At exactly 9 o'clock of that night, umalis na sila ng bahay. Ngayon,kami ni daddy ang naiwan sa veranda. Si daddy,naninigarilyo habang ako ay umiinom ng alak.
"Hindi ka dapat humarap kay Celine at sa daddy nya ng ganyan ang itsura mo. Puro bangas."
"Hindi ko alam na nandito sila."
"how will you know?you didn't answer Celine's call. Anyway, mabuti na lang at mabait si Celine. You should be so thankful that you have her. You're lucky to have Celine Xander.!" at pumasok na sya sa loob. Naiwan ako na umiinom pa rin ng alak.Ilang minuto lang ay umakyat na din ako sa kwarto ko dala ang regalo sakin ni Celine. Binuksan ko ang kahon at isang wrist watch na color black ang laman. Isang wrist watch na mamahalin. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng 3 taon, ganito ang ibinibigay nya sakin. Balak ba nya akong bigyan ng collection?
Pagpasok ko sa campus,sa isang bench nakita kong nakaupo si Celine kasama si Leo. Childhood friend nya sa Pennsylvania. Purong Pinoy pero sa America pinanganak parang si Celine. Masayang naguusap ang dalawa habang kumakain ng sandwich. Sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito at kasama ko si Celine, kay Celine lang sya nakatingin. Minsan naman ay ganito,nakikita ko silang magkasama at masayang naguusap. Minsan naman sa cafeteria habang kumakain kami ay lalapitan nya si Celine para bigyan ng chocolate na paborito ni Celine.
"hi Xander!" i looked at my back and Zia is there smiling at me. Nilapitan nya ako at hinalikan sa pisngi. I pushed her away from me.
"don't worry, Celine won't see me kissing you coz as i see she's busy talking with that guy. " Sabi nya habang nakatingin sa direksyon nila Celine.Hindi nga nya kami napapansin dahil masaya syang nakikipagusap sa lalaking yun.Pero kahit na, hindi pa ba nya ako titigilan.
"what do you need?" sabi ko ng medyo mataas ang boses.
"well, the masquerade ball is coming. And i want you to be my date on that night. "
"I'm not going to attend that party. Maghanap ka ng ibang date mo!"
at tumalikod na ako
" oh really? So kahit si Celine ang magiging date mo ay hindi ka pupunta!?"
hindi ko na sya pinansin at dumeretso na ako sa klase ko.Masquerade. Wala akong hilig sa mga ganyang party.
After ng klase ko ay magkasabay na kaming bumaba ni Celine papuntang parking lot. Nagtext kasi sya sakin na samahan ko sya sa fashion designer nya.Sasakyan ko na ang ginamit nya dahil nagpahatid lang din sya sa driver ng daddy nya. I have no choice dahil tinawagan din ako ng daddy para samahan sya.
"hi!" bati ni Celine sa baklang designer nya.
"oh hi princess Celine. You're here!! How are you!?" at nagbeso-beso silang dalawa habang nakangiti.
"oh your prince charming is here too. So ano, magpapagawa ka ba ng gown that's why you're here!?" sabi nya habang hawak ang tape measure at nakangiti. At nagnod lang si Celine kaya sinimulan na syang sukatan para sa gown. Ilang minuto pa ay tinawag ako ng designer. Hindi na ako nakatanggi pa sa pagsukat. Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya na hindi ako pupunta sa masquerade ball. Pwede naman nyang ipacancel ang pagpapagawa ng suit para sakin.
"ipapadeliver ko na lang sayo pagkatapos kong gawin ito."
"ok. thanks.We have to go now.thanks again.!" at umalis na din kami. Ihahatid ko na sana sya sa bahay nila nang sabihin nya na dumeretso na lang kami sa bahay namin. May sasabihin din daw kasi sya kay mommy. Kaya sa bahay na nga kami dumeretso.
" hija! nandito na pala kayo.Halika sa loob May ipapakita ako sayo.!" bungad ni mommy nang makita sya sa sala. At hinila na sya sa kwarto ni mommy.
Nagbihis lang ako sa kwarto ko at umalis na ulit ako gamit ang motor ko. And as usual, sa bar ang punta ko. Habang nagiinom ay may lumapit sakin na babae.
"hi, can i sit here?" she asked. Nakaupo na nga nagpapaalam pa.
"you're Xander Nilson right?? I'm Elize." at inoffer nya ang kamay nya para makipag shake hands. Maganda sya, sexy, at elegante pero halatang liberated. Buong magdamag,sya ang kausap ko. Nagiinuman habang nagkekwentuhan. Hindi na din nawala ang halikan. Bago pa kami malasing, umalis na kaming dalawa sa bar at dumeretso sa condo nya. Don itinuloy namin ang inuman hanggang sa makaramdam na kaming dalawa ng init. Isang pakiramdam na nagtulak samin sa kama. Hanggang sa may nangyari samin ng gabing yun. Pagkagising ko wala sya sa tabi ko kaya tumayo na ako at nagbihis. Paglabas ko sa kwarto ay nasa sala sya at nanood ng TV habang kumakain ng salad.
"oh gising ka na pala. You're going home now??" she said without looking at me.
"yeah. I have to go."
"okay, thanks for that wonderful night. Don't worry, it's nothing to me. Hindi ako maghahabol like others.!" at humarap sya sakin ng nakangiti. Umuwi na ako pagkatapos kong magpaalam sa kanya. At dahil weekend naman ay sunod sunod na araw akong wala sa bahay. Uuwi para magbihis at aalis ulit. Manonood ng motocross, makikipagdate, iinom sa bar at dederetso sa condo ng bawat babaeng walang sawang nagpapakita ng motibo at nakikipagflirt sakin. At sa bawat araw na yun, ilang tawag din ang natatanggap at binabalewala ko mula kay mommy at Celine.
"Xander, san ka ba nagpupunta!? Uuwi ka lang para magbihis then aalis ka ulit.!" sabi ni mommy nang makita nya akong pababa mula sa kwarto ko.
"ma'am delivery po!" isang delivery boy ang dumating at may hawak na malaking kahon.
"para po kay Mr. Alexander Nilson." pinirmahan ko ang papel na hawak nya saka ko kinuha yung kahon. Nakalagay sa kahon na galing yun sa boutique ng designer ni Celine. Ito na siguro yung suit na pinagawa nya. Sa pagkakatanda ko ay tinext ko syang hindi ako pupunta sa masquerade ball pero pinagawan pa din nya ako nito. Dinala ko lang yung kahon sa kwarto ko saka ako umalis ng bahay. Hindi ko na kinausap pa si mom dahil alam kong pagsasabihan lang ulit nya ako ng mga paulit ulit na nyang nasabi.