Chereads / Poem of A Young Girl's Heart / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Maagang nagising nang araw na yun si Sasha.Pagkagising niya ay Inaayos niya kaagad ang higaan nilang mag ina.Tiningnan niya ang oras it's five in the morning.Siguro ay mas maagang nagising ang kanyang ina.

Nagtatrabaho sila sa Hacienda Amanda isang head cook ang kanyang ina.Di nakatapos ang kanyang ina nang kursong HRM dahil nabuntis ito nang third year college ito.Ang kanyang Ama naman ay nagtatrabaho bilang kargador sa Maynila.Doon nag ka kilala ang dalawa sabi nang kanyang Ina kahit tutol ang mga magulang nito ay sumama parin siya sa kanyang Ama sa probinsiya dahil mahal niya ito.

Ang Hacienda Amanda ay Isa sa pinaka malaking lupain sa hilagang parte nang Davao.Ang nag mamay-ari nun ay ang mga Contreras na si Don Sebastian at si Doña Eliza at mababait naman ito sakanya.Sa katunayan nga ay parang anak na ang turing nito sa kanya simula nang namatay ang kanyang Ama.

Tandang-tanda niya pa she was five year's old that time nagtatrabaho ang kanyang ama sa tubuhan pauwi na sana ito nang maabutan ito nang malakas na ulan at dahil madilim at kumikidlat pa nang gabing iyon ay nahulog ito sa kabayo.He suffered from head injury tinulungan sila nang ng mga Contreras sa pag papagamot dito kaya lang sa bandang huli ay sumuko din ito.

Bago siya lumabas nang bahay ay nang linis muna siya at naligo pagkatapos ay nagbihis na siya nang kanyang uniporme.Nakatira sila sa isang cottage na malapit sa Mansion ng mga Contreras.

Sa totoo lang ay malaki ito kumpara sa ibang cottage ng mga nagtatrabaho doon.May dalawang kwarto at malaking sala at kusina.Simula nang namatay ang kanyang Ama ay sinabi nang mag asawang Contreras na lumipat na sila doon para mas malapit daw sa trabaho nang kanyang ina.

Naglakad siya papunta sa likod nang Mansyon kung nasaan ang dirty kitchen at main kitchen.Bago siya naakabot doon ay pinuno muna niya nang sariwang hangin ang kanyang dibdib at pinagmasdan ang ganda nang lugar.Kahit buong buhay niya ay umiikot lang sa lugar na iyon ay di siya mag sasawa sapagkat napakanda nito.

Nakita niyang busy na ang mga Tao sa Hacienda.Ngumiti siya nang makita si Mang Lito nang nagdidilig nang mga halaman.Lumapit siya dito

"Magandang Umaga po Mang Lito"bati niya dito

"Ohh!Sasha ikaw pala yan Magandang Umaga din!masiglang bati nito sakanya

"Mang Lito napakaganda po nang rose na yan bagong dating po?sabi niya dito.Actually kabisado na niya ang lahat nang mga bulaklak sa garden na iyon.

"Ayy!!Oo kagabi lang dumating, galing ibang bansa pa daw yan sabi saakin ni Doña Eliza.Kaya nako!Inaalagaan kung mabuti kasi sayang naman pag nalanta tsaka sobrang mahal pa naman.

Tiningnan niya ang bulaklak napakaganda talaga nito.Well Doña Eliza loves flowers at dahil mayaman ang mga ito di na nakapagtataka na gumastos ito nang mahal.

Ngumita siya kay Mang Lito

"Di po malalanta yan kasi magaling po kayo sa halaman ano po ang pangalan nang rose na yan?tanong niya dito.

"Juliet rose diba ang ganda niya kaya nako dapat ikaw Juliet mabuhay ka!sabi ni Mang Lito habang kausap nito ang halaman.

"Sige po Mang Lito puntahan ko po muna sa Inang sa Kusina.

"Sabihin mo kay Mina salamat sa Adobo na pinadala niya kagabi nagustuhan nang pamilya ko.Sobrang sarap daw!

Ngumiti lang siya at tumango dito nang pumasok na siya sa kusina ay kaagad niyang nalanghap ang masarap na niluluto nang kanyang ina.

Lumapit siya dito busy ang kanyang Inang sa pagluluto kaya di siya nito napansin.Ngumingiti ang mga kasambahay kapag nakikita siya.

Biglang niyakap niya ito sa likod

"Good Morning Inang!bati niya dito

"Ay!batang Ito nabigla ako paano pag napaso ka sa niluluto ko?

Di siya sumagot mas niyakap niya pa ito nang mahigpit.Naramdaman niyang pinatay nito ang stove at humarap ito sakanya.

"Sasha di pwedeng palagi kang ganyan dalaga kana"sabi nito sakanya.

Her mother looks pretty sa edad nitong thirty-seven ay napakaganda padin nito.She looks thirty at madaming nanliligaw dito.Sa katunayan gusto na nga niyang mag asawa ito ulit.Pero sabi nang kanyang Inang walang makakapalit sa pwesto nang kanyang Ama at masaya na daw ito.

"Oo nga Sasha paano nalang pag nag ka boyfriend ka niyan?narinig niyang sabi ni Aling Ruth ito ang mayordoma nang Mansiyon.

She just pout her lips

"Ayaw ko pa mag boyfriend gusto ko kasama lang si Inang palagi!

Lahat nang andoon ay napatawa sa kanyang sinabi.

"Sasha dalaga kana tsaka nextime wag ka nang papasok sa kwarto ko dala ang unan mo"bulong nito sakanya.

"Ehh bigla pong umulan kagabi ehh!sabi niya dito

"Ohh siya sige lumabas kana doon at nag aamoy ulam kana papasok ka pa sa paaralan.

Binitawan niya ito at hinalikan ito sa pisge

"Ok po Inang!tapos lumapit siya kay Aling Ruth na inaayos ang pagkain.

Niyakap niya din ito

"Nanay Ruth may maitutulong po ba ako?tanong niya dito

"Nako!Sasha wag ka nadito at baka madumihan pa ang uniform mo"sabi nito sakanya

"Lisa Ilabas mo na tung kanin"Tawag nito sa katulong.

"Nay!Ruth ako nalang po!presinta niya dito

Ate Lisa!Ako nalang mag lalabas nito

Sigurado ka Sasha?tanong nito sakanya

Nakita niya namang tumango si Nay Ruth

"Pagkatapos kumain kana nang agahan para mahatid kana ni Owen"sabi ni nay Ruth sakanya

"Ok po!

Dala ang kanin ay lumabas na siya sa kusina at dinala ito sa Dining Room.Kahit ilang beses na siyang pumasok sa Mansyon ay di parin niya maiwasang di mamakha.Lahat nag desenyo ay napakaganda at mamahalin.

Nang nasa pinto na siya ay nakita niyang may limang taong nakaupo sa hapag kainan.May tatlong anak na lalaki sila Don Sebastian at Doña Eliza.

Seryosong nag uusap ang Don at panganay nitong anak na si William.He is 25 year's old ito ang nag mamanage nang Hacienda at may malaking posisyon din ito sa lugar nila.May pag ka strickto ito at perfectionist gusto lahat ay nasa maayos.Workaholic din ito at seryosong tao minsan mo lang makitang ngumiti.

Nakita siya ni Doña Eliza ngumiti ito sakanya

"Good morning po!bati niya dito

"Good Morning Sasha umupo kana at sabayan mo na kami sa pagkain"mabait na sabi nito

Tatangi sana siya nang marinig niya ang boses ni Don Sebastian

"Oo nga Sasha ilapag mo na yang kanin sa mesa"

Tumango nalang siya dito di maipagkakaila ang ganda ni Doña Eliza at gwapong taglay ni Don Sebastian kaya di nakapagtataka na maging sobrang gwapo din nang mga anak nito.

Sa kanilang lugar ay pinag papantashan ang mga Contreras dahil lahat nang mga ito ay binata at sobrang gwapo.

"Dalaga kana Sasha the lastime I saw you you are crying dahil inaway ka ni Bunso"sabi ni Kairo sakanya.

Nahihiyang ngumiti siya dito.Kairo is 22 year's old sa tatlong magkakapatid ito ang pinaka approachable at happy go lucky sa Maynila ito nag aaral.Kaya minsan lang umuwi doon.

"Diba Malapit na ang birthday mo Sasha?tanong ni William sakanya.

"Opo, Kuya Liam"

"Ohh!That's wonderful!matagal nang walang nagaganap na celebration dito!Let's give Sasha a party!excited na sabi ni Doña Eliza.

Actually she's like a mother to her dahil wala itong anak na babae ay siya ginawa nitong Anak-anakan at dahil busy ang kanyang ina dati ay ito ang kasama sama niya kaya mas lalong napalapit ang loob niya dito.

"That's good wife but ask Mina first kung papayag siya"sabi ng Don dito

"Ohh!she will!sigradong sabi ni Doña Eliza

Di lang siya sumagot at nagsisimula na siyang kumain.Habang nag serve nang ibang pagkain ang mga maid ay binibigyan siya nang ngiti nang mga ito.Parang sanay-sanay na ang mga ito na nakikihalobilo siya sa mga Contreras.

"How old are you Sasha?tanong ulit ni Kuya Liam

"Sixteen po"magalang na tugon niya dito

"Ohh!You turn seventeen soon tell me dear may nanliligaw na ba sayo sa school?I'm sure madami dahil maganda ka at mabait pa".

Di siya nakasagot dahil natahimik ang hapag kainan lahat nang magkakapatid ay nakatingin sakanya.Seryoso ang mga ekspresyon nang mga ito.Tila nag iba ang aura nang buong paligid

"Son!quit it, kaya walang nanliligaw kay Sasha masyado kayong over protective sa bata"sabi ng Don sa mga ito.

Tingin nang mga Contreras sa kanya ay parti na nang pamilya lalong-lalo na ang tatlong ito.They treat her as thier own little sister.Simula pagkabata ay minahal siya nito bilang nakababatang kapatid.

"Oh!dear siguradong mahihirapan makanap nang Boyfriend itong si Sasha right Hunter?baling ni Doña Eliza sa bunsong anak nito.

Hunter is twenty tahimik itong tao at may pagka suplado.Sa tatlong magkakapatid ay ito ang pinaka mahirap intindihin.At para sa kanya ito ang pinaka gwapo sa tatlo.Alam niyang crush niya ito simula pagkabata kaya lang alam niyang haggang pangarap niya nalang ito.

Seryosong tumingin ito sakanya.Nararamdaman niyang bumilis ang tibok nang kanyang dibdib.Paano ba naman sobrang gwapo nito.May matangos itong ilong his eyes is color black at may mapupula itong labi.He has a tan skin and he is tall he is the very exact difinition of Tall,dark and handsome.

"She does'nt need a boyfriend mother"supladong sagot nito

"Well subukan lang nilang man ligaw kay Sasha at makakatikim sila nang aking kamao"sabi ni Kuya Kairo.

"Well di natin maiiwasan kapag may nagkagusto kay Sasha.How about pag may nanligaw sayo ay ipakilala mo saamin?sabi ni Kuya William.

"Ok po Kuya Liam"sagot niya dito

Mabuti ay di ulit na open ang usapan tungkol sa boyfriend na yan.She know ayaw pa niya mag ka nobyo dahil isang tao lang ang nag mamay-ari nang kanyang puso at si Hunter iyon.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito.

"Sasha sumabay kana saakin"narinig niyang sabi ni Hunter.

"Nako!wag na kuya Hunter si Tay Owen nalang"

Pero parang wala itong narinig

"I will wait for you in the car"seryosong sabi nito sakanya.

Kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang mga gamit niya pagkatapos niyang mag ayos.

"Inang una napo ako si Kuya Hunter daw po maghahatid saakin"paalam niya dito.

"Sige mag ingat kayo at Sasha magpasalamat ka kay Señorito".

Hinalikan niya ang pisge nito

"Nanay Ruth!Alis naako"

"Ohh!sige puntahan mo nalang si Owen sa garahe"sabi nito.

"Si Kuya Hunter napo maghahatid saakin"

Tapos ay umalis na siya papunta sa sasakyan nito nakita niyang nakatayo iyo sa gilid nang sasakyan.He owns a black sedan car nang makita siya nito ay pumasok na ito sa sasakyan.

Sumakay na siya sa likod naghintay siya na mag on ang kotse pero nakita niyang tumingin ito sa kanya.

"In front Sasha I'm not your driver"inis na sabi nito sakanya.

"Hmmmph!Suplado talaga!

Kaya mabilis siyang lumipat

Habang bumabyahe sila papuntang school ay di niya maiwasang di tingnan ito.Simula pagkabata ay ito na ang kasama niya.Matapos manganak ang kanyang Inang ay doon na ito nagtrabaho sa mansyon kaya doon na din siya lumaki.Kaya sana'y na siyang kasama nag iba lang noong lumaki na sila dahil naging busy na din ito.At sabi nang kanyang Inang di na maganda tingnan kung palagi niyang kasama si Hunter.Naisip niya din na mas maganda kung lumayo siya dito para kahit paano ay mawala ang espesyal na nararamdaman niya para kay Hunter.

"Done looking at me Sasha do I look more handsome?Crush mo na baako?then he smile.

Napatigil siya Shocks!bat ang gwapo mo Hunter?!kaya di ako maka move on ehh!Nung nag ulan ata nang kagwapuhan sinalo mo lahat.

"Tse!Di kita crush ahh!Kuya kaya kita!kaagad na sagot niya nito.

Nabigla siya nang ininto nito ang sasakyan then he looks at her.Patay!nagalit ata ito!

Then he slowly lean towards her at naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang labi at dahan-dahan nitong hinalikan.

It taste so sweet dahil parang ingat na ingat ito sa ginagawang paghalik sakanya.Nang natapos siya nitong halikan ay biglang namula ang kanyang mukha.

"Hunter!galit na sigaw niya dito

"That's better dont ever call me kuya because we both know I'm not your brother!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag