it's like in my life she's the antagonist and I am the protagonist. Gagawin niya ang lagar hindi lang ako maging masaya. There's a big possibility it was all a lie and just for some hidden agenda.

Kabisado ko na ang mga taong tulad niya. Mabait sa una. Pero may plano pala sa 'yo. Nagmamabuting-loob pala para hindi pumasok sa iyong isipan na may may masama silang balak. Tss.

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko na nasa lamesa dito sa loob ng aming kwarto. May tumatawag.

Si Japs.

"Hello." bungad na bati ko sa kaniya.

I heard different noises. Nasa restaurant na siguro sila, marahil kanina pa. "Lunch na! Pinagreserve ka namin ng seat. Go run! Baka maubos ng timawang si Julian ang buffet at maubusan ka."

"I heard that! Nagsalita!" sigaw ni Julian. Ramdam ko ang irap niya sa cellphone. Natawa ako.

"Heh!" anito. "Punta ka na here, Eloi! Faster!" utos niya habang natawa. Namatay na ang tawag. Ano kayang nangyari doon? I laughed again.

Naligo muna ako atsaka nagbihis ng t-shirt at shorts. Niponytail ko lang ang buhok ko at nagmartsa na papapalabas ng kwarto.

He's bothering me. Bakit hindi ko siya makita? Tinawagan ko siya kanina pero mukhang busy. Next is out of coverage area. Nagtatago na naman ba siya? Dahil ba ulit ito kay Eadaoin? No— I should ask in person. Para klaro.

Nakatungo ako at nakatingin sa aking cellphone. Pinindot ko ang pangalan niya at tinawagan.

Halos magwala ang puso ko ng sagutin niya ito.

Nakatingin ako sa sahig. "The hell Paolo Scott! Where are you!" sigaw kong sambit.

"Wala man lang hello-hello?" aniya habang natawa. "Don't look at the floor, babe. Look at me," napakunot ako sa sinabi niya. What does that mean? Pero the thing is, nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko nang maintindihan ko sinabi siya.

Inalis ko ang tingin ko sa sahig at bumungad sa akin si Paolo na nakatayo. Konti lang ang layo namin. Ilang hakbang na lang papunta sa akin. Nakatigil lamang siya habang nakatingin sa akin.

"Saan ka galing? Why can't I contact you? Bigla-bigla ka na lang mawawala ng walang pasabi. Are you out of your mind?"

Humakbang siya ng isa. Pagbuka ng kaniyang bibig ay siyang paghatid ng sinasabi niya. "First, may ginawa lang ako. Sorry for that," aniya na may ngisi sa labi. Humakbang muli siya ng isa pa.

"Second, pinatay ko ang phone ko dahil sa mga text ni ate na nakakainit ng ulo kanina. And when you called before I turned off my phone may kausap ako, si Lolo. As you can see Eadaion's here. Pinapunta siya dito ni Lolo para bantayan ako sa 'yo. Pinaghihiwalay na niya tayo pero hindi niya magagawa 'yon. Opposite attracts, right? We are like two magnets. Kahit na paghiwalayin niya ng tayo ng panandalian. We'd still be attracted to each other kapag nagkalapit muli." nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Nagwawala na rin ang puso ko at tila gustong makaalis sa pwetso niya! What the hell!

Humakbang ulit siya. This time. Napakalapit na namin sa isa't isa. "Third, yes. I am out of my own mind because the person inside it--- is you. Laging ikaw ang nasa isip ko kaya't wala ng puwang para sa aking sarili, perhaps dahil na sa 'yo na ang buong ako? You stole myself from me. How cruel." aniya na nagpaguho ng lahat ng sistema ko. Why Paolo? Bakit mas lalo kang nakakakilig habang tumatagal? "Can you do me a favor?" tanong niya.

"A-ano?" walang boses kong tanong sa kaniya. Kalma, Eloi. Kalma.

"Kiss me." nanlaki ang mata ko.

Naalala ko ang sinabi ni Ida--- no, Eloi. Huwag kang maniwala sa babaeng iyon.

But, curiousity is killing me! Parang lalamunin ako nito kung hindi ko alalamin. O kahit matanong manlang.

Should I ask it? Or not?

No. I won't.

Umiling ako. "Nakakahiya. Ano ka ba."

"That's just a simple favor, Eloi." aniya. Simple? Simple ba 'yon? Haynako, Andrei Paolo Scott! "Or you want me to be the one to kiss you?" aniya. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng lapitan niya ang aking mukha. Naitulak ko siya ng wala sa oras.

"I am sorry." sambit ko ng hawakan niya ang brasong pinagtulakan ko sa kaniya.

"He also hired a person to spy me. Napakaobvious. Kahapon pa lang ay ramdam ko ng sinusundan niya ako. It's the person right there. Iyong nakacap na may dslr. So kiss me. Para malaman ni Lolo na mahal mo na ako. At mahal na rin kita." nilingon ko ang direksyon na sinasabi niya. He's right meron nga. "This is not just for me, this for u—" natigilan siya dahil sa akin.

Wala sa sarili kong ginawa ang gusto niya. Ni hindi ko na nga napatapos ang kaniyang sasabihin. Konti lang ang tangkad sa akin ni Paolo. Tumingkayad ako ng konti ay hinalikan siya. Hindi ko inaasahang nang maout-of-balance ako'y hinawakan ni Paolo ang aking bewang upang hindi tuluyang mawalan ng balanse. Hinawakan niya ang kanang leeg ko at siya ng gumalaw. A french kiss. Hindi ko siya itinulak o pinigilan pa. Even if I am so embarrased he's the only one moving for us.